Chapter 11

370 23 2
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Mac, I just want you to know that... I love you. Mac, I love you," seryoso niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko.

Tangina, ano raw? Nabingi yata ako, kailangan ko na ba maglinis ng tainga? Madami na ba akong tutuli? Syeett na malagkit! Ano bang sinasabi ng tukmol na ito?

"Bwahahahaha. Joke ba 'yon, tukmol? Bwahaha. Nakakatawa, hahahaha. Grabe ka magjoke, tukmol. Hahahaha."

Hinampas-hampas ko pa ang kaniyang braso habang tumatawa ng malakas pero nang napansin na seryoso lang siya ay napatigil ako. So, hindi 'yon joke? Totoo ang sinabi niya? May gusto siya sa akin? Tangina!

"Ehem, ano uli 'yon? Nabingi yata ako 'e, paki-ulit nga at baka mali lang ang pagkakarinig ko."

"Ang sabi ko, mahal kita," ulit niya at halos ilapit pa ang mukha sa tainga ko para lang marinig ko nang maayos.

"Mahal? Tangina, naka-drugs ka ba? Ano'ng nasinghot mo? Huwag mo nga akong binibiro dahil hindi nakakatawa. Alam mo, mabuti pa ay umuwi ka na lang sa inyo at baka napasukan ng malamig na hangin iyang ulo mo kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi mo."

"I'm serious, Mac. Hindi ako nagbibiro o kung ano pa man, totoo ang sinasabi at nararamdaman ko para sa iyo," saad niya at hinawakan ang mga kamay ko.

Gusto ko itong bawiin pero para akong nawalan ng lakas dahil hindi ko man lang ito maigalaw. Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Tsk, hindi ako naniniwala sa iyo, tukmol. Umuwi ka na lang sa inyo at kumain, gutom lang 'yan."

"Hindi ko hinihiling sa iyo na iseryoso mo ang sinasabi ko. Ipinahayag ko lang sa iyo ang nararamdaman ko kasi 'yon ang sinasabi ng puso ko. Alam kong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko sa iyo ngayon pero iyon ang totoo, Mac. Mahal kita," aniya kaya't napalihis ako ng tingin dahil hindi ko maatim na tignan ang mga nangungusap niyang mata. Ramdam ko na totoo ang mga sinasabi niya ngunit ayaw ko itong paniwalaan.

"A-Ahhh, a-ano k-k-kasi."

"Mac, liligawan kita," sabi niya at dahil doon ay napalingon ako.

"Ano!?"

"Ang sabi ko, liligawan kita," aniya at nakangiti pa.

"Ayaw ko nga. Hindi tayo talo, 'no!"

"Tsk, sa gusto at sa gustong-gusto mo ay liligawan kita. Wala ka nang magagawa roon dahil gagawin ko kung ano man ang nais kong gawin. All you have to do is to sit back and enjoy my presence as your suitor," nakangisi niyang saad. Napanganga ako ng malaki dahil sa sinabi niya. Aba'y nababaliw na nga talaga ang isang 'to. Mas malala pa siya kay Zac.

"Tangina mo! Ligaw-ligaw ka riyan."

"I'll make you fall inlove with me, Mac. I'll make the boyish fall inlove with me. Mark my words," nakangisi niyang saad at hinawakan pa ang aking baba.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya pa ako sa aking noo at ngumiti. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko pang kumaway siya pero nakatalikod.

Tangina, ano'ng nangyari? Ano 'yong paghalik na iyon? Bakit may pa-ganoon ang tukmol na iyon?

Nakatulala ako lang habang pauwi ng bahay namin. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng tukmol na iyon at sinabi niya ang mga bagay na iyon.

"Hehehe, kumusta ang pag-amin ni Zhyro, Mac? Ayos ba?" Tanong ni Zac habang umiinom ng kape, alam niya? Bakit hindi niya sinabi sa akin.

"Ha?"

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now