Chapter 40

399 11 0
                                    

Zhyro Blaine's Point of View

"Itigil ang kasal!"

Anak naman ng gagong palaka, 'o! Kasal ko na't lahat pero bakit ang daming pumipigil? Ano ba namang buhay 'to!? Gusto ko lang naman makasama si Mac, masama ba iyon? Bakit ang daming pumipigil? Letse naman!

"Megan?" Tanong ni Mac.

Tama, si Megan nga ang asungot na bigla na lamang sumigaw. Buwisit naman, 'eh. Ito na, kaunting panahon na lang at matatali na sa akin si Mac pero bakit kailangang may sumingit? Pati ba naman sa araw ng kasal ko may asungot pa rin? Nakakainis na rin!

"What is this, Megan? What are you doing here?"

Tumingin sa akin si Megan at ngumiti ng nakakaloko. Hindi na talaga ako natutuwa sa babaeng ito.

Megan is my number 1 self proclaim girlfriend. Ang daddy niya ay isang general kaya lahat ng gusto niya ay nasusunod. Buti nga pagdating sa ranggo ay pinaghirapan niya talaga. Magaling naman na pulis si Megan, iyon nga lang ay may pagkabrat talaga. Hindi ko na lang siya pinapatulan kapag sinasabi niyang girlfriend ko siya at baka mapasama pa ako kay General. Ngunit dati pa iyon, iba na ngayon dahil nandito na ang totoo kong girlfriend. Nandito na ang Mac ko at wala akong balak pakawalan ang maangas na babaeng ito. Never in my entire life.

"Honey!" Biglang sigaw ni Megan dahilan kung bakit mapatingin sa akin si Mac, masama ang tingin na ibinibigay niya sa akin.

Siguro ang iniisip niya ay may relasyon kami ng babaeng ito. Damn! Mukhang manganganib pa yata ang kasal ko dahil sa babaeng ito. Dapat kasi ay dati pa lang pinatigil ko na siya sa mga kabaliwan niya.

"Bakit 'Honey' ang tawag sa iyo ng babaeng ito? Tukmol ka talagang lalaki ka! Hinayupak ka! Hindi ko alam na babaero ka pala!" Sigaw ni Mac dahilan kung bakit ako napalunok ng laway.

Pinagpapawisaan na rin ako at hindi alam ang gagawin. Damn! It was supposed to be our wedding day pero dahil sa baliw na babaeng iyon ay ito ako ngayon at mukhang nanganganib pa ang kasal ko! Gusto ko na talaga siyang barilin kaso hindi puwede dahil nasa simbahan kami. Magkakasala pa ako sa mata Niya.

"Babe, it is not what you think."

"Ano'ng what you think ka riyan! Tukmol ka talagang hinayupak kang lalaki ka!" Sigaw niya at mahinang hinila ang patilya ko.

"Babe, masakit!"

"Talagang masasaktan ka! Nakakainis ka! At ikaw namang babae ka! Ano'ng ginagawa mo rito?" Naiinis na tanong ni Mac at hinarap si Megan.

"Isn't it obvious? Pinipigilan ko ang kasal n'yo dahil akin lang si Zhyro! Akin siya at hindi ko hahayaan na mapunta siya sa iba!" Sagot naman ni Megan.

Bakit kasi kailangang sumagot pa? Mas lalo niya lang pinapalala ang sitwasyon dahil sa mgasinabi niya.

"Tanga ka ba? Akin lang ang lalaking ito, ako ang nauna rito kaya akin lang ito. Umalis lang ako rati pero wala ako sinabing ipapamigay ko ang tukmol na ito! Walang sa iyo, Megan, dahil sa umpisa pa lang ay akin na talaga ang tukmol na ito kaya tumigil ka sa kahibangan mong baliw ka!" Sigaw naman ni Mac.

Woah! Palaban talaga ang babe ko. Ang hot mo, babe!

"Umalis ka, 'di ba? You left Zhyro, the time when you left him only means na wala ka nang karapatan sa kaniya!" Sigaw naman pabalik ni Megan.

Damn! Hindi ba talaga titigil ang babaeng ito? Kung puwede ko lang siyang kaladkarin palabas ay ginawa ko na.

"Aba't! Hindi mo ba nakikita ngayon na ikakasal na kami? Huwag kang umasa sa taong ni minsan ay hindi ka naman minahal dahil masasaktan ka lang. Madaming lalaki sa paligid, Megan, huwag kang umasa sa isang lalaking may mahal ng iba," seryosong saad ni Mac. That's my babe!

"No! Si Zhyro ang para sa akin! At kung hindi naman siya mapapasaakin ay mabuting hini na rin siya makahanap ng iba niyang mamahalin," sabi ni Megan.

Mabilis ang naging galaw niya at hindi namin namalayan na nakuha niya na pala si Leiro sa gilid at hinila patakbo. Nagsigawan ang mga bisita at lumabas ng simbahan, ganoon din ang ginawa namin. Lumabas kami ng simbahn at hinanap si Megan.

Umiiyak na si Ate Lara at pinipilit siyang patahanin ni Kuya Lev. Karga-karga naman ni Ate Shenna si Levian at nasa likod niya si Kuya Rhex. Nagkakagulo na ang lahat. Si Baby Zai Zai ay karga ni Jeicee habang nakayakap sa kaniya si Zac.

"Cap, please, save our son, save Leiro," naiiyak na saad ni Ate Lara habang pilit siyang pinatahan ni Kuya levi.

"We need your help, Cap. Mahal na mahal namin si Leiro, ayaw naming mawala sa amin ang panganaay namin. Nakikiusap ako sa iyo, Zhyro, iligtas mo si Leiro," seryosong saad ni Kuya Kuya Levi kaya't napatango na lamang ako.

Tinignan ko ang ilang kapulisan na nandito sa labas ng simbahan. Sinenyasan ko sila at agad na tumakbo, alam na nila ang gagawin nila. Inilabas ko ang aking baril sa aking tagiliran at akmang aalis nang biglang hawakan ni Mac ang aking braso.

"Babe..."

"Gusto kong sumama," seryoso niyang saad but I just shook my head.

I don't want to risk my babe's safety. kaya masmabuti pang dito nalang siya dahil alam kong ligtas siya.

"But it is too dangerous."

"I said gusto kong sumama!" Sigaw niya at sumimangot pa.

"Fine, pero rito ka lang sa tabi ko at huwag kang hihiwalay sa akin, maliwanag ba Marriene Aecy Chandria Ramos-Acosta?"

"Maliwanag, pero gago ka! Ramos pa rin ako ngayon. Hindi pa tayo totally kasal," she said but I just smirk.

"Practice lang, doon din naman mapupunta 'yan."

"Gago ka talagang tukmol ka," aniya.

Namura na naman. Parang nanlalambing lang, 'e.

Nginisian ko siya at hinawakan sa kamay. Isinuot ko ang ear piece at nakatanggap ng mensahe mula sa isang tauhan ko na nakita na nila si Megan. Agad akong tumakbo habang hawak ang kamay ni Mac. Malapit lang naman ang location kaya tinakbo na namin.

Pinagtitingian na kami ng mga tao, marahil ay nagtataka kung bakit ganito ang suot namin. Fuck! Kasal dapat namin ngayon pero bakit kami tumatakbo at may hinuhuling kriminal?

Nang makarating sa location ay agad kong nakita si Megan a parang baliw na tumatawa habang kapit niya ang damit ni Leiro, umiiyak na ang bata ngunit parang walang naririnig ang baliw na ito. Nandito kami sa labas ng isang abandonadong gusali malapit sa highway.

"Megan!"

"Oh, Zhyro? Sabi na nga ba at hindi mo ako matitiis. Nandito ka ba para sunduin ako at sabihin sa akin na ako ang mahal mo at hindi ang babaeng iyan?" Nakakaloko niyang tanong at akmang sasagot si Mac nang pigilan ko ang kaniyang kamay.

"Yes, Meghan, nandito ako para sunduin ka. Pakawalan mo ang bata at sasama na ako sa iyo."

"Really?" She asked crazily.

"Yes."

"Pero, tukmol!" Angal ni Mac.

"Trust me, babe, makukuha natin si Leiro."

Pabulong ko lamang na sinabi sa kaniya iyon upang hindi marinig ni Megan, napatango naman siya at bumuntong-hininga pa.

Dahan-dahan akong lumapit sa puwesto ni Megan, titig na titig siya sa akin at iyon ang ginawa kong excuse para makuha sa kaniya si Leiro. Pinapunta ko si Leiro sa kaniyang tita at hinawakan si Megan. Kukunin ko na sana ang posas na nasa aking bulsa upang mahuli si Megan nang bigla na lamang siyang tumakbo sa direksyon ni Mac at sinabunutan ito.

"Mac!"

"Hindi ako tanga para maniwala sa iyo na babalikan mo ako! Kung hindi ka magiging akin, puwes, hindi ka rin mapupunta sa iba!" Sigaw ni Megan at kinaladlad si Mac papunta sa highway.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta ko na lang nakita na may paparating na palang truck habang nagsasabunutan si Mac at Megan. Mabilis ang mga pangyayari at bigla na lamang bumusina ang truck. Nahablot ni Megan ang damit ni Mac ngunit agad naman itong nahila ni Mac at nakatakbo. Parang slow motion ang nangyari at si Megan ang nabangga ng truck.

"Megan!"

*****

Hanse_Pen

Make The Boyish Fall In Love✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن