Chapter 18

1.7K 53 14
                                    

"What happened?" malumanay na tanong ng kapatid ni Baste sa kaniya at sa babaeng kasama nila ng sandaling iyon.

Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kaniya at sa babae.

Kasalukuyan silang nasa sala ng unit ng kapatid niyang si Bea ng umagang iyon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Bigla na lang kasing nagsisigaw ang babaeng ito kanina. Dahilan para mabulabog kahit yata katabing unit ng kapatid niya. Ang malala pa nito, nasapak pa siya nito sa mukha!

Malay ba niyang dadating ito sa condo ng kapatid niya?! At sa kamalas-malasan, nagkatabi pa silang natulog!

Sapu-sapo pa niya ang parte ng kaniyang mukhang malakas na sinuntok ng mukhang mangkukulam na babaeng nasa kaniyang harapan at matalim ang mga matang nakatitig sa kaniya.

"Yang manyakis na lalakeng 'yan!" agad na sagot ng babae na itinuro pa siya mismo.

"Ano'ng manyakis, huh?!" malakas na singhal ni Baste sa babaeng kaharap niya.

"Ikaw!!" mariing singhal naman ng babae. "You're a pervert!!" duro pa nito sa kaniya.

"Hindi ako manyakis!"

"Hindi manyakis?! Ano'ng tawag mo sa ginawa mong pagyakap sa'kin habang natutulog ako, huh?!" galit nitong sigaw sa kaniya. "You even touched my boobs! You asshole!!" impit pa nitong singhal na halatang gustong-gusto siya nitong sigawan.

Mukha itong isang mabangis na leon na nakahandang manakmal anumang oras!

Maangas siyang napasinghal dahil sa sinabi ng babae at nagtitimpi siyang hinarap ito.

"Huh!!" patuya niyang aniya sa babae. "Your boobs?! Nasaan ang sinasabi mong 'boobs'?!" pagdidiin niya sa huling sinabi. "Kung maka-boobs ka akala mo naman umabot sa cup-B 'yang dibdib mo!! Halos wala nga'ng pinagkaiba 'yang harap at likod mo! Kung hindi ko lang kita 'yang mukha mo, iisipin kong nakatalikod ka!!"

"Kuya!!" awat ng kalatid niya sa kaniya. Pero hindi niya ito pinansin.

"Bastos ka!!" nanggagalaiti namang sigaw ng babae sa kaniya sabay hagis sa katabi nitong cushion sa kaniya na agad naman niyang nasalo. "Hindi ka lang manyakis!! Napaka-walang modo mo din!!"

"Hoy!!" duro niya sa babae. "Huwag mo 'kong masigaw-sigawan, huh?! Baka maubos ang pasensya ko sa'yo, maihagis kita sa bintana!!"

"Ano ba, kuya?! Tama na!! Kalalaki mong tao, pumapatol ka sa babae!" muling awat ng kaniyang kapatid

"Because she's gotten into my nerves, Bea!!" pigil ang inis niyang saad sa kapatid. "Do you see this?!" aniya na inilapit sa kapatid ang sariling mukha sabay turo sa gilid ng kaniyang bibig na tinamaan ng suntok ng babaeng kaharap nila. "She punched me sooo hard! And even accused me of harassing her! Tapos ako pa ngayon ang pagsasabihan mo ng ganiyan?!"

"Because she's my friend! And she's not gonna act this way kung wala kang ginawa sa kaniya!" pigil ang inis nitong sagot sa kaniya. "And one more thing..she told me that she will come over after ng event na dinaluhan niya kagabi. And how about you, huh?! Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka dito?"

Bahagya siyang natigilan at hindi nakasagot sa kapatid.

"Because I don't wanna disturb you. Alam kong tulog kana kaninang pumunta ako dito. That's why." malumanay ang boses niyang paliwanag sa kapatid. "And she's not yet here when I entered the room dahil nagawa ko pang maligo pagkadating ko."

Agad dumapo sa babae ang paningin nilang magkapatid nang sabihin niya mga huling salitang iyon.

Nakita naman niya ang bahagyang pagkalito sa kilos ng babae na agad niyang sinamantala at nakakalokong hinarap niya ito.

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon