Chapter 24

1.7K 45 12
                                    



"Ang ganda naman ng pamangkin ko!" bungad ni Lando sa dalagang si Maxene habang pababa ito sa hagdan ng kanilang bahay.

"Spare me, Tito!" masungit namang sagot ni Maxene na ikinatawa ng mga taong pare-parehong nakatunghay sa kaniya ng sandaling iyon.

"Galit-galitan dahil hindi masusundo ng date?" muling tukso ng kaniyang gwapong tiyuhin.

"He is not my date!" mariin niyang sagot.

Oo! Naiinis siya kay Baste dahil nagsabi itong hindi siya nito masusundo dahil may importante daw itong lalakarin.

'King inang lalaking'yon! Mamimilit ng tao tapos hindi naman pala tutupad sa usapan!'

"Eh ba't ka nga ba galit, apo?" nanunuksong wika naman ni Lolo Nick sa kaniya n'ang maka-upo siya sa maling single sofa sa salas nila.

"Hindi nga po ako galit, Lo." malumanay man ay may diin naman niyang sagot sa abuelo. "Ayuko na nga po sanang pumunta pa, eh."

"Bakit naman?" si Lando.

"Kakain lang naman ako dun, Tito!"

"Natural ale! Dinner ang ininvite sa'yo, 'di ba?? Ehdi siyempre, kakain ka talaga d'on."

'Sabi na nga ba eh. Hindi talaga buo ang araw niya nang hindi ako binabara!' aniya sa isip ng dalaga.

"Alam mo namang mahigpit ang diet ko dahil sa trabaho ko, Tito."

"Hala siya!" singit ng anak ni Nanay Pasing na si Ate Vivian. "Para namang lolobo ka bigla kung kakain ka ng marami, Max. At isa pa, hindi ka naman nila siguro inimbitahan para ubusin lahat ng handa nila." natatawang anito na ikinatawa din ng iba pang kasama nila sa oras na iyon.

"At isa pa..." si Nanay Pasing. "Hindi ka rin tabain na bata anak. Simula n'ong maliit ka pa, ganiyan na talaga pangangatawan mo."

Napasimangot siya sa mga taong nasa harap niya dahil alam niyang pinagkakaisahan siya ng mga ito.

"Bakit ba kaba ang nababasa ko sa mukha mo, ha pamangkin?"

Ayon na naman ang nanunuksong tono ng kaniyang Tito Lando.

Madilim ang kaniyang mukhang bumaling siya dito n'ang tabihan siya nito sa kaniyang kinau-upuan.

"I am not nervous, ok?!" madiin niyang sagot.

"Let me just remind you na dinner lang ang ipupunta mo d'on. Hindi ka mamamanhikan!"

Pagkasabi nito ng mga salitang iyon ay agad itong dumistansya sa kaniya n'ang ambaan niya ito ng palo.

"Kanina ka pa, Tito ha?!"

"What?" pa-inosente nitong saad habang pinipilit ang sariling huwag itong matawa.

"Tsk!" maktol niya dahil alam niyang useless lang ang makipag-usap dito.

"If you're ready, then let's go." maya-maya ay anyaya na nito.

"Bakit ikaw ang maghahatid sa'kin?" nakasimangot paring aniya.

"Eh, hindi ka nga masusundo ng date mo-, I mean ni Baste."

Imbes na patulan niya pa ito ay padabog siyang tumayo at nagpa-alam na siya sa kaniyang lolo at kina nanay Pasing.

"Kapag ako hindi mo tinantanan sa pambubuska mo Tito, tatalon ako sa kotse!" Iyon lang at nagpatiuna na siyang lumabas ng kanilang bahay at tinungo ang kotse ng tiyuhin niyang tatawa-tawa na sumusunod sa kaniya.

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Where stories live. Discover now