Chapter 17

255 15 1
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Mac?"

Lumingon ako sa taong tumawag sa aking pangalan at doon ay nakita ko ang taong matagal ko nang naging kaibigan.

"Trish?"

"Wahhhhh! Mac, ikaw nga! Namiss kita ng sobra. Kumusta ang Laguna? Maganda ba roon? Kailan ka pa nakauwi? Ano'ng oras? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo ako pinuntahan? Andaya mo naman, 'e. Namiss talaga kita ng sobra!"

Tuwang-tuwa si Trish nang makita ako. Syeetttt, namiss ko rin ang babaeng 'to. Antagal rin naming hindi nagkita.

Bukod kay Cid ay isa rin siya sa mga naging kaibigan ko rito sa lugar namin. Sa katunayan niyan ay mas nauna ko pa siyang naging kaibigan kaysa kay Cid. Pero hindi niya masyadong close ang kakambal ko at hindi ko alam kung bakit. Si Cid at Trish ay magpinsan. Nauna kong nakilala si Trish at sumunod lang si Cid dahil isinama ito ni Trish sa bahay namin dati.

"Namiss din kita, Trish. Soorry na kung hindi kaagad kita napuntahan sa inyo. Kakarating ko lang din kasi kahapon. Balak ko naman talaga pumunta sa inyo pero bukas pa 'yon."

"Babe, who is she?" Tanong ni tukmol at naramdaman ko na lang ang kaniyang kamay na nakapulupot sa aking bewang.

Nagtataka akong napalingon kay tukmol. Maangas kasi ang tono niya at masama ang tingin kay Trish. Ano'ng problema ng tukmol na 'to? Bakit ang sama makatingin nito? Kaibigan ko naman si Trish pero bakit ganito ang tingin niya? Para tuloy siyang tanga.

"Tukmol, kaibigan ko nga pala at pinsan ni Cid, si Trish at kaedad ko lang din 'to. Trish, boyfriend ko, si Zhyro."

"Boyfriend mo? Mac, kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend? 'Di ba nangako tayo? Wala munang mga ganiyan," naiiyak na sabi niya.

Ano rin iniiyak ng isang 'to? Problema ba ng mga tao ngayon? Bakit sila ganiyan? Muntanga sila.

"Huh? Ano'ng pangako? May pangako tayo?"

"Walang magboboyfriend hangga't hindi tayo nakakatapos ng pag-aaral," sagot niya.

Napaisip ako at doon nga ay naalala ko ang pangako namin dati noong sampung taong gulang pa lang kami. Nangako kami sa isa't isa na walang magboboypren. Nakalimutan ko na iyon dahil matagal na ang pangakong iyon. Malay ko lang ba na magkakagusto pala ako sa tukmol na 'to.

"Sorry, Trish. Pero nahulog ako, 'di ko napigilan ang sarili ko kay tukmol. Nabihag niya ang puso kong kasing tigas ng bato. Lumambot ako."

"May problema ka ba roon, Trish? Wala naman siguro sa iyo kung magboyfriend itong kaibigan mo, 'di ba? Wala ka na roon. Mahal ko siya at mahal na mahal niya ako," sabat ni tukmol at ano raw? Mahal na mahal ko siya? Tanginang 'to! Parang baliktad yata kami.

"Tukmol!"

"Sorry, babe," tatawa-tawa niyang saad.

"Pero, Mac—"

"Sorry naman, Trish. Hindi ko nga kasi napigilan, 'e. Nahulog ako, hindi ko namalayan na mahal ko na pala."

"Sh*t, babe, huwag ganiyan, kinikilig ako," sabat ni tukmol.

"Baliw."

"Ganoon ba? Hoy, ikaw, Zhyro! Huwag na huwag mong sasaktan itong kaibigan ko. Mahal na mahal ko 'to at kapag nalaman ko lang na pinaiyak mo siya ay pupunta talaga ako sa Laguna para hanapin ka at hampasin ng dos por dos," matapang na saad ni Trish at maangas na tinignan si tukmol.

"Tsk, hindi mo naman kailangan sabihin sa akin iyon dahil gagawin ko 'yon. Hindi ko 'to paiiyakin dahil mahal ko 'to. Takot ko lang na iwan ako ni Mac," nakasimangot na saad ni tukmol bago hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now