Epilogue

693 14 1
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

Masaya kong pinagmamasdan ang mga mahahalagang tao sa akin. Nandito kami ngayon sa isang resort para makapagrelax. Ilang buwan na rin ang nagdaan mula noong nangyari ang aksidente.

Si Megan ang nabunggo ng truck, hindi naman siya namatay ngunit malala ang naging tama niya. Coma siya ngayon ngunit kapag nagising siya ay kakaharapin niya ang kaso. Kasama sa nahuli ang kaniyang amang general. Yup, ang ama ni Megan ang mastermind, maraming nakalap na evidence si Zhyro para idiin ang general sa kaso. At may kasabwat din sila sa grupo ni Zhyro at iyon ay si Madrigal, iyong police na nagbabantay din sa amin noon na pana'y ang ngiti. Siya ang nagsabi kay general kung nasaan kami noong panahon na nabaril si Zhyro. Hindi pa nga ako makapaniwala na kasabwat siya dahil wala naman sa itsura niya. Mukhang itinago ni Madrigal ang totoo niyang ugali sa pamamagitan ng nakakahawa niyang mga ngiti.

"Mac, halika na rito!" Sigaw ni Kuya Rhex habang inaalayan ang kaniyang asawa na si Ate Shenna, buntis kasi ito sa panganay nila.

Ang astig, 'di ba? Mas nauna pang magkaroon ng anak sila Zac at Jeicee kaysa kay Kuya Rhex, napakatorpe kasi ng isang 'to. Sa totoo nga lang ay si Ate Shenna pa ang unang nagtapat ng pag-ibig sa kanilang dalawa at si Ate Shenna rin ang dahilan kung bakit sila magkasam ngayon. Sa kanilang tatlo na kuya ko ay si Kuya Rhex lang talaga ang matino. Yeah, I consider Zac as my older brother, malamang dahil mas matanda naman talaga siya sa akin ng ilang minuto, talagang ayaw ko lang siyang tawagin na kuya.

"Wait lang, Kuya, inaantay ko pa si tukmol."

"Okay, pero sumunod ka kaagad, ah?" Sabi niya na sinagot ko lang ng isang tango.

Naglakad na sila papunta sa cottage namin at ako naman ay umupo sa buhangin. Tinignan ko ang malalakas na alon at dinama ang simoy ng hangin. Mula sa aking puwesto ay rinig ko ang sigawan ng mga kaibigan at pamilya ko na nasa cottage.

Masayang naglalaro si Leiro na kasama ang kapatid niyang si Levian at ang pinsan niyang si Zaicee. Si Kuya Levi ay sinusubuan ng pagkain ang kaniyang asawa na si Ate Lara at ganoon din ang ginagawa ni Kuya Rhex kay Ate Shenna. Si JV ay karga-karga ang limang buwan niyang anak na si baby Javarah at nasa tabi niya ang kaniyang asawa na si Sarrah. Nasa gilid namn nila ang magkasintahan sina Lyndon at Jaxel, nakaupo si Jaxel sa kandungan ni Lyndon habang sinusubuan ito ng ubas, malapit na rin ang kasal ng dalawang ito at sa America nila gustong magpakasal, invited kami syempre. Si Ram naman ay nasa tabi ng lechon, kinukuritan niya ito habang titig na titig sa kaniyang cellphone, bigla itong ngingiti na parang tanga at animo ay kinikilig. Si Jeicee naman ay tulog habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Zac habang si Zac ay tinitignan ang mga bata. Hindi nakarating ang dalawang kaibigan ni Zhyro dahil nasa ibang bansa ang mga ito.

Masaya ako sa kung ano man ang mayroon ako ngayon. Naikasal na rin kami ni Zhyro, pagkatapos ng aksidente ay ilang weeks lang noon ay kasal na namin, binago ang date dahil nga sa nangyari. Natatawa pa nga ako noong muntik pang himatayin si Zhyroo nong nagsabi ako ng 'I do'. Hindi ko akalain na naroon pa rin pala ang side niyang pagiging childish. Akala ko ay totally matured na siya, akala ko lang pala.

"Hey, babe, ano'ng ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa pumunta doon sa cottage natin?" Biglang may nagsalita mula sa gilid ko at nang tignan ko ito ay si Zhyro lang pala.

"Hinihintay kasi kita."

Naupo siya sa tabi ko kaya agad kong isinandal ang ulo ko sa kaniyang balikat at agad niya namang inilagay ang kaniyang kamay sa aking braso. Sabay naming tinignan ang araw na malapit nang lumubog. Ang ganda nitong pagmasdan at nakakagaan sa pakiramdam.

"Sobrang saya ko noong nakilala kita, babe. Hindi ko aakalain mahuhulog ako ng ganito kalalim sa isang tao. Sobrang angas mo noon, daig mo pa nga ako. Oo, inaamin kong isip-bata ako rati pero mas lalo akong naging isip-bata noong nakilala kita. Gumawa pa talaga ako ng paraan para lang mapansin mo ako, hindi aksidenteng nabunggo mo ako nun dahil iniharang ko talaga ang sarili ko sa daan para lang mapansin mo ako. Funny, right? Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa iyo at nabaliw ako ng tudo. Weird man na tawagin pero nagustuhan ko ang pakiramdam na mabaliw sa iyo ng sobra," mahaba niyang linya.

"Mahal na mahal mo talaga ako, ano? Hindi naman ako maganda noon kaya nakakapagtaka na nagustuhan mo ako. Tsk, tsk, tsk, ano kayang mata ang mayroon ka rati tukmol?"

"Maganda ka naman noon, sadyang hindi ka lang marunong mag-ayos ng sarili mo. Sa katunayan ay ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko noon," malambing niyang saad bago hinalikan ang aking noo.

"Naku, nambola ka pang tukmol ka."

"Hindi ako nambobola, babe, dahil totoo ang aking mga sinasabi. Maganda ka naman talaga," sabi niya kaya napangiti na lang din ako.

Sweet talaga ng tukmol na ito.

"Okay, sabi mo."

"Mahal na mahal kita, babe. Hindi rito nagtatapos ang ating kuwento dahil panibagong chapter lang ito ng ating pamumuhay, bilang mag-asawa. Maraming problema ang darating sa atin sa mga susunod na araw o taon pero sisiguraduhin kong nandito lang ako sa iyong tabi, parati. Hinding-hindi kita iiwan kasi mahal kita. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, nakilala kita. Mga bata pa tayo noong nagsimula ang love story natin pero tignan mo naman ngayon, tayo pa rin. Handa akong gawin ang lahat para sa iyo, babe. This tukmol of yours will never leave you and he loves you so much, he will stay by your side no matter what happen," malambing niyang saad.

"Ako rin naman, tukmol. Masaya akong makilala ka. Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa isang katulad mo. Isa akong boyish noon, puro babae ang nagugustuhan dahil na rin siguro puro lalaki ang kasama ko sa bahay kaya nahawa na rin ako sa kanila. Hindi ko alam na mamahalin kita ng ganito. Mahal na mahal din kita, tukmol. You changed me, tukmol, the old Mac is gone and this is the new me. I cussed a lot but that doesn't change the fact that you still love me despise of this attitude of mine. You are my one and only tukmol. I love you so much, tukmol ko."

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at bigla ko na lang hinawakan ang mukha niya at agad na hinalikan sa labi. He response to my kiss and smiled. Idinikit ko ang aking noo sa kaniya. Nakita ko pa ang pagtulo ng isang butil ng luha sa kaniyang mata na agad ko namang pinunasan.

"Tukmol, I have to tell you something."

"What is it, babe?" He softly asked.

"I-I am 4 weeks pregnant."

"Fuck!"

Hindi ko alam na ang pagsabi ko sa kaniya na buntis ako ang magiging sanhi ng pagkahimatay niya. Tama, hinimatay nga ang tukmol na 'to.

"Tangina naman, tukmol! Gumising ka nga riyan! Ngayon ko lang nalaman na nakakahimatay pala kapag nalaman ng asawa mo na buntis ka!"

*****

Hanse_Pen

 

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now