Chapter 27

229 9 0
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

8 years later...

Mula rito sa backstage ay rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao. Napakasakit sa tenga at parang mabibingi ako pero sanayan lang 'yan. Palagi namang ganito kapag may concert kami. Bored na bored akong nakaupo sa isang monoblock.

Gusto ko na lang umuwi ng bahay at yakapin ang Kuroko ko, isang unan na mas malaki pa sa akin.

"Mac? Bored ka na naman?" Natatawang tanong ni JV. Tinignan ko ito bago humikab at inilagay sa ulo ang dalawang kamay.

"Ano pa bang bago roon?" Sabat naman ni Ram.

"Puwede bang umuwi na lang ako? I miss my Kuroko?"

"Damn, Mac. Hindi pa nga tayo nagsisimula gusto mo na kaagad umuwi?" Sabi naman ni Lyndon.

"Where's Zac?" Tanong ni Ate Sam na kakagaling lang sa pinto, may dala pa itong papel.

"Busy pakipaglandian kay Jeicee."

"Ano? Magsisimula na kayo! JV, hanapin mo nga 'yang si Zac at kapag nakita mo ay sapakin mo ng malakas," naiinis na sabi ni Ate Sam kaya napatawa kami. High blood na naman siya kay Zac. Palagi naman siyang inis kay Zac kaya sanay na kami.

Nang mahanap ni JV si Zac ay nagsimula na ang concert. I'm an international singer now, together with my band. Our career started five years ago and I'm happy na namamayagpag kami sa larangan ng musika ngayon. Nandito kami ngayon sa Los Angeles. Dito kami pumunta at ipinagpatuloy ang training at mula noon ay hindi pa kami nakakabalik ng Pilipinas, kahit ang mga Kuya ko ay hindi ko pa rin nakikita, puro video calls lang. Namimiss ko na sila. Lalo na ang sobrang kulit kong pamangkin na ipinaglihi yata sa bulate dahil sa kalikutan.

***

"What!?"

"Bakit parang galit ka, Mac? Ayaw mo ba?" Tanong ni Ate Sam.

Kasasabi niya lang ngayon na aalis na kami rito at babalik sa Pilipinas. Bakit parang biglaan naman yata?

Pagkatapos ng concert kanina ay diretso uwi na kaagad kami at ngayon nga ay nag-announce siya na babalik na kami sa Pilipinas.

"Hindi naman sa gankon, nagulat lang ako."

"Mag-impake na kayo. Here's your ticket and tomorrow morning is our flight so sleep tight and wake up early. I'm leaving," matapos sabihin iyon ni Ate Sam ay umalis na siya.

"Damn, man. I'm excited to go back to the Philippines," masayang saad ni JV. Halata nga, JV.

"Sino bang hindi, 'di ba?" Tanong naman ni Ram na kumakain ng lollipop.

Hindi pa rin sila nagbago. Si Ram ay mahilig pa rin sa lollipop at si Lyndon naman na palaging antukin.

"Sino pa? Eh di si Mac," sagot naman ni Lyndon at bumalik sa pagtulog. Hayop na 'to!

Inirapan ko na lang sila at napatingin sa malayo. Masaya ako na hindi. Babalik na kami sa Pilipinas.

I'm not ready to face him, not now. But I miss my family, especially Leiro. He's Kuya Levi's son. Kahit sa video call lang kami nagkakausap ng batang iyon ay close na kami. Malapit na rin magpakasal si Kuya Rhex and hiling niya na sana raw ay makarating kami sa kasal niya. Mukhang matutupad ang gusto niya dahil sa sinabi ni Ate Sam ngayon.

"Aren't you excited, Mac?" Tanong naman Zac na pinaglalaruan ang kamay ni Jeicee na busy sa pagbabasa ng isang aklat, Harry Potter and the chamber of secrets.

"Not really."

"Don't tell me, you haven't move on yet? For Pete's sake, Mac, it's been 8 years. Baka nga may asawa na 'yong tao kaya huwag ka na lang umasa. Nandiyan naman si Jaxel," sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now