Chapter 9

1.6K 44 0
                                    

"Good evening ladies!"

Gulat na napalingon ang ina at kapatid ni Baste sa malakas niyang pagbati sa mga ito. Nadatnan niya kasi ang mga itong seryosong-seryoso sa panonood ng isang korean drama na kina-aadikan ng dalawa.

"Do you really have to shout, kuya?!" reklamo ng kapatid niyang dalaga nang makalapit siya sa mga ito.

Nauna siyang yumakap at humalik sa pisngi ng kanilang ina bago niya nilapitan ang kapatid na babae.

"Good evening, mom."

"Good evening, honey." nakangiting bati ng ina sa kaniya.

"FYI..." aniya sa kapatid na tinabihan niya sa pag-upo habang naka-akbay dito. "Kanina pa 'ko mukhang tangang nakatingin sa inyong dalawa sa entrada ng pinto. Pero hindi niyo man lang naramdaman ang presence ko. Lahat ng kasam-bahay natin nakita at binata ako, pero kayong dalawa sobrang tutok diyan sa pinanood ninyong 'yan! Eh kung tutuosin, 'di hamak naman na mas guwapo ako kesa sa mga koryanong 'yan!"

"Wow, ah! Ang lakas ng hangin, mommy."  biro ng kapatid niya na tinawanan lang ng kanilang ina.

"Pagpasensyahan mo na kami anak dahil maganda naman kasi talaga ang palabas na 'to."

"Eh diba may Chinese version 'yan? 'Yong Dao Ming... ano'ng name n'on, sis?" aniya nang hindi alam kung paano niya i-pronounce ang kadugtong ng pangalan ng bida sa chinese version ng pinapanood nilang koreanobela. "'Yong may suot na bandana...tapos kulot 'yong buhok. Gwapo din naman ang isang 'yon...may pagka-sakang nga lang." at bigla siyang bumunghawit ng tawa na ikina-inis ng kapatid niya. Dahilan para inis itong tinulak siya palayo dito.

"Alam mo, ikaw kuya...ang galing-galing mong mamintas ng tao."

"Hindi pamimintas ang tawag d'on, my dearest sister Beatriz Shin Alcaraz." may diing aniya sa kapatid.

"Eh ano'ng tawag mo d'on, my dearest brother, Sebastian Hendrix Alcaraz? Praising?!"

"It's what we called, honesty, dear sister."

"Honesty ba 'yong tawanan mo 'yong kapintasan ng iba?" singhal nito sa kaniya.

"Well... I didn't mean to...I mean..." He was caught off guard dahil naisip niyang mali nga talaga 'yong reaksyon niya.

"See?!" nanunuya namang wika ng kaniyang kapatid.

Ang ina naman nila ay naiiling na lang na pinanonood silang magbangayan.

"Stop it, you two." seryosong saad ng kanilang ina at tumingin sa kaniya. "Hindi magandang pinagtatawanan mo ang ibang tao, Sebastian. Mali 'yon. At ikaw naman, Bea..." baling ng ina sa kapatid niya. "Huwag mo nang sinasagot ang kuya mo. Dahil magkakapikonan lang kayo niyan pagkatapos."

"Yes, mom." Sabay nilang sagot sa ina.

"Oh!" maya-maya ay narinig nila ang boses ng kaniyang ama. "May meeting ba ang mag-iina ko?" nakangiting anito habang papalapit sa kinaroroonan nilang tatlo. Sabay-sabay silang tumayong tatlo upang salubungin ang bagong dating niyang ama. "Bakit hindi niyo na 'ko sinagot?"

"We're just talking about the drama that we're watching, sweetheart." ang ina nila ang sumagot.

"But, what's with her face?" tukoy ng kanilang ama sa nakasimangot niyang kapatid.

"Haaay..." pabuntong-hiningang turan ng ginang. "Ano pa ba ang aasahan mo sa dalawa kapag nagsama? saad ng ginang sa asawa. "Kaya pinagsabihan ko sila."

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Where stories live. Discover now