Chapter 7

382 25 15
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Okay, guys, walang kakabahan, hah? Para hindi magulo ang performance natin. Walang kakabahan. Dapat kalmado lang tayong lahat kapag nasa stage na at Mac siguro naman ay hindi ka uminom ng malamig kagabi at kanina, 'di ba? For sure hindi kasi pinabantayan kita sa kakambal mo. Lyndon, Ram at Zac, ayusin nating lahat, ah? Dapat sabay na sabay tayo sa kanta ni Mac. Okay, hingang malalim dahil malapit na tayong sumalang," sabi ni JV at alanganing ngumiti sa amin. Para siyang tanga kasi sabi siya ng sabi na huwag kakabahan pero siya mismo kinakabahan na. Natawa ako dahil para siyang nakakain ng siling maahang at walang inumin. Nahalata ko rin na namamawis na ang kaniyang kamay na palagi niyang pinupunasan ng towel. Seryoso? Ganito ba talaga kabahan si JV?

"Easy ka lang, JV. Ikaw ang kinakabahan sa atin, eh. Magtiwala kang mananalo na tayo ngayong taon. Oh, magtubig ka muna para naman mabawasan iyang kaba mo," sabi ni Ram at inabutan ng tubig si JV na kaagad namang kinuha ng kinakabahan naming leader. Halos hindi niya pa mabuksan ng maayos ang takip kaya si Ram na ang nagbukas.

Si JV, Ram and Lyndon ay 17 years old na pero ayaw nilang magpatawag ng Kuya kasi nakakatanda raw 'yon, tsk. Grade 10 din silang tatlo pero magkaiba kami ng section. Matalino si JV at Ram, samantalang si Lyndon naman ay nasa pinakamababang section. Hindi dahil sa hindi siya matalino ay naroon siya sa section na iyon dahil siya mismo ang nagrequest. Kami naman ni Zac ay nasa panggitna na section.

Napalingon-lingon ako sa paligid at hindi sinasadyang may mahagip ang mata ko. Tangina, si Cid ba 'yon?

Pinaliit ko ng kaunti ang mata ko at putangina, si Cid nga. Ano'ng ginagawa ng gagong 'yan dito? Akala ko ba ay nasa Mindoro iyan? Kailan pa napadpad ang isang 'yan dito? Aba'y kailangang malaman ito ni Zac.

"Tangina, Zac! Zac! Gago! Zac!"

"Tangina mo, Mac. Ang ingay-ingay mo. Ano bang problema mo riyan at kung makasigaw ka akala mo katapusan na ng mundo," naiinis niyang saad at tinanggal ang kamay kong nakasabunot sa buhok niya.

"Hindi katapusan ng mundo, Zac. Katapusan mo."

"Huh? Sinasabi mo riyan? Nababaliw ka na naman ba, Mac?" Naiinis niyang tanong.

"Powta, Zac. Nakita ko si Cid."

"Cid? Sinong Cid?" Tanong niya habang nakakunot ang noo na akala mo ay hindi kilala ang tinutukoy kong tao. At kailan pa naging makakalimutan ang kakambal ko?

"Anak ka talaga ng kagang! Pa-inosente lang, dre? Si Cid, 'yong best friend mong sumulot sa sira-ulo mong jowa."

Dahil sa sinabi ko ay natahimik siya bigla at parang lumilipad na ang kaniyang isip. Tsk, problema 'to panigurado. Bwisit kasi, eh. Ano ba kasing ginagawa ng gunggong na 'yan dito? Batukan ko kaya para umalis? Bad trip tuloy kambal ko. Sapakin ko 'yon, eh. O kaya naman ay sipain ko siya pabalik sa probinsya para hindi niya na kami makita.

Ano? Hiwalay na ba sila ng malantod niyang jowa? Aba'y pareho ko silang masasapak! Pagkatapos magparaya ng kapatid ko sa kanilang dalawa ay maghihiwalay na lang sila na parang wala lang? Pagkatapos kong makita kung gaano nasaktan ang kapatid ko dahil sa kanilang dalawa? Aba'y hindi puwede sa akin 'yon.

"Oh, Zac, okay ka lang? May nangyari ba sa iyo?" tanong ni Ram at himala kasi wala siyang kinakain na lollipop. Agad siyang lumapit sa amin nang makita niyang tulala si Zac.

"Ayos lang ako, Ram," malamig na sagot ni Zac matapos bumalik sa kaniyang sarili. Tumalikod ito sa amin at nagsimulang maglakad papalayo. Tumingin naman sa akin si Ram na para bang naguguluhan.

"Ano'ng nangyari do'n, Mac?" Tanong uli ni Ram at may kinuha sa kaniyang bulsa. Tsk, mali ako kasi kumuha siya ng lollipop sa kaniyang bulsa at binalatan sabay subo. Nagkibit-balikat ako at inakbayan siya.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now