Chapter 31

275 6 1
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Tita Mac! Yohooooo! Tita Mac! Bakit andaming pulis dito? Mga kriminal ba tao sa loob kaya po binabantayan n'yo? Hala, ikukulong niyo po ba ang Tita ko? Huwag po, maawa po kayo kay Tita. Wala pa nga po siyang asawa tapos ikukulong n'yo na kaagad? Pangit n'yo po kabonding. Dapat si Tito Zac na lang kasi pangit naman po siya."

What the!? Alam ko boses 'to ni Leiro. Chismoso rin pala ang batang 'to. Aba'y manang-mana nga sa akin. Well, mas mabuti nang sa akin kaysa naman sa isip bata na si Zac. Mas mahirap 'yon kapag nagkataon.

Nandito kasi ako sa sala at inaaral ang kakantahin namin next month. Loko talaga 'tong batang 'to. Matagal pa naman pero pinagpapractice na kami ni Ate Sam.

"Leiro, nandito ako!"

Ilang sandali pa nga ay narito na ang makulit kong pamangkin. Nakapolo at jeans ang suot niya at may suot din na salamin, akala mo ay haring naglalakad at siya ang nagmamay-ari ng bahay. Pasalamat siya at guwapo siya sa suot niya ngayon.

"Hello, Tita Mac. Bakit po may mga pulis sa labas? Kriminal po ba kayo? Ano po bang ginawa n'yong kasalanan? Nagnakaw ka po ba ng krimstick sa tindahan? Bakit po hindi mo sinabi sa akin? Sana po sumama ako sa iyo. Eh di makukulong ka na po? Hala, huwag muna, tita. Pasyal muna tayo sa mall ngayon. Wait ka lang diyan, Tita, kausapin ko lang po mga pulis sa labas," dire-diretso niyang saad.

Nakatingin lang ako kay Leiro habang nagsasalita siya, tingin na parang may alien na napunta sa Earth. Ano'ng sinasabi ng batang 'to? Sobrang daldal talaga. Ni hindi man lang pinagsalita.

"Tumahimik ka nga riyan, Leiro. Ang ingay mo po. Hindi ako nagnakaw ng krimstick sa tindahan. May supply kaya ako, duh? Tiyaka sino'ng kasama mo? Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan sila Kuya at Ate? Nasaan si Levian? Tumakas ka siguro, 'no? Talaga naman."

"Tita naman, hinay-hinay sa pagtatanong, mahina po kalaban mo. First po, ako lang mag-isa, opo. Sumakay lang ako sa taxi tapos sabi ko ipunta rito sa subdivision n'yo. Kumupit po ako ng wantawsan sa pitaka ni Papa pero huwag ka pong mag-alala, Tita, kasi nagpaalam naman po ako kay Yaya Lourdes na mangungupit ako tapos po kilala naman ako ng guard kaya po pinapasok niya ako tapos po hinatid niya ako rito. Second, ako lang po mag-isa kasi wala akong kasama. Third, nasa bahay po sila Papa at Mama, sabi ko po kasi gusto ko pumunta ng mall at maglaro roon pero ayaw nila akong payagan kaya po tumakas na lang ako and last po, si Levian ay nandoon sa dibdib ni Mama, laging nasipsip ng gatas. Kita ko nga po si Papa parang naiinggit kay Levian. Tita, baby po ba si Papa? Bakit siya naiinggit kay Levian?" Halos hingalin siya sa pagsagot ng mga tanong ko kaya binigyan ko na lang siya ng juice na iniinom ko.

Ubos ang juice at pinunasan niya ang kaniyang labi ng kaniyang kamay kaya kinuha ko iyon at tissue ang pinampunas sa labi niya. Salahula na bata.

"Eh ano'ng ginagawa mo rito?"

"Gusto ko nga pong maglaro sa mall kaya ako tumakas, 'di ba po? Ang pangit mo talaga kabonding, Tita. Slow ka po, nakakainis. Para ka ring si Tito Zac," naiiritang sabi niya at nagkamot pa ng ulo.

Akala mo may kuto at dahil nga sa sinabi niya ay nakurot ko siya sa pisnge, loko talaga 'tong batang 'to. Nasobrahan na sa pagiging madaldal at makulit. Dapat dito tinatapon sa ilog, 'e.

"Aba't! Ikaw talagang bata ka. Sino nagturo sa iyo na sumagot ng ganiyan?"

"Ikaw po yata, Tita," sagot nuya naman at hinihimas ang pisnge niya na kinurot ko.

Kawawa naman ang cute kong pamangkin. Namumula na ang kaniyang pisnge dahil sa kurot ko, ang taba pa mandin. Mukhang kamatis na tuloy.

"Ayy, ako ba? Sorry naman. Wait mo lang si Tita rito sa baba, magbibihis lang ako. Nood ka muna ng TV dito, Leiro."

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now