Chapter 4

556 28 27
                                    

Marienne Aecy Chandria's Point of View

"Mac, tara na!" Sigaw ni Zac sa akin habang inaayos ko ang necktie. Pahirap naman sa buhay ampotek na necktie.

"Wait lang kasi. Naiinis na talaga ako sa necktie na 'to. Sunugin ko na kaya? Bwisit na talaga 'to! Lagi na lang akong hinahigh blood."

"Gagong 'to! Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong maglagay niyan? Kababae mong tao tapos necktie lang hindi mo pa maisuot?" Naiinis na tanong ni Zac at lumapit sa akin upang tulungan ako.

"Nahihirapan nga ako, eh. Bakit na kasi may mga ganitong pang etchapwera sa uniform? Sino ba ang nag-imbento nito? Nakakainis ah!"

Tangina! Bwisit talaga! Ayaw ko sa lahat 'yong uniform na may necktie. Ang hirap isuot, imbis na naglalakad na kami ngayon papuntang school ay kailangan ko pa itong isuot. Nakakaubos ng oras ang bwisit na 'to.

"Mac, antanda-tanda mo na hindi ka pa rin marunong?" Tanong ni Kuya Rhex habang inaayos ang kaniyang mga gamit. Napanguso naman ako dahil sa sinabi ni Kuya Rhex, kasalanan ko bang hindi talaga ako marunong sa mga ganitong bagay?

"Kuya naman! Kakahigh blood ang necktie na 'to! Susunugin ko talaga 'to! Pahiram nga ng lighter diyan!"

"Hays. Zac, tulungan mo na nga iyang kakambal mo. At huwag na huwag niyo iyan bibigyan ng lighter at baka sunugin niya talaga ang mga necktie niya," utos ni Kuya Levi habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Zac.

"Okay, Kuya, at wala naman tayong lighter, eh, posporo lang," sagot naman ni Zac dahilan kung bakit ko siya nabatukan, tsk. Pilosopo rin, eh.

***

Naglalakad na kami ngayon papuntang school at ang magaling kong kakambal ay kumakain na naman ng paborito niyang krimstick. Palagi naman siyang ganiyan. At hindi man lang niya ako bigyan, parang hindi kapatid.

"Mac," bigla niyang tawag sa pangalan ko kaya nagtataka akong lumingon dito at tinaasan ng kilay.

"Oh?"

"Sino nga pala 'yong nakabunggo mo kahapon? 'Yong sinasabi mong putanginang lalaki, gago, dahilan kung bakit sumakit ang balakang mo kasi bwisit siya, anak ng Nanay at Tatay niyang hayop siya? Sino iyon, Mac? Saan mo nakilala? Paano kayo nagkakilala? Luhhh, Mac! Sino ang lalaking iyon?" Tanong niya.

"'Yong lalaking model ng toothpaste ang tinutukoy ko, Zac."

"Woah, 'yong type mo?" Gulat niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano'ng type ang sinasabi ng isang 'to?

"Tangina mo! Hindi ko 'yon type. Mukha naman ng tukmol na lalaking iyon."

"Kung hindi mo siya type, 'e di siya ang may type sa iyo? Nakkss naman, oh, ganda ng kakambal ko. Congrats, dalaga kana," nakangiti niyang saad habang tinatapik-tapik pa ang balikat ko.

"Sapakin kita, gusto mo?"

"Hehehe joke lang, Mac. So, ano nangyari kahapon? Bakit kayo nagkabungguan?" Tanong niya kaya naalala ko na naman ang nangyari sa amin kahapon.

"Antanga niya kasi."

"Bakit nga?" Tanong niya ulit.

"Paano ba naman kasi, naglalakad lang ako at tumitingin sa mga estudyante tapos ang gagong lalaki alam na nga ba hindi ako tumitingin ay binunggo pa ako, nakakagago lang. Dapat umiwas na lang siya tapos ako sisisihin kasi hindi daw ako tumitingin sa dinadaanan ko. Tangina talaga, Zac! Tapos  hindi man lang ako tinulungan na tumayo. Gago talaga ampotek."

"Muntanga mo, Mac. Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Kasalanan mo 'yon, tanga. Tapos nanisi ka pa? Gago ka ba?" Saad niya, lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now