Chapter 36

276 5 1
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang mabaril si Zhyro ay agad akong tumawag ng ambulansya at ilang minuto lang noon ay dumating na sila ngunit nakapikit na ang mga mata ni Zhyro.

Mula nang maidala si Zhyro rito ay umiiyak lang ako, walang tigil sa pag-iyak at parang hindi ako nauubusan ng luha. Kahit ano'ng klaseng pagpunas ko ay patuloy pa rin silang dumadaloy.

Inis kong pinunas ang luha kong kanina pa  tumutulo at parang hindi nauubos. Naiinis na ako. Hindi dapat ako umiiyak ngayon, dapat ay maging matatag ako para sa kaniya dahil sa kalagayan niya.

Nakaupo lang ako dito sa labas ng emergency room habang si Zhyro ay nasa loob, tinatanggal ang bala. Malapit sa puso ang tama ng baril at hindi ko alam kung magiging maayos ang operasyon, iyon ang ipinagdarasal ko ngayon. Sana ay makaligtas siya. Ang sabi kasi ng doktor ay nasa delikadong lagay siya ngayon dahil sa tama ng baril. Sana lang ay magising siya kaagad.

Ilang minuto pa ay may lumabas na nurse, balak ko sana na tanungin siya ngunit hindi ko nagawa dahil agaran siyang tumakbo at parang nagmamadali. Sinilip ko ang loob at doon ay nakita na nagkakagulo silang lahat. Parang alam ko na ang nangyayari, dahilan kung bakit mas lalo akong napaluha. No!

Hindi ako dapat nag-iisip ng masama dahil alam ko naman na makakaligtas siya pero hindi ko lang talaga maiwasan dahil sa reaksiyon ng nurse kanina.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga iniisip ko.

No! No! No! This is not happening. Hindi puwede 'to, hindi puwedeng mangyari 'to. Zhyro won't leave me, he won't.

Bumalik ang nurse na may dalang kung ano-ano at isinarado ang pinto kaya't hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa loob. Muli akong bumalik sa pagkakaupo at nagdasal, nagdasal na sana ay maligtas si Zhyro. Na sana ay hindi tama ang iniisip ko. Na sana ay hindi niya ako iiwan.

Nang lumabas ang doktor ay agaran akong pumunta sa direksyon niya. Basang-basa na ang mukha ko at medyo nahihirapan na rin akong huminga dahil sa labis na pag-iyak.

Tinanggal ng doktor ang kaniyang facemask at hinarap ako, seryoso ang kaniyang mukha kaya kinabahan ako.

"Doc, how is he? How's Zhyro? Ligtas na siya, 'di ba? Okay na si Zhyro, 'di ba? Nagpapahinga na siya at hihintayin na lang na magising. Tulog lang siya at ililipat na ng room. Tama ako, 'di ba? Ligtas siya."

"Ms. Ramos..."

"Ay, sige. Wait lang, doc, tawagan ko lang ang family niya. Baka nag-aalala na ang mga iyon at nagtataka kung bakit hindi pa rin umuuwi si tukmol."

"Ms. Ramos, please, listen to me," the doctor said.

"Wait lang, doc. Maybe I should call my brother too, I'll tell them what happened at dalhan ako ng damit dito kasi for sure babantayan ko ng ilang araw si Zhyro."

"Ms. Ramos, I have to tell you something," sabi ng doctor ngunit mas pinili ko ang ngumiti dahil base sa kaniyang reaction ay parang masamang balita ang sasabihin niya sa akin.

"Ano po 'yon, doc? Bill po ba? Huwag po kayong mag-alala, doc, babayaran ko po iyon. Excuse me, doc, tatawagan ko lang ang pamilya ko."

Tinignan ako ng doctor, may awa akong nakikita sa kaniyang mata. Ayaw kong pakinggan ang sasabihin niya, ayaw kong marinig. Baka hindi ko kayanin at iyon ang hindi ko matatanggap.

"Ms. Ramos, I'm so sorry. We did our best to save Mr. Acosta but he didn't survive. I'm sorry for your lost, Ms. Ramos," malungkot niyang saad at yumuko pa.

Doon na tuluyang naglaglagan ang mga luha kong akalako ay ubos na pero hindi pa pala. Hindi! Hindi totoo ang sinabi niya, nagsisinungaling lang siya. Ramdam ko na buha pa ang tukmol ko, ramdam ko iyon. Sinungaling ang doctor na ito.

"Tangina naman, doc! Hindi pa patay si Zhyro! Buhay siya, okay? Buhay ang tukmol ko! Huwag mo sabihing patay na siya at baka masakal kita! Buhay siya. Hindi siya puwedeng mamatay."

Hinawi ko ang doktor at pumunta sa kuwarto kung saan tinatakluban ng ilang nurse ang bangkay ni Zhyro. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at agarang niyakap ang katawan niyang walang buhay. Nagsimula na namang umagos ang mga luha ko.

Kailan ba mauubos ang letse kong luha?

"Uyy, Zhyro... Gising na riyan. Bangon kana, please. Imulat mo na 'yang mata mo. C'mon, babe, balik kana sa akin. Tukmol ko, gising na riyan. Mahal kita. I'm sorry kung ngayon ko lang sinasabi sa iyo kung saan wala kana. Natakot lang naman ako, matakot na baka mangyari 'yong dati, na hiwalayan mo ulit ako. Natakot ako sa mga posibleng mangyari. I'm sorry kung naduwag ako, I'm sorry kasi mahina ako. I'm so sorry, babe. Bangon kana riyan, mahal ko. Promise, hindi na ako makikipaghiwalay sa iyo. Gising na, tukmol ko."

Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon, nakayuko ako habang yakap ang katawan ni Zhyro.

Ayaw kong tanggapin na wala na siya sa akin. Hindi ko kaya. Bakit kung kailan nalaman kong mahal ko pa rin pala siya ay saka naman siya kinuha sa akin? Kung alam ko lang ay sana noon pa ako umamin sa kaniya. Kaso wala na siya, kinuha na siya sa amin.

"Mahal din kita, pandak na pusa ko."

Agaran kong naiangat ang ulo ko nang marinig ang boses ng tukmol na yakap ko. Doon ay nakita ko si Zhyro. Nakangiti siya ng malawak at hawak ang ulo ko. Lalo akong napaiyak dahil sa sunod niyang sinabi.

"Mahal na mahal kita, Mac. Hindi kita iiwan, makikipagsuntukan muna ako kay kamatayan bago niya ako makuha. Hindi pa ako puwedeng mawala kasi papakasalan pa kita, aanakan pa kita ng isang dosena. Ihaharap pa kita sa altar. Magiging Mrs. Acosta ka pa," nakangiti niyang saad habang nakahawak sa aking ulo.

Pinunasan ko ang aking luha na kanina lang ay masaganang tumutulo. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit siya ay nakangiti lang sa akin na parang tanga.

Niloloko lang pala ako ng gago na 'to at nagpaloko rin naman ako. Akala ko talaga ay patay na siya, 'yon pala ay nagpapanggap lang ang gago.

"Putangina mo, Zhyro! Gago ka! Tangina ka! Hayop kang buwisit kang anak ka ng kagang! Pinakaba mo ako tapos buhay ka naman palang gago ka! Tangina mo! Sagad! Gago ka! Letse ka!"

Sinabunot-sabunutan ko ang kaniyang buhok at hinampas-hampas ang kaniyang mukha ngunit ang tukmol ay nakangiti lang sa akin.

"Babe, tama na. Ang sakit na ng anit ko. Sorry na," nakanguso habang pilit na kinukuha ang kamay ko sa kaniyang buhok.

"Gago ka kasi! Akala ko ay patay kana. Andrama ko pa naman dito tapos buhay ka naman pala."

"Sorry na, babe," hingi niya ng paumanhin pero galit pa rin ako sa ginawa niya.

Gusto ko siyang suntukin dahil sa ginawa niya. Akala ko talaga ay patay na siya. Sobraakong nag-alala sa kalagayan niya pero nag-alala lang pala ako sa wala. 

"Isama mo pa 'yong doctor. Sabi niya patay kana raw."

"Haha, kasabwat ko iyong doctor. Lagot ka, babe, minura mo 'yong doctor. Kawawang doctor," sabi niya.

"Kasalanan mo 'yon, gago ka kasi!"

"Sorry na nga, babe. Mahal mo naman ako, 'di ba?" Nanlalamibing niyang saad at hinawakan ang aking kamay.

"Mahal kita, oo pero bu-"

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil agad niya akong hinalikan. Banayad lang ang halik nya, agaran ko itong tinugon. Miss na miss ko na ang tukmol na 'to.

"I love you, tukmol ko."

"I love you more, pandak na pusa ko."

*****

Hanse_Pen

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now