Chapter 19

230 11 0
                                    

Marriene Aecy Chandria's Point of View

"Uy, pamangkin, mag-iingat kayo roon. Ang alam ko ay maraming manloloko roon," nakangiting sabi ni Tito.

"Opo, Tito. Takot lang po sa amin no'ng mga manloloko na 'yon," sagot naman ni Zac. Yabang din, akala mo naman lumalaban talaga ng suntukan.

"Ikamusta n'yo na lang ako sa dalawa n'yong Kuya," sabi pa ni Tito kaya napatango na lang ako.

"Sige po, Tito," sagot uli ni Zac.

"At ikaw naman, Mac, huwag kang magpapabuntis ng maaga," paalala niya sa akin kaya mahina akong napatawa.

Watdapak? Magpapabuntis ng maaga? Mas malabo pa sa tubig ng kanal 'yon. Bata pa ako para sa buntis-buntis na 'yan.

"Problema ba 'yon, Tito? Eh di sa gabi ako magpapabuntis, beysik!"

"Ay, gago! Wala ka talaga k'wentang kausap, Mac. Ikaw na nga lang, Zhy. Huwag masyadong maglaro ng apoy, baka mapaso kayo at hindi kayanin," kumakamot si Tito ng kaniyang batok habang sinasabi niya iyon kay tukmol na busy sa pagkain ng lollipop na ninakaw niya yata kay Lyndon. Nakanguso at masama kasi ang tingin ni Lyndon sa kaniya.

"Po? Apoy? Hindi naman po ako naglalaro ng apoy. Mainit 'yon saka for sure pagagalitan ako ni Mom or Dad. Baka masunog ko ang bahay namin," nagtatakang sagot naman ni tukmol kaya napatawa kaming lahat. "May problema ba? Bakit n'yo ako tinatawanan? May mali ba akong nasabi? Mainit naman talaga ang apoy. Hindi pa ba kayo napapaso no'n?" Katwiran niya pa kaya napatawa ulit kami.

"Tanginang magjowa 'to! Sarap din batukan. Anak ka ng kagang, Zhyro. Ikaw pa mandin ang lalaki sa inyong dalawa tapos hindi mo alam ang mga bagay na 'yon? Hahaha, panatag na ako, pamangkin. Panatag na akong hindi ka talaga mabubuntis ng maaga," napangisi ako dahil sa sinabi ni Tito,

Tsk, inosente ang tukmol ko. Mas maganda 'yon.

"Sige na, Tito. Bye na. Baka mahuli pa kami sa biyahe at uminom kayo ng gamot n'yo."

"Hindi n'yo ba aantayin si Trish at Cid?" Tanong niya.

"Hindi na po, Tito. Sa isang araw pa raw sila uuwi. Sasama na rin si Trish sa kaniya at doon na rin mag-aaral."

"Gano'n ba? Oh sige, mag-iingat kayo," paalala niya uli.

Nakailang sabi na ba siya na mag-iingat kami?

"Bakit sa amin mo 'yan sinasabi, Tito? Hindi naman kami ang magdadrive ng van, hindi naman kami ang kapitan ng barko. Kaya dapat sila ang sabihan mo."

"Ewan ko sa iyo, Mac. Umuwi ka na nga lang," sabi niya kaya napatawa na lang ako.

Talo ka, Tito? Kalma, ako lang 'to.

Ngayong araw ay uuwi na kami, malapit na ulit magpasukan at pinapauwi na rin kami nila Kuya. Tinagawan nila ako noong isang araw at sinabing umuwi na raw kami. Tsk, namimiss na siguro ako ng mga 'yon. Hayysss mga Kuya ko nga naman, mangangatwiran pa. Puwede namang diretsong sabihin sa akin na miss na nila ako.

"Babe?" Mahinang bulong sa akin ni tukmol.

"Hmm?"

"Kailan ang birthday mo?" Tanong niya at isinandal sa akin ang ulo niya.

"Bakit mo naitanong?"

"Wala naman. Boyfriend mo kasi ako pero hindi ko alam ang mga bagay-bagay na tungkol sa iyo. Ni hindi ko nga alam ang paborito mong kulay," sagot niya at parang bata na pinaglalaruan ang kaniyang kamay.

"Paborito kong kulay? Kulay blue, lalo na kapag pera. Hahahaha."

"Tsk. Mukha kang pera, babe," aniya.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now