Chapter 6

1.8K 54 5
                                    

Hindi mapakali si Maxene sa kaniyang kina-uupuan habang nakatingin sa lalaking papalapit na naglalakad patungo sa kinaroroonan niya.

"Hi, Maxene!"

"Hello, James."ganting bati niya sa binata nang maka-upo ito sa tabi niya.

Nasa isang park siya malapit sa bahay nila ng hapong iyon. Doon siya nagpapalipas ng oras sa tuwing wala siyang ginagawa. Doon niya din unang nakilala ang binata.

Guwapo ito at hindi rin mahangin kausap. Magaan din ang loob niya rito kaya siguro madali niya itong nagustuhan.

Oo. Crush niya ito. Pero ayaw niyang magpahalata dito. Ok na sa kaniyang magkaibigan sila.

"Nga pala,"wika ng binata sa kaniya kaya siya napalingon dito. At biglang tinambol ng kaba ang puso niya ng sakto siyang mapatingin sa mga mata nito. She likes his eyes. Para kasi itong palaging nakangiti kapag tumitingin.

Bigla siyang napakunot-noo ng sumulpot sa isip niya ang mukha ng isang lalaking ni sa panaginip ay ayaw niyang makita.

Tikbalang! singhal niya sa isip.

Pero inaamin niya na maganda ang mga mata ng tikbalang na 'yon. Nahiya nga ang mga pilik-mata niya sa kumag na iyon dahil mas mahahaba at malalago ang pilik-mata nito kesa sa kaniya.

Teka?! Bakit ko ba siya iniisip?! reklamo ng isang bahagi ng isip niya.

"May gusto sana akong itanong sa'yo, Maxene."

Sumisirko ang puso niya kapag binabanggit ng binata ang buong pangalan niya.

"Ano 'yon?"tanong niya dito sa kabila ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso dahil sa lapit ng lalaki sa kaniya habang naka-upo sa park bench. Hindi niya ipinahalata na ninenerbiyos siya dahil sa presensiya nito.

"May boyfriend ka ba?"

"H-huh?"

Did he just asked kung may boyfriend ako?

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na hindi nakapagsalita. Hindi niya kasi napaghandaan ang tanong na iyon ng binata.

May ideyang pumapasok sa utak niya tungkol sa tanong nito sa kaniya. Pero ayaw niyang pangunahan ang sitwasyon. Baka mabigo lang siya sa huli.

She was about to give him her answer, nang bigla silang nagulat pareho dahil sa biglang pagsulpot sa kanilang harapan ng isang lalaking kanina lang ay pilit niyang itibataboy sa kaniyang isipan.

*******
Hindi alam ni Baste kung gaano na niya katagal pinagmamasdan ang isang babae mula sa loob ng kaniyang sasakyan.

Kasalukuyang nakaparada sa parking lot ng isang playground ang kaniyang kotse. Katatapos lang niyang i-review ang mga larawang kinunan niya kanina. He was about to go nang mamataan niya ang pigura ng isang babaeng naka-upo sa park bench ng naturang playground.

Maxene Fueblo

Kumpara noong huli niya itong makita sa talyer na pag-aari ng pamilya nito, mas lumutang lalo ang ganda ng dalagita dahil sa pagkakalugay ng natural na unat at mahaba nitong buhok.

At gaya nang sinabi nito noon, she really has a boobs underneath her loose shirt before. Semi-fit na puting T-shirt ang suot nito ngayon kaya medyo bakat ang dibdib nito.

Kung may makakakita lang sa kaniya ngayon, ay aakalain nilang nababaliw siya dahil sa hindi maampat na ngiti sa kaniyang mga labi.

Maya-maya lang, ay unti-unting napapalis ang kaniyang ngiti nang matanawan ang isang binatang papalapit sa kinaroroonan ni Maxene. He knows the guy. He is James Javier. Schoolmate niya ito sa university na pag-aari ng pamilya ng kaibigan niyang si Albert. He's famous sa pagiging babaero nito.

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin