Chapter 30

754 47 5
                                    

Chapter 30

"Good morning, Pao."

"I woke up late and you weren't here anymore."

"I could've taken you home."

"Hangover?"

"I'll visit."

"Are you mad, Pao?"

Nagpupuyos ang kalooban na nagpatuloy ako sa paglalagay ng mga ingredients ng gagawin kong choco-ensaymada sa mixer habang masama ang tingin sa mga text message ni Troy. Sunud-sunod ang mga iyon simula pa kaninang pagkauwi ko at ni isa ay wala pa akong sinasagot.

Bahala siya riyan.

Sino ba kasi ang hindi maiinis? Pagkatapos ng lahat ng napag-usapan namin kagabi, isinuot niya sa akin ang buwisit na singsing na ito habang tulog ako?

Was he also drunk? Ano'ng nangyari sa mga pangakong binitawan niya? Ano'ng nangyari sa 'at the right time with the right ring' niya? This was obviously the wrong ring! So, ano pala ang gusto niyang iparating? Na hindi pa tamang panahon kaya okay lang na bigyan niya ako ng maling singsing? 'Yong singsing pa na ilang taong konektado sa ibang babae! Ang sakit niya sa tiyan!

Itatapon ko na nga sana iyon kanina sa sobrang sama ng loob ko. Kaya lang, naisip ko na paano pala kung nakalimutan niyang ibinigay niya sa akin 'to? Tingnan nga natin kung paano niya hanapin 'to! Kapag hinanap pa niya, malilintikan siya sa akin! The ring had his first love's initial, and it shouldn't matter to him anymore now that we were engaged!

Bumagal ang galaw ng kamay ko hanggang sa tuluyan 'yong natigilan nang maisip ang salitang iyon. Hindi naman ako siguro nagkamali sa mga naaalala ko tungkol sa mga nangyari kagabi, 'di ba? We are really engaged now.

Last night, he was so sure I'd forget about everything today just because I was drunk. At lalo na siguro ngayon kasi hindi ko pinapansin ang mga text message niya.

Paano ko sasabihin sa kanya na natatandaan ko ang lahat? Even the kisses...

Namula ako sa hiya nang maalala pati iyon. I was aggressive and out of control, while he remained calm and collected. Napaka-unfair naman! Parang ako 'yong matagal nang may gusto sa kanya!

The only good thing about last night was that nothing happened between us aside from the kisses and making out. Kahit pa sabihing sobrang naapektuhan siya sa pangungulit ko ay nagawa pa rin niyang pigilan ang kanyang sarili. We were both almost over the edge last night, and it was the first time I had felt so out of control, but he managed to handle us both and prevent us from going further.

Mabuti na lang dahil kung nagkataong may nangyari, baka habang buhay na akong hindi magpapakita sa kanya.

Pero kahit gaano pa niya napatunayan na gentleman siya at hindi nagte-take advantage sa babaeng lasing, naibaon pa rin iyon ng inis ko dahil sa singsing na ibinigay niya. Just how could he stomach giving me the ring that was meant to be for Abigail?

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o masasaktan. Both yata. 'Kainis! Pero sa ngayon, mas naghahari ang inis, galit, yamot at kung ano pa mang tawag doon. Tinanggal ko agad ang singsing kanina nang makita iyon. Nilapag at iniwan ko sa tukador sa kuwarto. Kung mawala man iyon, hindi ko na kasalanan.

I resumed mixing the ingredients and concentrated on my work. Ibinuhos ko ang inis sa paggawa ng ensaymada. Late akong nagising kaninang umaga kaya wala akong nai-deliver sa APH. Ngayon ay ihahabol ko sa pang-hapong break nila.

Nakatulala na lang ako sa oven nang biglang dumating si Mama.

"Ano'ng kasalanan ng ensaymada, uri ddal?" tudyo nito sa akin. Napansin siguro na kunot ang noo ko roon.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now