Chapter 4

1.7K 53 3
                                    

"I'm getting married, Pa."

Nagulat si Lolo Nick sa sinabing iyon ng kaniyang anak na si Kristina.

Pagkatapos nilang maghapunan ay kinausap siya ng kaniyang anak. Nasa opisina sila ng talyer ng gabing iyon.

"You're getting married?! Pero ni anino ng lalaking pakakasalan mo hindi ko pa nakikita!"

Bakas sa mukha ng matandang lalaki ang disgusto sa sinabi ng anak.

"He's a good man, Pa. That's I guarantee you."

"I don't care if he's a good man or not, Kristina!"mariin niyang saad sa anak.

"Pa, please."

"Please what?!" Nagpipigil itong sumigaw dahil baka marinig ng apo niyang si Maxene ang pag-uusap nilang ito ng kaniyang anak. "Tell me, Kristina. Alam ba ng lalaking pakakasalan mo ang tungkol sa apo ko?"

Agad nagbawi ng tingin ang babae. Sa ikinilos nito ay alam na niya ang sagot sa tanong niya.

"I will tell him after we get married."

"What?!" bakas sa tinig at mukha ng matandang lalaki ang disgusto sa narinig mula sa sarili nitong anak. "Paano kung hindi niya matanggap ang apo ko? Habang buhay mo na lang bang itatago si Maxene sa ibang tao, Kristina?!"

"Alam ninyo kung bakit siya nabuo sa mundong ito, Papa!"

Isang masamang bangungot para sa kanilang mag-ama ang nangyari kay Kristina noong dalaga pa lang ito. She was raped by her boyfriend before. Pagkatapos ng nangyari ay hindi na nila nakita pa ang lalaki.

Si Maxene ang bunga ng kahayupang nangyari sa anak niya. Ginusto nito noong ipalaglag ang bata pero pinigilan niya ito. Napagdesisyonan nilang ilihim ang sitwasyon ng anak sa mga nakakakilala sa kanila. Hanggang sa maipanganak ang bata ay walang nakakaalam sa tunay nitong pagkatao. Ang alam ng iba ay anak ito ng matalik na kaibigan ni Kristina na namatay kaya nila kinupkop ang bata.

"Hanggang kelan mo ibubunton sa anak mo ang sisi sa mga nangyari, Kristina?"

"Hindi ko siya sinisisi, Pa!"mariin nitong wika.

"Hindi?! Pero kung ituring mo siya daig pa niya ang estranghero sa'yo."

"Dahil naaalala ko sa kaniya ang kahayupang ginawa ng ama niya sa'kin, Pa!"

"Hindi kasalanan ng anak mo ang ginawa ng lalaking iyon sa'yo!"

"Tama na, Pa."

"Hindi kaba naaawa sa anak mo, Kristina?"

May lungkot sa tinig na wika ni Lolo Nick.

"I'm trying to get well with her, Pa. You know that."

"You're trying?"may sarkasmo sa tinig na turan ng matanda. "Ni hindi ka nga makatagal dito sa bahay. Did you ever find time to be with your daughter even just for one day?"

Hindi nakahuma ang anak sa sinabi niyang iyon. Nagpatuloy ang matanda sa pagsasalita.

"Matanong nga kita, Kristina."tinitigan niya sa mga mata ang anak. "Wala ka bang nararamdamang pagmamahal man lang para sa anak mo?"

"You know I do, Pa."matatag nitong sagot.

"Then why are you still treating her like a stranger?"

"Can we just end this conversation now, Pa?"

"Your daughter needs you, anak. Bago ka naging isang ina, you were also a daughter to us ng mama mo. Alam mo at naiintindihan mo din sana ang pakiramdam ni Maxene na lumaking walang mga magulang. Although you are here, pero para sa kaniya, ulila siya."

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Where stories live. Discover now