Chapter 10

1.6K 53 0
                                    

"Good morning, Lo." masiglang bati ni Maxene sa kaniyang lolo nang madatnan niya itong nagkakape sa garden set na nasa likod ng kanilang bahay.

"Magandang umaga din, apo." bati din nito sa kaniya. "Halika't saluhan mo 'kong magkape." yaya pa nito.

Pinaunlakan naman niya ang abuelo at nagtimpla ng sariling kape.

"Siya nga pala, apo..." maya-maya ay wika ni lolo Nick. "Sa martes ay dadalo tayo sa isang pagtitipon."

Nangunot ang noo niya sa sinabi ng kaniyang abuelo.

"Anong pagtitipon, Lo? Ang lalim n'on, ah!" biro niya.

"It's a birthday party."

"Birthday party?" takang tanong niya. "Nino?"

Ilang segundo muna ang lumipas bago sinagot ni lolo Nick ang kaniyang apo.

"Anak daw ng nobyo ng mommy mo."

Marahas siyang napalingon sa matandang kasama nang marinig ang sinabi nito.

'Boyfriend?! WTF?!'

'So...it's true?'

Naririnig niyang may nobyo ang kaniyang ina noon. Pero ni minsan ay hindi pa niya iyon nakikita.

"Why do I need to come?" matatag niyang tanong.

"Gusto kong samahan mo sana ako, apo." may himig ng pagsusumamong hiling nito.

She can't say no to the old man. Alam niyang kukulitin siya nito kapag tumanggi siya. Pero hindi niya talaga gustong pumunta sa okasyong iyon.

'Buti pa ang hindi niya anak...sinasamahan niyang mag-celebrate ng birthday... Samantalang...'

Malalim siyang napabuntong-hininga sa isiping iyon.

Ramdam na naman niya ang kirot sa kaniyang puso dahil d'on.

'When will you get use to it, Maxene?!'

"N-Nandun naman si Kristina, Lo..." mahinang usal niya.

Oo. Sa pangalan niya tinatawag ang ina niya. Nagsimula ito n'ong nagka-isip na siya at nalaman ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao.

"When will you learn to call her mom, Maxene?"

Nakangisi siya ng mapait sa tanong na iyon ni lolo Nick.

"When she learn to treat me as her daughter." seryoso niyang sagot sa abuelo. Pigilan man niya ay nasa tinig niya ang hinanakit sa sinabi.

Tanging pagbuntong-hininga na lang ang nagawa ng kaniyang lolo habang napapailing itong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Alam ni lolo Nick ang hinanakit niya sa sariling ina. Nagpapasalamat siya sa matanda na hindi siya nito pinipilit ayusin ang anumang gusot sa kanilang mag-ina. Pero sinusubukan nitong paglapitin sila. Kagaya ng ginagawa nito ngayon.

Iniimbitahan siya nitong sumama sa isang okasyon na hindi naman siya konektado. At mas lalong wala siyang interes sa mga ganoong okasyon. Pero dahil mahal niya ang abuelo... mukhang mapipilitan siyang sumang-ayon dito.

"Ano ho bang kelangang isuot sa okasyong iyon, lo?" maya-maya ay tanong niya sa matanda.

Agad namang nagliwanag ang kulubot pero gwapong mukha ni lolo Nick.

"Dahil debut ng binatang iyon, ay kelangan mong magsuot ng bestida, apo." nakangiti nitong sagot...na ikinangiwi naman niya.

"Anak ng... Debut?!" hindi makapaniwalang aniya. "Seryoso ba kayo diyan, lo?!" tinanguan siya nito bilang sagot. "Hanep! Pati pala lalake nagde-debut!! Ano siya bakla?!"

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Where stories live. Discover now