Chapter 10

629 42 9
                                    

Chapter 10

I was baking while singing in the kitchen when Kuya Asher suddenly made a fuss about the draft notice he received from South Korea. Noong una ay tinawanan ko siya kasi nakita kong natutuwa si Rhyne sa pagra-rant niya. Pero nang maisip ko na sa susunod na buwan na iyon, parang gusto ko na ring sabayan si Kuya sa pagmamaktol niya.

Paano nga naman ang kaibigan ko? Magbubuntis at manganganak nang wala siya rito?

Tatlo na lamang sila nina Rhyne at Troy ang nasa hapag ngayon at nag-aalmusal. Buong almusal ay nakasimangot si Kuya. Kaunti lang ang kinain dahil na rin siguro sa dinaramdam.

He was only twenty-six years old. Bakit may draft notice na agad silang ipinadala? Dahil ba hindi siya nakatira sa South Korea kaya advance? Ang alam ko kasi, they'd have time until they were twenty-eight.

"Bakit ba kasi hindi mo ni-revoke ang citizenship mo roon bago ka nag-eighteen?" tanong ko habang inaayos na sa kahon ang mga inihandang egg pie.

I got no answer from him, and when I looked up, masama na ang tingin sa akin ni Troy. Napansin yata iyon ni Rhyne dahil nakita ko ang pagpipigil nito ng ngiti.

"What?" I mouthed.

Napailing-iling siya, as if disappointed. Ano na naman ang ginawa ko sa kanya? Itong Dalmatian na 'to talaga, sa tuwing ayos na kami, lagi pa rin siyang nakakahanap ng dahilan para mainis ulit ako sa kanya. Ano iyon? Seryoso siyang gusto niya talagang araw-araw kaming mag-away?

Naunang umalis si Kuya Asher matapos lagyan pa ng maraming kanin ang plato ni Rhyne at halikan ito sa noo. Nangingiti pa rin ang kaibigan ko pero sinabihan ko itong sundan na lang si Kuya pagkatapos nitong kumain sa music room. Doon iyon naglalagi kapag may iniisip.

"Hindi mo na dapat ginatungan pa ang inis ni Asher kanina," saway sa akin ni Troy pagkaalis ni Rhyne.

Natigilan ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. Tumayo na siya at inayos ang mga pinagkainan namin at saka nagtungo sa sink.

Sinundan ko siya ng tingin, hindi na napigilan ang pagkunot ng noo. "Hindi ba kumpleto ang araw mo kapag hindi tayo nag-aaway? Nang-iinis ka na naman? Galit ka na naman?"

"I'm not mad, Pao," sabi niya bago sinimulan ang paghuhugas ng mga plato. Kasunod niyon ay narinig ko ang buntong hininga niyang tila pagod.

"I was just teasing Kuya. Hindi ko naman gustong umalis siya." Hinarap ko na siya at pinamaywangan kahit hindi niya ako tinitingnan. "Ganoon din naman ang gagawin ko kung ikaw ang nakatanggap ng draft notice."

"I won't receive any because I revoked my citizenship before I came here."

Napanguso ako. Siya rin kasi ay doon din ipinanganak. His father was Mama's best friend.

Mabuti pa siya. Bakit ba hindi naisip ni Kuya na gawin iyon bago siya tumuntong sa legal na edad? Ngayon pa talaga siya nakatanggap ng notice kung kailan naghahanda ang lahat para sa kasal nila ng kaibigan ko. Kung kailan kailangan niyang manatili.

But then, he was only twenty-six. Maybe he could ask them to delay his enlistment. Puwede naman sigurong ganoon, 'di ba? He still had two years before he reached twenty-eight. By then, almost two years old na rin ang magiging pamangkin ko kaya ayos lang na sa panahong iyon siya mag-enlist. Ako na'ng bahala kay Rhyne at sa anak nila. Marami kaming mga Tita at Tito niya ang mag-s-spoil at magpoprotekta sa kanya. Ngayon ngang hindi pa siya ipinapanganak ay ang dami nang nagmamahal sa kanya.

"Troy," Mama suddenly called him from the living room.

Saktong tapos na rin siya sa kanyang ginagawa kaya agad na siyang lumabas ng kusina. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now