Chapter 32

1.8K 55 23
                                    











"Yun, oh!"


Agad napabaling ng tingin si Baste kay Maxene n'ang maramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya n'ang marinig ang nanunuksong tinig ng kaibigan niyang si Albert pagkakita ng lalaki sa kanila.

Lihim niyang pinandilatan ang tatlong kaibigan dahil sa nakakalokong tingin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Maxene pagkalapit nila sa pwesto ng mga ito.

They just arrived at Cassandra's house.

Wala na ding ibang bisita pagkadating nila doon. Since, children's party ang okasyon at kanina pang hapon iyon naganap.

It's Sofia's Fifth birthday. Cassandra's daughter.


"Where's, Cassandra?" agad niyang tanong sa tatlo n'ang tuluyan silang makalapit sa pwesto ng mga ito.

Nasa pool area ang mga ito at kasalukuyang nag-iinuman ng sandaling iyon.

Hinanap din ng paningin niya ang pinsan niyang si Sergio na asawa ni Cassandra.

Pero imbes na sagutin siya ay halos sabay-sabay na tumayo ang tatlong lalaki at isa-isang nagpakilala kay Maxene.


"Good evening, beautiful." si Jonas. "I'm Jonas Villanova. Baste's friend." tukoy pa nito sa kaniya na bahagya pa siyang inginuso. "Siguro naman familiar 'tong gwapo kong mukha sa'yo, Max." Dagdag pa nitong may maluwang na ngiti sa mga labi.


Bahagyang nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng kaibigan.

He almost roll his eyes to be exact!


"Yeah. Ikaw 'yong kasama niya noon na nasiraan ng sasakyan." sagot naman ni Maxene.


Maya-maya pa'y si Elmer naman ang lumapit sa dalaga.


"Elmer Lacsamana." simpleng pakilala nito sa dalaga.


"Albert Montelibano. Ang good boy ng grupo."

Gusto niyang matawa sa description na sinabi ni Albert!


"Jerk!" Hindi niya naiwasang singhal sa kaibigan na tinawanan lang nito. "If you call yourself a good boy...so, ano ako sa grupo? Santo?"


Agad umalingawngaw ang malakas na tawa nina Elmer at Jonas sa kaniyang sinabi.


"I'm Maxene Fueblo." pakilala naman ng dalaga sa tatlo n'ang humupa ang tawa nila.

Isa-isa nitong kinamayan ang tatlo.


"Finally!" parang excited pang wika ni Jonas. "You're back!"


Pinaningkitan niya ng mga mata ang naturang kaibigan dahil sa nakakalokong ngiti nito kay Maxene.

Pagtataka naman ang rumehistro sa mukha ng dalaga nang lingunin niya ito sa kaniyang tabi.


"H-Ha??"


Pero bago pa makapag-salita si Albert ay napukaw na ang atensyon nila sa boses ni Cassandra.


"Max!"


Sabay silang napabaling ng tingin ni Maxene n'ang umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na sigaw na iyon ni Cassandra mula sa dakong kanang bahagi nila.

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant