Chapter 18

238 14 2
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Hahahaha."

"Ayaw ko nga kasi."

"Dali na. Isa lang naman. Ang damot mo."

"Ang kulit mo, sabihing ayaw ko nga, 'e."

"Ang arte mo naman, dali na."

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa nakikita ko. Si tukmol at Trish naglalandian, tangina! Parang kahapon lang puro sila awayan pero ngayon daig pa nila ang magjowa. Tangina talaga! Hindi ako nagseselos! Hindi talaga! Bwisit sila! Anak sila ng nanay at tatay nila! Nakakainis! Pero hindi pa rin talaga ako nagseselos. Sakit nila sa mata! Hindi sila bagay!

"Oh? Ano'ng mukha 'yan, Mac? Parang pinagbagsakan ng langit at lupa," natatawang saad ni Cid matapos makita ang mukha kong para nang papatay.

"Manahimik ka nga riyan, Cid! Wala akong oras sa iyo. Lumayo-layo ka sa at baka masapak na lang kita."

"Selos ka na niyan, Mac? Hahaha, halatang-halata sa mukha mo. Dapat kasi talaga binabakuran mo 'yang boyfriend mo. Tignan mo, inaagawan ka na ng pinsan ko. Naku, delikado ka na, Mac. Mukhang maaagawan ka pa ng pinsan ko," aniya.

"Ano'ng maaagawan ka riyan? Akin lang ang tukmol na 'yan! Hindi puwedeng mapunta sa iba 'yan, babangasan ko muna ang mukha nila bago makuha ang tukmol ko."

"Luh, inangkin? Pero sigurado ka bang sa iyo 'yang si Zhyro? Tignan mo nga sila ni Trish, parang hindi ka napapansn ni Zhyro kasi busy siya kay Trish," sabi niya pa.

Napaungos ako sa sinabi ni Cid. Naiinis na ako, akin 'yan, bakit ko ipapaagaw sa iba? Gusto ba nilang masapak ng isang milyong beses? Tatadyakan ko ang mukha nila.

"Tukmol, pumunta ka nga rito."

"Hahaha, mamaya na, babe. Busy pa kami ni Trish dito," aniya at hindi na ako pinansin.

Aba't! Ipagpalit daw ba ako sa kaibigan ko? Gago 'to! Sino bang girlfriend niya? Hindi ba't ako? Ipagpapalit niya ako sa kaibigan ko?

"Tukmol, lumapit ka rito."

"Babe, mamaya na nga," ungot niya pa.

"Isa, tukmol!"

Ang gago hindi ako pinansin, busy pa rin sila ni Trish sa pagbabalat ng mangga. Ah, ganoon? Masyado kang papilit tukmol. Ano'ng tingin niya sa sarili niya? Chix? Ito pala gusto mo, puwes, pagbibigyan kita. Tangina mo!

"Zhyro Blaine, kapag wala ka pa rin dito sa tabi ko pagkatapos kong magbilang ng tatlo, maghahanap ako ng ibang lalaki! Isa!"

"Ayy, shit, babe, walang ganyanan! Akin ka lang. Huwag ganoon, babe. Ayy, tangina! Babe! Gago, nasaan ang tsinelas ko? Ayy baliktad! Bwisit!" Natataranta niyang saad habang hinahanap ang isang tsinelas na nawawala.

"Dalawa! Zhyro!"

"Tangina. Sino'ng kumuha ng tsinelas ko? Gago ka, Cid! Babe, nand'yan na ako!" Sigaw niya.

Bago ko pa mabanggit ang 'tatlo' ay nasa harapan ko na si tukmol. Hinihingal ito at pawisan ang noo. Nakakatawa ang itsura ng tukmol na 'to. Takot ka, p're?

"Babe, shit, bawiin mo ang sinabi mo kanina. Hindi ka maghahanap ng lalaki, hindi pa ba ako sapat? Babe, walang ganyanan. Akin ka, 'di ba? Akin ka lang, 'di puwedeng maghanap ka ng iba. Wala kang kawala sa akin," aniya at hinawakan ang aking pisnge. Bahagya niya pa itong pinisil.

Nakangisi ako at isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Para siyang tuta na takot sa kaniyang amo. Takot ka, p're? Tangina nito, samantalang kanina ay wala kang pakialam sa akin at focus na focus ka lang kay Trisha.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now