Chapter 29

1.8K 45 17
                                    




"Problem?"

Hindi na nag-abalang tignan ni Baste ang kaibigang si Jonas nang tumabi ito ng upo sa kaniya sa may bar counter sa roof deck ng restaurant ni Cassandra...

Sa tagal nilang magkaibigan, kahit simpleng gesture lang, malalaman nila kung kelan may pinoproblema ang isa sa kanila.

Kagaya ng sandaling iyon, once na umiinom mag-isa ang isa sa kanila, alam na nilang may iniisip itong problema.

"Hindi ko alam kung problema ba na matatawag 'tong sitwasyon ko ngayon. O baka karma!"

"Care to tell?" anito na nagsalin din ng alak sa hawak nitong baso.

"I've already confessed to her..."

Natigil ang akmang pag-inum nito n'ang marinig ang kaniyang sinabi.

Kunot noo itong tumingin sa kaniya.

"With whom?"

Siya naman ang natigilan n'ang sandaling iyon.

"May iba ka pa ba'ng alam maliban sa kaniya?" tukoy niya kay Maxene.

N'ang maalala ang dalaga ay kaagad siyang napainum ng alak.

"Malay ko pare kung may iba ka pang nagugustuhan maliban kay Maxene?"


"I'm not like you pare." natatawang aniya n'ang makitang sumimangot ang kaibigan. "Sa ating apat, kayong tatlo ang babaero."


"Babaero agad?? Hindi ba pwedeng habulin lang ng mga babae?"


Sabay silang napalingon ni Jonas sa kanilang likuran n'ang marinig ang tinig na iyon ni Elmer kasama si Albert.


"You got that right, pare!!" natatawang saad naman ni Albert na tinapik pa sa balikat ang kasamang si Elmer.


"Well, I'm way different to the two of you." sagot nito na itinuro sina Jonas at Albert. "Babae mismo ang lumalapit sa'kin. Habang kayo...no comment!" anito na iniiwas sa dalawa ang tingin habang nakangising binubuksan ang lata ng beer na hawak nito.


"Ganiyan talaga, pare!" si Jonas na nagmamayabang pa. "We need some pleasure after a very tiring day."


"Tiring day my ass!! Kaya 'yong mga opisina ninyo may private rooms!! Kesyo pahingahan n'yo kuno kapag maraming paperworks!! Pero 'yon pala may tinatrabaho kayong iba d'on!!" Banat niya sa tatlo na kaagad nagsitahimik.


"At least kami may sex life!" si Albert. "Eh ikaw?? Hindi pa man din dumidiga nilayasan kana!!"


Malakas na nagtawanan ang tatlo. Nag-high five pa ang mga kumag!


"Sige lang... Tawa lang mga pare..." Nakangisi niyang aniya. "Sa susunod ako naman ang tatawa kapag kayo ang napana ni kupido!"


"What the heck, pare!!" reklamo ni Elmer. Mukha itong naalibadbaran sa kaniyang sinabi. "May kupido ka pang nalalaman ngayon!!"


"Huwag n'yo na 'tong asarin! Dahil nakapag-confessed na daw." pahayag ni Jonas sa dalawa nilang kaibigan.


"Seriously??" gulat na tanong ni Elmer.


"Hindi nga??" si Albert...


"Ano'ng kagulat-gulat d'on?!" tanong ni Baste sa dalawa. "Sampung taon akong naghintay mga pare. Ngayon na nandito na siya. I will not waste any seconds para maging akin siya!!"

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Where stories live. Discover now