Chapter 30

1.6K 42 5
                                    






ALAM ni Maxene na nakatulog siya kagabi...

Pero bakit ganito ang pakiramdam niya pagkagising?

Para kasi siyang nanghihina na ewan nang umagang iyon.

Kailangan niyang pumasok sa trabaho ngayon dahil may photoshoot pa siyang kailangang tapusin sa kompanya nina Baste...

After a couple of week ay gaganapin na ang fashion show for Bea's summer clothes collection...

Susunod n'on ay launching na ng mga damit sa market.

May mga events na din na naka-line-up sa schedule niya.

Hindi siya kumuha ng exclusive contract sa kasalukuyan dahil gusto muna niyang i-enjoy ang pagiging freelance model niya.

Nagdesisyon na siyang umahon sa kaniyang kama n'ang medyo naging ok na ang pakiramdam niya.

Wala naman siyang sakit...

Pero pakiramdam niya ay wala siyang lakas para bumangon kanina.

Kaagad siyang kumuha ng kaniyang pamalit at tinungo ang banyo sa kaniyang kwarto pagkatapos.

Mabilis siyang nag-ayos ng kaniyang sarili n'ang makita ang oras.

Hindi pa naman talaga siya late...

Pero nahihiya siyang pag-antayin ang susundo sa kaniya.

N'ang maisip ang binatang si Baste ay kaagad nakaramdam ng kakaiba si Maxene.

Para siyang na-consious bigla sa hitsura niya n'ang makalabas siya ng kaniyang kwarto.

Wala rin siya sa sarili habang naglalakad pababa ng hagdan. Kaya hindi niya napansin ang taong nakaupo sa single sofa ng kanilang sala at nangingiti siyang pinagmamasdan.


"Oh! Ba't naka-busangot ang maganda kong pamangkin?"


Natigilan si Maxene n'ang marinig ang boses ng kaniyang Tito Lando.

Agad siyang nag-angat ng kaniyang mukha.


"T-Tito?" nagtataka niyang bulalas.


Nangunot naman ang noo ni Lando dahil sa ikinilos niya.


"Ayaw mo ba akong makita at ganiyan ka maka-react, huh Maxene?!"


Nakanguso siya sa sinabi ng tiyuhin.


"Nagulat lang naman ako na nandito ka..."


"Nagulat? O nadismaya??"


"Sabi mo kasi tatlong araw ka sa Cebu. So... I'm expecting to see you by tomorrow or the day after."


"Na-miss kita, eh!" maluwang itong ngumiti sabay hila sa kaniya para yakapin. He planted a soft kiss to her head afterwards.


"Hindi kita na-miss!" pang-iinis niya rito.


Kaagad naman siya nitong inihiwalay mula sa yakap nito at hindi makapaniwalang tinitigan siya!


"Ganiyan kana ngayon, ha!! Porket naka-firt kiss kana!!"


Unti-unting nawala ang ngiti niya dahil sa narinig.


'Paano niya nalaman-. Alcaraz!!!' Hiyaw niya sa isip pagka-alala sa binata!

'Kalalaking tao! Napakadaldal!!!'

'Bakit ba niya pinagsabi 'yon?!'



The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ