Chapter 21

1.6K 52 7
                                    


"Good morning, sir!"

Magkakasunod na bati ng mga empleyadong nadadaanan ni Baste sa malawak na lobby ng kanilang building sa umagang iyon.

"Good morning..." ganting pagbati naman niya sa mga ito.

N'ang makarating siya sa floor kung saan naroroon ang kaniyang opisina ay agad tumayo mula sa pagkaka-upo ang kaniyang secretary na si Leila upang sundan siya sa kaniyang opisina.

Ganito ang bawat umaga sa buhay ni Baste.

"Good morning, sir." agad na bati ng sekretarya sa kaniya pagkapasok nito sa kaniyang opisina.

Ibinaba nito ang dalang kape para sa kaniya pagkatapos ay inisa-isa nitong binanggit ang mga importanteng gagawin niya sa araw na iyon.

"Would that be all?" tanong niya ng malamang wala siyang masyadong gagawin sa araw na iyon.

"Ahm... Miss Bea just called a while ago, sir. Pinapasabi na ikaw na daw muna ang aasikaso sa mga model na dadating mamaya para sa gagawing photoshoot ng clothing line and for the upcoming fashion week event."

"Ngayon ba ang schedule ng photoshoot?" takang tanong niya.

"No, sir. Next day pa po 'yon. Briefing schedule po nila ngayon sir."

"Ok. Thanks. You may leave now."

N'ang makalabas ang kaniyang secretary ay inabala na din ni Baste ang sarili sa kaniyang trabaho.

Ilang oras pa ang lumipas ay muling pumasok ang kaniyang sekretarya sa loob ng kaniyang opisina upang sabihing dumating na ang mga modelo nila.

"Sir, nasa conference room na po ang mga models natin."

"Ok. I'm coming..."

Ilang sandali pa ay kaharap na ni Baste ang mga models nila.

Some of them are new to their company. Pero nakikita na niya ang mga ito sa ilang fashion events and fashion magazine covers.

Napansin din niya ang kakaibang tingin ng mga new-comer sa kaniya. Especially, the ladies.

Napangisi siya sa sarili sa isiping iyon.

After niyang magpakilala sa mga ito ay agad na siyang nagsimula sa briefing. Pero natigil siya sandali nang makarinig siya ng ilang mahinang katok sa pinto ng conference room.

"G-Good morning..."

Agad napako sa bagong dating na dalaga ang buong atensyon ng lahat na nasa loob ng conference room.

Lalo na siya...

The woman infront of him is way different from the woman he saw few days ago.

Gone with the messy hair and smudged make-up.

The woman he's seeing now screams simplicity, yet sophisticatedly gorgeous.

Naka-suot ang dalaga ng kulay maroon na blazer na pinailaliman nito ng puting V-neck shirt. High waist ang semi-skinny denim jeans na suot nito. At kakulay naman ng blazer nito ang stiletto na sapin nito sa paa.

Nakapusod naman pataas ang alon-alon nitong buhok na mas nagpakita sa maamo at mala-anghel nitong mukha.

Naagaw ang atensyon niya sa pagkakatingin sa dalagang bagong dating n'ang biglang may nagsalita.

"You're Maxene!!" excited na bulalas ng isang model nila na itinakip pa ang isang palad sa bibig habang nakaturo naman ang isa sa dalagang bagong dating.

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Where stories live. Discover now