Chapter 28

1.3K 38 6
                                    




"What do you want for lunch?"

Tanong ni Baste kay Maxene n'ang makaalis ang kapatid niyang si Bea sa kaniyang opisina.

Honestly... Nagulat siya na nakita ng kapatid niya ang nangyaring halikan nila ng dalaga kanina.

He's a bit regretful... Hindi sa ginawa niyang paghalik kundi sa katotohanang nakita sila ng kapatid niya na siyang dahilan ng hindi pagpansin sa kaniya ni Maxene ng sandaling iyon.

Well... He's still hugging her dahil wala na yata itong balak na i-angat ang sariling mukha mula sa pagkakasubsob nito sa kaniyang balikat...

"Maxene..." pagtawag niya sa dalaga dahil hindi siya nito sinasagot.

Ibinaling niya ang kaniyang ulo sa gawi ni Maxene, upang sana ay tignan ito. Pero dahil nakatakip din ang mga palad nito sa mukha ay hindi rin niya makita ang hitsura nito.

"Ano?!" hindi man iyon pasinghal, pero nasa tono nito na ayaw nitong magsalita kung maaari.

"I am asking you."

"Asking me what?!" singhal na nito.

Matunog siyang napabuntong-hininga.

He move at naglakad siya patungo sa visitor's lounge sa loob ng kaniyang opisina tangay ang dalaga at naupo doon.

Napapangiti siya na hindi ito nagprotesta o humiwalay sa pagkakayakap niya.

"You know, I can hug you forever. But we need to eat, babe."

"I-Ikaw na lang... Hindi ako gutom."

Inilayo niya ang dalaga sa kaniyang katawan at hinawakan ang kamay nitong tumatakip sa sarili nitong mukha.

He uses his power as a man kaya walang nagawa pa si Maxene n'ang tuluyan niyang matanggal ang mga kamay nitong nakatakip sa sarili nitong mukha.

Kita niya ang pamumula nito tanda ng epekto sa dalaga sa nangyari kanina.

Pinagpapawisan din ito kahit na malamig sa loob ng kaniyang opisina dahil sa AC.

"Babe..." tawag niya dahil nakayuko ito.

"Don't start me, Sebastian!" May banta sa tono nitong saad. Pilit na inaagaw sa kaniya ang mga kamay nitong hawak niya.

"Hahalikan ulit kita kapag hindi ka tumingin sa'kin."

Gusto niyang matawa n'ang kaagad itong tumingin sa kaniya ng may matalim na tingin dahil sa sinabi niya.

Kinindatan niya ito na mas lalong nagpasama ng tingin nito sa kaniya.

"Hep!" Pigil niya sa akmang pagbawi ng tingin nito.

"Ano na naman ba?!" nagrereklamo nitong wika.

"Let's have our lunch, ok?" seryoso na aniya.

"Ikaw na lang."

"Don't start me, Maxene." panggagaya niya sa sinabi nito kanina.

"Sa tingin mo makakakain ako sa ginawa mo?!"

"Correction, babe... Ginawa natin!" pagtatama niya sa sinabi ng dalaga. "You responded kaya umabot ng limang minuto 'yon."

She opened her mouth and closed it immediately.

Nag-isang linya ang may kani-pisang labi nito.

Ramdam niya at kita niya sa namumula nitong mukha ang pagtitimping sigawan siya kaya itinikom nito ang bibig at sobrang sama siyang tinitigan na lang!

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang