Chapter 25

239 7 1
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

Pagod na pagod akong umupo sa isang bangko at ipinikit ang mata. Halos hindi ko na maigalaw ang mga kamay ko dahil sa sobrang pagod at gusto ko na lang talaga matulog ngayong araw.

Nagsimula na ang training namin at hindi biro ang mga ginagawa namin. Tinuturuan din kasi nila kaming sumayaw, bagay na ayaw kong gawin. Ganoon din sila Zac at JV, kailangan rin nilang matutong sumayaw kahit tutugtog lang naman sila.

"Oh, Mac, nand'yan kana pala. Nasaan ang kakambal mo?" Ganong ni Kuya Levi na may hawak na tasa, palagay ko ay kape 'yon dahil umuusok.

"Kuya, ikaw pala. Hinahanap niya si Jeicee, umalis kasi kanina matapos makita si Zac na may kayakapan na babae."

"Akala ko ba walang gusto ang isang 'yon kay Jeicee?" Nagtatakang tanong niya matapos uminom ng kape.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kisame. Sobrang pagod ko talaga ngayong araw, parang gusto ko na lang matulog at sa susunod na linggo na lang magising.

"Tsk. Pa-chix lang 'yon, Kuya. Gusto laging hinahabol ni Jeicee kaya ayan, siya ngayon. Siya ang humahabol kay Jeicee. Masyadong pabebe, buti nga sa kaniya."

"Abnormal talaga ng kakambal mo," natatawang sabi niya kaya't napatawa na lang din ako.

Tama naman kasi si Kuya, abnormal nga si Zac. Mas abnormal pa kaysa sa akin.

"Nasaan nga pala si Kuya Rhex?"

"Wala. May gagawin daw silang project ngayon kaya mamaya pa ang uwi niya. Nga pala nandito si Zhyro kanina, hinahanap ka. Ilang beses daw siyang tumawag sa iyo pero hindi mo naman daw sinasagot. Nag-alala 'yong tao kaya napasugod dito. Sinabi ko na lang na may training ka ngayon kaya umuwi na rin siya pagkatapos ng halos limang oras na paghihintay sa iyo. Tingin ko ay miss na miss kana niya," sabi ni Kuya.

"Ay, tangina. Nakalimutan kong sabihin sa kaniya na kahit nga pala linggo may training kami."

"Naku naman talaga. Tawagan mo 'yong tao, kawawa naman. Ilang oras ka rin hinintay no'n kanina. Matulog ka na rin, alam kong pagod ka," aniya.

"Sige po, Kuya. Salamat."

Tamad na tamad akong pumunta sa kuwarto at humiga sa kama. Inilabas ko ang cellphone ko at doon nga ay nakita ko ang halos 50 missed call at 109 messages ni tukmol.

Bumuntong-hininga ako at sinubukan na tawagan siya ngunit walang sumasagot. Sinubukan ko pa ng ilang beses ngunit wala talaga. Inilagay ko na lang ang kamay ko sa aking noo at pumikit, bukas ko na lang siguro siya tatawagan. Sa ngayon ay magpapahinga muna ako.

Kinabukasan ay hindi ko rin kaagad natawagan si tukmol. Maaga akong umalis sa bahay at pumunta na sa training. Nagmamadali ako at nag-iwan na lang sa kaniya ng message. This past few days ay talagang busy ako sa pagtitraining. Nawawalan na ako ng oras kay tukmol, bihira na lang kami magkita.

Alam kong nagtatampo na siya sa akin, wala na akong time sa kaniya kaya this week ay pipilitin kong bumawi.

"Mac, halika na rito. Tinatawag na tayo ni Ate Sam," sigaw ni JV habang kumakaway pa sa akin kaya lumapit na ako.

Naunang pumunta rito si Zac kaya iginala ko ang paningin ko at doon ay nakita ko siyang nakasimangot.

"Ano'ng mukha 'yan, Zac? Agang-aga nakasimangot ka. Anyari?"

"Mac," maluha-luha niyang tawag sa akin kaya napakunot ako ng noo.

Ano'ng kadramahan ang ginagawa ng unggoy na 'to? Mukha tuloy siyang tanga dahil sa itsura niya.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now