Chapter 31

773 43 14
                                    

Chapter 31

"What the fuck have you been thinking?" Namula na si Troy sa iritasyon nang mapagtanto kung ano ang ipinagpuputok ng ugat ko simula nang iwan ko siyang mag-isa sa kanyang condo. "That's Aryeza, Pao! Not Abigail. Not anyone else! That's A for Aryeza!"

Humakbang siya palapit sa akin at sa halip na umatras dahil sa nakikita kong inis sa mga mata niya ay naestatwa na lang ako. Kinuha niya mula sa aking kamay ang singsing at saka ipinakita ang nakalambitin na letrang A.

"What?" Halos hindi lumabas ang boses ko sa gulat. Bigla akong nanghina sa narinig. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa hawak niyang singsing.

Saglit na dumaan ang pagtatampo sa paraan ng pagkakatitig niya pero agad ding natabunan ng pagkunot ng noo niya bago kinuha ang kaliwang kamay ko. "How could you even think of Abigail? She's my best friend's girlfriend. She has nothing to do with this ring," naiinis na sabi niya ngunit sa kalmado nang boses habang isinusuot sa akin ang singsing.

His best friend's girlfriend? Ni hindi ko alam kung sino ang best friend niya. At teka nga, ba't parang galit pa siya na pinag-isipan ko nang ganoon si Abigail?

"Sino naman ang best friend mo at nasaan? Ba't hindi ko kilala? Who else is close to you apart from us and your bandmates?" pang-uusig ko pa rin.

Nag-isang linya ang mga labi niya. "Hindi lang ikaw ang kaibigan ko. And you were never just a friend to me. This ring—" Sabay haplos niya roon. "—has always been Aryeza. Your second name. Hindi mo talaga naramdaman? Hanggang ngayon? Haven't I told you before? Czeila Aryeza first?"

A for Aryeza... Not A for Abigail...

Czeila Aryeza first...

What?

Am I hearing things or is he really confessing to me right now? Here inside my bedroom... With neither of us under the influence of alcohol... With both of us sober...

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko na hawak pa rin niya. Magkatabi na ulit ang ibinigay niyang singsing at ang singsing ko ngayon.

A and Z.

Was this just a coincidence or what? My ring happened to be his second name's initial as well.

Napailing ako. Pati ba naman iyon, pagdududahan ko pa at iisipin? Of course, it was just a coincidence! I've had this ring since way before I met him back in senior high school.

"Kung ganoon, gusto mo talaga ako? Ba't hindi mo sinabi?" reklamo ko.

Binitawan niya ang kamay ko at napatiim-bagang. "Halata na nga pero hindi mo naman pinapansin. Ba't ko sasabihin? It's not a secret, Pao. Alam ng mga Kuya mo, and probably your parents. Hindi mo lang talaga maramdaman dahil baliw ka sa Corpuz na iyon."

Huh?!

"Kaya hindi mo makita na baliw naman ako sa 'yo," mahina ngunit mariing dugtong niya.

Gusto ko na yatang himatayin sa mga pinagsasasabi niya. Why was he using those terms?! Nakakahiya kung totoong baliw siya sa akin! Talaga ba?!

"Akala ko noon, napapansin mo na. But you love confusing me. You seemed to fancy giving me mixed signals, and you're not even aware of it. One day, you appeared to be head over heels in love with me, with the way you look at me, with the way you always choose me over that boy whenever you have to choose between us... Aasa na naman ako, but then the next thing I know, baliw ka na naman sa kanya."

"Is this a confession?" paglilinaw ko, hindi pa rin makapaniwala.

Ngayong pareho kaming nasa matinong pag-iisip ay parang ang hirap paniwalaan. Talaga bang gusto ako ng isang Troy Zander Park? For real?

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now