Chapter 3

571 28 22
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Pst, Zac! Uyyy! Tampo ka pa rin ba sa akin? Hoy, bakit ba hindi mo ako pinapansin? Kausapin mo naman ako kahit sandali lang."

"What!?" Naiinis niyang tanong ngunit hindi niya ako tinitignan. Galit pa rin nga ang unggoy na 'to.

"Kanina mo pa ako hindi pinapansin. Ano ba? Galit ka pa rin ba dahil hindi nabanggit ko 'yong sira ulo mong ex?"

"Tsk," asik niya.

Anlakas talaga ng topak ng lalaking 'to kapag nawala sa mood, hindi mo makakausap ng matino. Daig niya pa ang babaeng may dalaw kung magtampo. Chix ka ba, 'tol? Hindi naman kaya bakit ka nag-iinarte riyan? Kulang na lang ay bigyan mo ng tsokolate para pansinin ako. May dalaw siya ngayon? Ampotek.

"Sorry na."

"Marienne, could you please shut your mouth? It's irritating. And please leave me alone, you're so annoying," masungit niyang saad at halos mapabuka na lamang ako ng bunganga dahil sa sinabi niya. Aba'y gagong 'to! Hindi na ako natutuwa.

Ito pa, ayan pa, kapag galit siya ay sobrang hilig niya mag-english. Dapat ba lagi na lang siyang galit para palagi din siyang nag-eenglish? Hehehe. Joke lang. Ang hirap nito paamuhin, medyo mahaba-habang lambingan 'to, mga pre. At baka abutin pa ng ilang oras ang sumpong nito kapag nagkataon. Bakit ba kasi nabanggit ko pa ang baliw na babaeng iyon? Bwisit kasi itong bunganga ko, eh. Dapat talaga rito ay tinatapalan ng tape para manahimik na lang. Kadalasan ay hindi ko maiwasan na ganito, mang-inis sa ganitong paraan kaya palaging inis sa akin si Zac.

"Uy, Zachary, sorry na, please. Hindi na talaga ito mauulit kaya huwag ka na magalit sa akin."

"I said shut up!" Sigaw niya.

Dahil sa pagsigaw niya ay napatahimik ako. Ang tanga ko naman kasi, eh. Nagmomove-on na nga 'yong tao tapos pinaalala ko pa 'yong ex niyang sira ulo. Hays, letse lang, letse lang talaga. Tangina naman kasi talaga, eh. Kasalanan ko kung bakit may topak na naman ang kakambal ko. Ang malala pa ay baka magsumbong ito sa mga Kuya namin. Baka hindi na naman nila ako bigyan ng baon nito, paano na lang ako makakabili ng stickers nila Kuroko? Paano ako makakabili ng mga gusto at pagkain ko? Pahamak na bunganga naman, eh.

Iniwan ko siya sa classroom namin, dito kasi siya dumiretso kanina matapos niyang magwalk-out at nagdukdok na lang sa table niya. So, iniwan ko na nga siya at pumunta sa kanten, baka sa pagkain mapaamo ko siya. Zac loves food, lalong-lalo na ang krimstick. Parang mas mahal niya pa nga ang food kaysa sa akin, kawawa naman ako. Oo, tingin ko talaga ay mas mahal niya ng iyon. Siguro kung lulubog ang bangka at kaming tatlo ang sakay ay mas uunahin niyang iligtas ang isang garapon ng krimstick kaysa sa akin. Parang hindi kapatid, eh. Kadalasan ay pagkain ang may kakayahang mawala ang topak ng unggoy kong kapatid kaya ito ako ngayon, bibili ng favorite niya. Mababawasan na naman ang pera ko. Well, kasalanan ko rin naman ito kaya hayaan na lang.

"Ate, may krimstick po ba kayo?"

"Krimstick? Meron, hija," sagot ng tindera.

"Pabili nga po, 10 pesos po."

Iniabot ko sa kaniya ang bayad at napabuntong-hininga. Hays, nabawasan na naman ang pera ko dahil sa krimstick na iyan, bente-singko na nga lang naging kinse pa. Pasalamat ka talaga, Zac, at mahal kita kahit hindi halata. Ayaw ko lang sabihin sa iyo at baka lumaki iyang ulo mo, mahirap na at baka ipagsigawan mo pa. Baliw ka pa mandin.

Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad at napapatingin sa mga estudyanteng kung ano-ano ang ginagawa. Ang dami talagang chix sa school na ito. Kung manligaw kaya ako ng isa sa kanila, sasagutin kaya nila ako? Bakit naman hindi? Guwapo naman ako, kumabaga ako ay ang girl version ni Zac, magkamukha kasi kami ni Zac at guwapo naman ang isang 'yon. Guwapo rin naman ang mga Kuya ko kaya hindi na dapat magtaka kung guwapo rin kami ni Zac.

Make The Boyish Fall In Love✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat