Chapter 35

284 8 0
                                    

Marriene Aecy Chandria Ramos

"Anong ginagawa natin dito Zhyro?"

"Nagdadate?"

"Ayy p*ta!"

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito sa park. Basta na lang kasi akong hinila ng kurimaw na 'to habang kumakain ako ng saging.

Ilang linggo na lang ay concert na namin at pagkatapos nun ay babalik na ulit kami sa America. Nakahanda na ang lahat at tuloy lang ang pagpractice namin. Palagi kaming pagod dahil sa walang sawang practice. Ngayon nga ay nabigyan kami ng pahinga, at ang balak kong pahinga ay napurnada dahil sa gorilyang 'to.

"Sumama ka na lang kasi sa akin, dami mo pang tanong eh" nayayamot na sabi n'ya

"Gago ka bang kurimaw ka? Paano kung kidnapin mo ako?"

"Tskk hindi naman kita kikidnapin eh. Magdadate nga tayo diba?" saad n'ya

"Date? At bakit tayo magdadate?"

"Kasi nanliligaw ako sayo?" patanong n'yang sabi

Aba'y gagong 'to! Ano yan? Hindi s'ya sure na nililigawan n'ya ako? Makakasapak yata ako ng wala sa oras!

"Tang*na mo tukmol! Gago kang hinayupak na depungal ka!"

"Sh*t say it again" masaya n'yang sabi na para bang binigyan ko s'ya ng isang plastic na candy

"Anong say it again ka dyan? Tang*na mo, gano'n?"

"No no. After mong magmura!" sabi n'ya

"Gago kang hinayupak na depungal ka!?"

"Hindi, before that" sabi n'ya ulit at hindi na maialis ang masayang ngiti sa kan'yang mukha

"Ano ba kasi yun? Bwisit, pinapaisip pa ako eh"

"You called me 'tukmol'" sabi n'ya at ngayon ko lang narealize ang tinawag ko sa kan'ya kanina

"Luhh may sinabi ba akong gano'n? Wala naman eh. Maglinis ka nga ng tenga mong kurimaw ka, kung ano-ano na lang naririnig mo"

Matapos kong sabihin iyon ay umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Ngingiti-ngiti naman s'yang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kung saan. Pinipilit kong kunin ang kamay ko ngunit hindi n'ya binibitawan, bagkos ay lalo n'ya lang hinihigpitan. Ilang minuto pa kaming naglalakad at napansin kong bumaba ang kan'yang kamay, he intertwined his hand with mine and I don't know why, pero hindi ko s'ya sinaway. Pinabayaan ko lang na nagkaholding hands ang mga kamay namin. Inaamin ko, namiss ko 'to.

"Nandito na tayo"

Inilibot ko ang aking paningin kung nasaan kami at ito nga, nasa iisang park kami kung saan may mga batang naglalaro.

"Bakit mo ako dinala dito?"

"I want to relax, I want to be with you"

Napabuntong-hininga na lang ako at umupo na rin sa isang carpet na inilatag n'ya. May basket kaming dala at puno iyon ng pagkain. Pagkaupo ko ay sya namang patong ng ulo n'ya sa legs ko. Sisigawan ko na sana s'ya ngunit nang makita kong nakapikit na s'ya ay hindi ko na naituloy. Halata ang pagod sa kan'yang mukha. Hindi ko alam sa sarili ko ngunit bigla ko na lang nailagay ang kamay ko sa kan'yang mukha. I trace his eyes, down to his nose and down to his jawline.

Oo, aaminin ko. Gwapo naman talaga ang tukmol na 'to, sa nakalipas na taon ay parang nadagdagan ang kan'yang kagwapuhan. Lalong lumaki ang kan'yang mga braso. Naging mature na rin ang kan'yang itsura.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now