Chapter 29

723 51 31
                                    

Chapter 29

Never in my life did I ever imagine that I would be the one to ask that question when it should be the other way around. Pero kahit gahiblang pagsisisi ay wala akong maramdaman. Tila pa nga nabunutan ng tinik ang dibdib ko at nakahinga na rin nang maluwang.

Troy, though, looked offended. Saglit siyang napaiwas ng tingin at nang muli akong hinarap ay napatiim-bagang. "You're drunk. Kapag pinatulan ko 'yang kalasingan mo, mag-aaway na naman tayo bukas. I'm tired, Pao. Just get some sleep in my bed. I'll sleep here on the sofa—"

It was then my turn to be offended. Hindi ba niya ako narinig? Hindi ba niya naintindihan ang tanong ko? O sinadya niya talagang balewalain iyon?

"I'm serious, Troy," mariing sambit ko.

Napabuga siya ng hangin, kasabay ng lalong pagdilim ng mukha niya. He smirked with cruelty in his eyes. "Will I marry you? Bakit? Naaalala mo na ba ako?"

Nawala ang ngiti niyang nang-uuyam at kitang-kita ko ang pagrehistro ng pagod sa mga mata niya. Magkahalong pagod at lungkot. Na tila ba siya pa ang nasaktan sa mga katagang binitawan niya.

Napalunok ako sa magkahalong pait at panliliit na naramdaman. Heto ako at nakaluhod pa rin sa paanan niya kahit dinig na dinig ko kung paano niya tinanggihan ang proposal ko. What the heck was I thinking? Parang ngayon lang tuluyang pumasok sa kukote ko kung gaano kabigat ang tanong na basta ko na lang itinapon sa kanya.

And what was with that question again? Hayan na naman siya sa pagbibitaw ng mga salitang hindi ko maintindihan.

"Bakit ba lagi ka na lang nagtatanong ng ganyan? Of course, I will always remember you. I'm just drunk... Tipsy, actually. But it doesn't mean na makakalimutan kita. I don't have amnesia." I was trying so hard to mask the pain I was feeling with irritation, even when my eyes were still filled with unshed tears. Ni hindi man lang niya sineryoso ang tanong ko kanina.

Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago muling hinawakan ang mga balikat ko para itayo ako. "Wrong answer, baby," he whispered in a hoarse voice, tila mas lalong nahirapan sa sitwasyon namin ngayon.

"Baby..." wala sa loob na ulit ko sa itinawag niya sa akin. It felt good coming out of my lips. So effortless... as if they were meant to be addressed only to him.

Kumabog nang husto ang dibdib ko at muli kong sinubukang hulihin ang tingin niya.

Nagsimulang mamungay ang mga mata niya bago bumaba ang tingin sa mga labi ko. Napapikit siya saglit at nang magmulat ay bahagya nang namumula ang mga iyon. "Yes, baby... Stand up, please. Don't ever kneel in front of anyone. Never again. Especially men. Kahit pa ako. Anghel ka ng pamilya mo, Pao. Ng mga Kuya mo. Ano sa tingin mo ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang nakaluhod ka ngayon sa harap ko? Ikaw dapat ang niluluhuran ko, Czeila Aryeza."

Napakurap-kurap na lang ako habang siya ay tila kinakalma pa rin ang sarili. Halata sa bawat pagbuga niya ng malalalim na hininga.

"At the right time... with the right ring."

Napaawang ang mga labi ko nang marinig iyon.

He let out a sigh of surrender. "You deserve the universe, my Aryeza. I promised myself and your brothers that I'd give you that... pero hindi pa ngayon. Hindi pa puwede. Your brother said I am very impatient, pero mukhang pati yata ikaw ay ganoon din. Lasing ka ngayon at bukas ay makakalimutan mo rin itong mga pinag-usapan natin. If I give in tonight, what will happen to me tomorrow? In a one-sided engagement? Habang ikaw ay walang maalala?"

What?

Nabuhol yata ang utak ko sa haba at dami ng mga sinabi niya. I couldn't grasp... a single word.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now