Chapter 4

656 45 14
                                    

Chapter 4

Pang-apat na mura na ang pinakawalan ni Troy habang nilalapatan ko ng ice pack ang kanyang pasa. Malapit iyon sa kanyang pang-ibabang labi kaya medyo namamaga na rin ang gilid niyon. Reklamo siya nang reklamo kaya minsan ay sinasadya ko na ring diinan ang ice pack. At sa bawat sama ng tingin niya sa akin, natatawa na lang ako at tuluyan na ngang nakalimutan ang sama ng loob na namumuo kanina bago siya dumating.

"Barumbado, lasing ka nga. Mabuti at magkasama tayo. Kung hindi, baka i-drunk call mo na naman ako," pang-aasar ko sa kanya.

Now that he was drunk, pakiramdam ko ay mananalo ako kahit ano pa ang pag-awayan namin. Baka nga mag-enjoy pa ako sa halip na mapikon.

"I never drunk-called you," tanggi niya. Sumama ulit ang tingin niya. Umiwas siya sa hawak kong ice pack at kinuha ang remote control. "Let's just watch a movie, Pao."

Sumama ulit ang timpla ng mukha niya nang bumukas ang TV at tumambad sa amin ang dalawang bida sa yate. Natatawang pumikit ako.

He cursed some more. "I swear if I catch you watching this kind of movie agai—"

Nagmulat ako at bumaling sa kanya, nakataas ang kanang kilay. "Then, what?"

Napanguso siya, mas lalong nagsalubong ang mga kilay. "Isusumbong kita sa Mama mo."

Natawa na naman ako. "Lasing ka na nga, Dalmatian. Ang cute mong ngumuso." Ginaya ko pa siya para asarin. Natatawang umilag ako at tumayo nang makita kong umangat ang kamay niya. Pipisilin na naman niya nang mariin ang pisngi ko!

"Kukuha muna ako ng tubig nang matauhan ka na't mahiya ka riyan sa mga pinagsasasabi mo." Ngumuso ako ulit para gayahin na naman siya.

Kanina ko pa hinubad ang suot kong heels at nakapaa na akong tumakbo papunta sa kusina para kuhanan siya ng tubig. Pagbalik ko, nakatihaya na siya sa sofa at ang kanyang kanang braso ay nakatakip na sa kanyang mga mata.

Napailing ako. Troy had a high alcohol tolerance. Minsan, kapag nag-iinuman sila nina Kuya, tumba na ang iba samantalang siya ay saka pa lang tatamaan. Ano kaya ang ininom niya sa APH at ganito siya kabangag ngayon? Imbes tuloy na nagdadrama ako, heto ako't inaalagaan pa siya.

Namaywang ako sa harap niya. "Oh, akala ko ba'y manonood pa ng movie ang pinakamamahal naming Dalmatian?"

He languidly removed his arm and opened his sleepy eyes. He scanned me from head to toe. Pagkatapos ay nagulat na lang ako nang hinubad niya ang kanyang sapatos at ibinigay iyon sa akin. "Why are you barefoot? Malalamigan ang mga paa mo. At bakit ba hindi pa rin nagbibihis? Malalim na ang gabi."

Tumaas na naman ang kilay ko nang pagkatapos niyang ilapag sa paanan ko ang kanyang sapatos ay umangat ang kamay niya sa dulo ng aking skirt. Muntik ko na siyang masapak! Akala ko, hahawakan niya ako sa binti!

Hinila-hila niya iyon pababa nang marahan. "Too short, Pao," puna niya.

Sasapakin ko na nga talaga sana siya, eh. Kaya lang, alam kong lasing itong barumbado na 'to. Sa halip na mainis, hindi ko mapigilang mag-alala. Mabuti na lang at nakauwi pa siya sa lagay na 'to. Paano na lang kung sa ibang tao siya nagkalat nang ganito?

"Hindi ka ba sinipot?"

Sana pala ay sinapak ko na lang, eh!

Yumuko ako nang bahagya at inilapat ang aking hintuturo sa noo niya para matingnan niya ako. "Ano'ng problema mo kung hindi nga ako sinipot? Barumbadong 'to, lasing na lasing. Umayos ka nga. Inumin mo 'to."

Tinanggap niya naman agad nang inabot ko sa kanya ang isang baso ng tubig. Nilagok niya iyon na parang alak. Lasing nga siya at ni hindi niya napapansin na natutulog na sa tabi niya si Jeojang.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Where stories live. Discover now