Chapter 32

250 6 1
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Captain Zhyro?"

Nakasimangot akong humarap sa isang babae na biglang nilingkis si Zhyro sa braso kaya't mapakunot ang aking noo.

Sino 'to? Girlfriend niya? Ang pangit naman. Hindi ko siya nilalait, dinidescribe ko lang siya. At totoo naman kasi talaga ang sinabi ko. Pangit naman talaga naman siya.

"SPO2 Megan?" Nagtatakang tanong ni Zhyro at pinabayaan lang ang brasong nakalingkis sa kaniya ng babaeng SPO2 Megan daw ang pangalan.

Police din 'to? Talaga ba? Hindi halata, ang pangit niya kasi talaga.

"Nandito ka pala, Cap. Hindi ka man lang nagsabi," nakangiting sabi ni Megan na halata namang nilalandi lang si Zhyro.

Parang game na game din naman si Zhyro sa ginagawa nitong si SPO2 Megan. Tsk, mga malalandi. Hindi na nahiya, nasa public place kaya sila.

"May sinamahan lang ako rito, Megan," bored na sagot ni Zhyro at hindi man lang tinanggal ang brasong nakalingkis sa kaniya.

Putulin ko kaya? Hindi ako nagseselos, hindi talaga. Sadyang masakit sa mata lang silang tignan.

"Ah, sino?" Nagtatakang tanong niya.

Mukhang hindi pa ako nakikita, bakit? Kasi maliit ako? Oo, maliit ako pero hindi ako kasing-liit ng langgam para hindi niya makita. Sampalin ko 'to para malaman niyang nandito ako. Pangit na nga, bulag pa. Hmp!

"Ako!"

"Uhmm, who are you? What are you doing here with my boyfriend?" Tanong niya gamit ang mataray na tono.

Kung umasta ay akala mo hindi pulis. Sunntukin ko kaya siya?

"Megan, stop," saway ni Zhyro kay Megan kuno.

Ahh, so ito pala ang bagong girlfriend ng gorilya na 'to. Tsk, mas lamang pa rin ako ng isang libong paligo. Naaamoy ko ang lansa ng babaeng 'to.

My ghad, Zhyro! Pipili na nga lang ng ipapalit sa akin, 'yong hanggang kuko ko lang ang ipinalit. Nakakadiri ka naman. Para kang walang taste sa babae.

"My name is Marriene Aecy Chandria Ramos."

"Wait, wait wait!? You mean, you are the very famous international singer?" Nagtataka niyang tanong at bakas ang paghanga sa kaniyang mata na agad ding nawala.

Fan ko ba 'to?

"Yes. One and only."

Alam kong maganda ako at kahit naka-facemask, shades and cap ako ay maganda pa rin ako. Duhh? Hindi ako nagbubuhat ng bangko, sinasabi ko lang ang totoo.

Mas maganda ako sa kaniya at wala pa siya sa talampakan ko kaya huwa niya akong tatarayan at baka masampal ko lang siya nang wala sa oras.

"Tita!" Mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Leiro. Pawis na pawis ang pasaway at hinihingal pa. "Tita, ang pangit mo po kabonding. Gutom na po ako pero hindi pa tayo kumakain," nakasimangot niyang sabi at kinakamot pa ang kaniyang matabang pisnge.

"Aba't!? Loko ka talaga. Ikaw nga itong laro nang laro tapos kapag nagutom ka, sa akin ka magrereklamo?"

"Hehehe Let's go, Tita. Kain po tayo. Ikaw po, Kuya Pulis? Sasama ka po?" Tanong niya habang nakatingin kay Zhyro.

"Just call me Tito Zhy, kid," sabi naman ni Zhyro.

"Okay. Wait po, Tito Zhy? Sino po itong kasama mo? Gerlpren mo po ito?" Tanong ni Leiro habang nakaturo kay Megan na agad namang ikinangiti ng babae.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now