Chapter 24

628 45 26
                                    

Chapter 24

Napahiwalay ako bigla kay Troy nang makarinig ng tikhim mula sa likuran ko. Troy sat up and lazily looked at the intruder, clearly not even bothered by our sudden audience.

Napapikit ako. Please, don't let it be my mother...

Nagmulat ako ng mga mata at nang lingunin ko iyon, halos buong katawan ko yata ang namula! Oh, my God... Kuya Migo saw us!

Halos hindi na ako humihinga sa paghihintay ng sasabihin nito. Sa apat na Kuya ko, dito ako pinakanatatakot. Mas istrikto pa kasi ito kaysa kay Papa at Kuya Iñigo pagdating sa akin. Pareho naman silang lahat na istrikto pero mas malala lang talaga ito.

He was the one who had set curfews on me when I was in high school. Kailangang bago mag-alas sais ay nasa bahay na ako at hindi na puwedeng lumabas. And he was also very particular with boys. Marami na kasi akong manliligaw noon at ayaw nito ng ganoon. Pinagbigyan lang nito si Yano dahil nasa huling taon na ako sa kolehiyo nang manligaw iyon.

But of course, in one condition: huwag na huwag magpapahawak sa kamay. Ultimo pagho-holding hands ay ayaw nito kaya ngayong naabutan nito akong halos yakap na ng ibang lalaki ay natakot ako bigla sa gagawin nito. Hindi naman ito nananakit nang pisikal pero kinabahan pa rin ako. My goodness! Matanda na rin ako. Hindi na ito dapat ganito kaistrikto sa akin—

"Didn't know you were here, Troy," parang walang nangyaring komento nito.

Muntik nang malaglag ang panga ko sa gulat. What the heck did just happen? Hindi ba nito nakitang halos nakakulong na ako sa mga bisig ni Dalmatian kanina?

"Akala ni Asher, walang uuwi sa inyo. Pinasamahan sa akin," magaang sagot ni Troy. Na parang walang ginawang kasalanan!

Eh, bakit ba, Czei? Ano'ng masama roon? Ikaw lang ba ang puwedeng yumakap sa kanya nang walang dahilan? Iiyak-iyak ka pa nga noon pagkatapos ngayon ay kasalanan pa ang ginawa niya? Ni hindi pa nga iyon tunay na yakap! Arte mo!

"Good night, Czei," Kuya said in a dismissive tone, halatang tinataboy na ako. "May pag-uusapan lang kami ni Troy."

Aalis na sana ako nang matiwasay. Kaya lang, nang marinig ko ang huling sinabi nito ay tumambol na naman ang puso ko sa kaba. Ano naman ang pag-uusapan ng mga ito bigla? In the wee hours of the night? Gabjagi? Hindi ba puwedeng bukas na lang at dito na muna ako?

Nahalata ni Troy ang pagpa-panic ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Good night, Pao," he said, dismissing me as well.

I didn't have a good night at all. Bukod sa madaling araw na, binulabog ako ng mga sinabi ni Troy kanina bago kami naabutan ni Kuya Migo. Idagdag pa roon na gusto ko ring malaman kung ano ang pinag-usapan ng dalawa!

Ang laki ng eyebags ko kinaumagahan. Walang silbi ang ginamit kong concealer dahil mukha pa rin akong bansot na panda. Hindi ako makatingin nang diretso kay Kuya Migo nang nasa hapag na kami para mag-breakfast. Pakiramdam ko, may ginawa akong hindi nito nagustuhan at naghihintay lang ito ng tamang pagkakataon para pagsabihan ako.

Si Troy naman, tila walang pakialam! Excuse me! Ako lang ba ang apektado rito?

Hindi na ulit umuwi rito si Kuya Asher. Mukhang nagpunta na naman sa kung saan dahil ako ulit ang nagsa-sub sa kanya sa banda. Ang tatlong Kuya ko lang ang umuuwi ngayon sa bahay at huli na nang malaman kong nasa Orazon ulit siya.

Sa mga sumunod na araw ay mas lalo akong naging abala. Tumanggap na ako ulit ng bulk orders for big events kaya maya't maya akong wala sa bahay ngayon. Naisipan ko na nga ring magtayo na ng sariling shop. May ipon na rin naman ako galing sa pagv-vlog at sa pagsu-supply sa APH. Matagal ko na ring gustong gawin iyon pero hindi ko lang magawa dahil natatakot akong hindi papatok. Bukod pa sa lagi akong nagsa-sub kay Kuya sa Lyricbeat sa tuwing wala siya kaya natatakot din akong baka hindi ko mapanindigan at matutukan iyon.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now