Chapter 28

251 9 1
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Hoy, gago. Ano'ng mukha 'yan, Mac? Pagod na pagod ka. Tumakbo ka? Saan ka galing? Pawis na pawis ka. Ano'ng ginawa mo? Ayiieee, baka naman may kinita ka? Sino ba 'yan? Bakit hindi mo sinasabi sa amin na magkikita pala kayo ngayon? Aba! Ikaw, 'a. Naglilihim ka na sa akin, Mac. Nakakatampo kana talaga," nakangusong saad sa akin ni Zac bago ako inabutan ng towel na pamunas ng aking pawis.

"Tsk. Manahimik ka nga riyan, Zac. Ang ingay mo talaga. Wala namang katuturan ang sinasabi mo."

"Eh bakit kasi ganiyan ang mukha mo? Ano'ng nakita mo? Multo? O baka naman si Jeicee na nag-oorasyon sa kuwarto?" Natatawa niyang tanong.

Tsk. Isumbong ko kaya siya kay Jeicee at nang hindi siya pansinin ni Jeicee ng isang linggo? Tignan ko lang kung hindi matanggal ang angas mo. Baliw din kasi, 'e.

"Gago, hindi! Nakakita ako ng pangit na mukha kanina, sobrang pangit na mukha. At hindi ko na iyon gustong makita pa."

"Pangit na mukha? Si Ram ba? Lyndon? O JV? Imposible namang ako kasi guwapo ako. Ah! Alam ko na, si Zhyro, 'no?" Natatawa niyang tanong at sinundot pa ang aking pisnge.

Naiinis ko itong iniwas sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Talaga naman. Isusumbong kita kay Jeicee, tamo.  

"Tanga! Unggoy 'yon! Si Glenn ang nakita ko, kaibigan ng unggoy."

"Glenn? 'Yong kaibigan ni Zhyro?" Nagtataka niyang tanong.

"Bakit? May iba ka pa bang kilala na Glenn dito sa Pilipinas? Kasasabi ko nga lang ng kaibigan ng unggoy, 'di ba? Bungol ka ba, Zac? Maglinis ka na nga ng tenga mo at puro tutule na. Tsk."

"Wala na. Oh? Eh bakit naman? Ano naman kung nakita mo si Glenn? At saka, kalilinis ko lang kaya ng tenga ko noong nakaraang linggo," ungot niya.

"Wala lang. Ang pangit niya kasi a ayaw ko siyang makita."

"Aysus! Tigilan mo ako, Marriene Aecy Chandria Ramos!" Banggit niya sa buo kong pangalan kaya mas lalo akong nainis.

Bakit kasi kailangan pang banggitin ang buo kong pangalan? Puwede namang Mac na lang. Baliw talaga.

"Oh? Problema mo na naman, Zachary Aero Chandrix Ramos?"

"Mahal mo pa, ano?" Natatawa niyang tanong na inirapan ko lang.

Maissue siya masyado. Madalas talaga ay gusto ko siyang suntukin sa panga dahil sa mga sinasabi niya. Masyado na talagang pasmado ang kaniyang bibig.

"Hindi na!"

"Pero minahal mo?" Tanong niya ulit.

"Malamang! Unggoy si Zhyro. Animal lover kasi ako kaya minahal ko. Parang ikaw lang, unggoy ka rin kaya mahal rin kita."

"Tangina. Hindi ko alam kung maiinis ako sa iyo o mata-touch sa sinabi mo," parang bata niyang saad.

Ngumisi lang ako sa kaniya at iniwan na siya roon. Pumunta ako sa recording room. Ang sabi ni Ate Sam, kaya raw kami nandito ay para sa concert namin at hindi para balikan ang nakaraan.

Tsk, sino ba ang may sabi na babalik pa ako sa nakaraan? Tama na ang sakit, ayaw ko na uling masaktan. Hindi ako marupok. Hindi talaga. Matagal na akong naka-move on sa unggoy na 'yon at kahit ano'ng mangyari ay hinding-hindi na ako babalik pa sa kaniya. Tama na ang sakit, baka sa susunod ay hindi ko na kayanin.

Naabutan ko sa recording room si Ate Sam na nakahawak sa kaniyang ulo na animo ay may anak siyang limang nakukulit na bata at ipapatawag sya sa school dahil sa kakulitan ng mga anak niya.

Make The Boyish Fall In Love✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon