Chapter 17

585 43 15
                                    

Chapter 17

"What?" It came out as a breathy whisper. Kumunot ang noo ko nang makita ang kaseryosohan sa mukha niya. "Wait... I don't understand. I'm not drunk, Troy. What do you mean?"

Hindi siya agad nakasagot. Mabigat ang paghinga niya habang nasa puting bahay pa rin ang kanyang paningin. Bukas ang bintana sa gilid niya at nakasandal doon ang kanyang kaliwang braso. Ang kanyang mga daliri ay naglalaro sa kanyang kaliwang kilay, dinadama ang biyak niyon at tila kinakalma ang sarili. Pagkatapos ay isinandal niya ang ulo niya sa headrest ng kanyang upuan, mariing napapikit at sunud-sunod ang pinakawalang buntong hininga.

His right hand was still holding the steering wheel, mahigpit ang hawak doon at patunay ang mga naglalabasang ugat sa kanyang kanang braso.

I unconsciously extended my left hand to touch his tense arm. "Hey..." Halos hindi ko rin magawang ilabas ang boses ko. "Dalmatian, bakit? Ano'ng problema?"

Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya bago siya tuluyang nagmulat ng mga mata. He languidly tilted his head in my direction. His eyes were almost bloodshot from all the words and emotions he was trying to suppress.

Hindi agad ako nakapag-react sa gulat. Sanay akong makita ang mga mata niyang laging malamig at madilim. But right now, it was like I was looking at a different pair of eyes. His eyes seemed to be saying things his lips couldn't. For a while, I thought I saw hope in them. Pero dagli ring nawala. Napalitan iyon ng ibang emosyon na ngayon ko lang nakita at hindi ko mapangalanan.

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nasa braso niya, unti-unti na yatang kumakalma. He chuckled afterwards. The kind of chuckle with a hint of disbelief.

"For a while, I thought you could remember me now. Ending up here of all places," bulong niya.

Mas lalong nangunot ang noo ko. Narinig ko ang mga sinabi niya pero hindi ko naman naintindihan. Kailan ko ba siya nakalimutan? Araw-araw kong nakikita ang pagmumukha niya simula nang dumating siya sa bahay namin ilang taon na ang nakararaan, kaya paano ko siya makakalimutan?

Bumuntong hininga siya ulit kaya nawala ako sa mga iniisip ko. Pagkatapos niyon ay nakita kong idinantay niya ang kanyang palad sa kamay ko. Mainit iyon at masarap sa pakiramdam. May munting ngiti na sa kanyang mga labi habang nakatingin sa mga kamay namin. He lifted his gaze at me and smiled gently. "Don't worry. Kaya ko pang maghintay. I will help you no matter what, Pao."

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi naman siya lasing kaya ano itong mga pinagsasabi niya?

He chuckled upon seeing the confusion on my face. "Wala iyon. Just... lyrics, Pao." Napahinga siya ulit nang malalim. "Now let me go check your car."

Bago pa man ako makasagot ay nagtanggal na siya ng seatbelt. Napipilitang binawi ko ang aking kamay.

I watched him walk towards my car. Napabuntong hininga na rin ako bago ako lumabas ng kanyang kotse para sumunod sa kanya. I unconsciously glanced at the white house and felt its odd familiarity once again. Pero mas ramdam ko iyon ngayong kasama ko si Troy kaysa noong kaming dalawa lang ni Jeojang at nang masiraan ako ng kotse kanina.

Hindi na matanggal ang kunot ng noo ko dahil nagsisimula na namang kumirot ang ulo ko sa pagpipilit kong isipin kung bakit pamilyar ang bahay na nasa harap namin.

Humalukipkip ako sa tabi ni Troy. Bukas na ang harap ng sasakyan ko at may kinakalikot siyang kung ano roon.

"Ba't lumabas ka pa? Saglit lang naman 'to," sabi niya habang seryoso sa ginagawa.

Tumayo siya nang tuwid pagkatapos ng ilang minuto at nagtungo sa driver's seat. The engine roared to life immediately as soon as he pressed the start button. He tilted his head to look at me, his left brow slightly raised. "Nag-overheat lang. Ba't ba kasi nag-ikot ka pa at hindi na lang umuwi agad?"

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now