Chapter 9

396 24 14
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Gago ka, Cid! Akin 'yan! Ibalik mo sa akin 'yan! Hayop ka! Kapag ikaw talaga nahabol ko, sisiguraduhin kong malalagyan na naman ng pasa iyang mukha mo! Tangina nito! May pera naman, hindi bumili ng kaniya. Bwisit ka talagang unggoy ka!"

"Mac naman! Pahingi ako. Isa lang, eh. Napakadamot mo talaga kahit kailan," nakangusong saad ni Cid habang tumatakbo at ako naman ay hinahabol siya. Gagong 'to! Maliit lang ako at malaki siya kaya hindi ko maabutan. Parang isang hakbang niya ay tatlong hakbang ang katumbas ng sa akin.

"Ibabalik mo o pasasabugin ko 'yang mukha mo? Tangina ka! Hoy, tikbalang ka!"

"Macccccccccc! Isa lang, please..." Nakanguso niyang saad habang tumatakbo ng mabilis. Kapag ito talaga naabutan ko, sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng pasa sa mukha.

"Hindi nga sabi! Anak ka ng tipaklong, Cid. Akin na sabi!"

Tumakbo lang ang ulaga kaya wala akong nagawa kung hindi habulin siya at nang maabutan ay hayun, sinapak ko, masyadong makulit. Para naman siyang batang inagawan ng kendi nang kunin ko sa kaniya ang siomai ko.

"Ouchhh! Ansakit mo talaga manapak, Mac. Bakal ba iyang kamay mo? Sa liit mong iyan, ganiyan ka kalakas manapak? Isa lang naman, eh. Napakadamot mo talaga," nalulungkot niyang saad kaya binatukan ko ulit. Napaungot na lang siya dahil sa ginawa ko. Para talagang bata ang gagong 'to.

"Bumili ka ng sa iyo. Hindi ba't mayaman ka? Bakit dito ka sa akin nanghihingi ng pagkain mo?"

Bwisit. Kinuha siomai ko. Gutom ako kaya ayan, nasapak ko. Masyadong makulit at hindi masabihan. Sarap itapon sa kanal na puno ng tubig.

"Mac, tama na 'yan. Palagi mo na lang sinasapak si Cid. Hindi ka ba naaawa riyan? Kada linggo na lang may pasa sa mukha iyan, ah. Ginagawa mong punching bag 'yong tao," saway ni Zac dahilan kung bakit nalipat ang tingin ko sa kaniya. Wow naman! Nagkabati lang sila ng ugok na ito ay siya na kaagad ang kinampihan. Hello! Ako kaya ang kapatid mo rito.

"Ah, gano'n? So, ikaw na lang sasapakin ko para hindi na magkapasa ang ulaga na 'to? Oh, sige. Zac, lapit ka rito. Sasapakin kita!"

"Hehehe. Joke lang, Mac. Sige, sapakin mo na uli si Cid. Kulang pa raw pasa niya, mga limang sapak pa," nagpeace sign pa ang orangutan.

"What the!? Hoy, Zac naman! Mac, tama na. Ayaw ko na masapak!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Cid kaya napangisi ako. Kahit kailan talaga ay takot ang isang 'to sa akin. Minsan nga ay iniisip kong bakla siya.

And the winner is me! The one and only, Marienne Aecy Chandria Ramos! Bwahahaha!

"Hey, Ramos twin!" Tawag ni JV kaya napalingon kami sa kaniya.

"Oh?"

"Next month ay ang regional battle natin so dapat kada hapon ay magprapractice tayo. Okay lang ba na gabihin kayo ng uwi?" Tanong niya kaya napalingon ako kay Zac.

"Oo naman, JV," sagot ni Zac.

Tumuloy na lang ako sa pagkain ko at umupo sa isang bato na malaki. Si Cid naman ay inakbayan ako pero hindi ko na lang siya pinansin dahil busy ako sa pagkain ko. Naririnig ko pa ang bulong niya na bigyan ko siya, parang dinidemonyo ako ng unggoy na 'to pero sorry na siya dahil demonyo rin ako. Hindi niya ako madadala sa mga ganiyan.

"Glenn! Harvey! Zhyro!" Malakas na sigaw ni Zac sa kung saan at parang tanga na kumaway-kaway.

Lumapit ang tatlo sa amin at hindi ko alam kung bakit ansama ng tingin ni tukmol sa kamay ni Cid na nakaakbay sa akin. Problema ng taong 'to? May problema ba siya kay Cid?

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now