Chapter 13

1.5K 49 6
                                    

Bungad palang ng venue ay ramdam na ni Baste ang ibat-ibang uri ng tinging ipinupukol sa kaniya ng mga bisita sa naturang party na dinaluhan nilang magkapatid ng gabing iyon.

Paghanga mula sa mga babae...at ilang mga lalaki. Ang ilan ay kakikitaan ng kaunting inggit dahil sa malakas na dating na meron siya ng gabing iyon.

'Sex appeal is within me since birth.'

Author: 'Baka bumagyo, Sebastian. Hinay-hinay sa pagyayabang!'

'Hindi yabang ang tawag diyan author...kundi katotohanan!'

Author: 'Whatever!'

"Bea!!"

Agad napalingon si Baste sa gawi n'ang babaeng tumawag sa pangalan ng kaniyang kapatid n'ang sandaling iyon.

"Jelai!" bati ni Bea sa dalagang patakbong sumalubong sa kanila.

Agad niyang napansin ang kakaibang tingin ng dalagang kaibigan ni Bea sa kaniya.

He gave her a formal look and formal approach para iparating sa babae na hindi siya interesado dito.

Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng kilos na iyon ng dalaga.

She likes him...

Ang totoo...matagal na niyang napapansin ang kakaibang tingin nito sa kaniya. Sa unang pagkakataon palang noon na ipinakilala ito ng kaniyang kapatid ay ramdam na niya na may gusto ito sa kaniya. Binabalewala lang niya iyon noon dahil nga bata pa ang mga ito.

'I thought, simpleng infatuation lang ang nararamdaman niya noon...nagkamali ako!'

Magandan ito...Pero hindi ito ang tipo niyang babae.

Lihim niyang sinuri ang kabuoan ng dalaga. Her clothes are too revealing for her age. Halos kita na kasi ang kalahati ng dibdib nito dahil sa uri ng suot nitong party dress. A mini dress with plunging neckline to be exact...

Hindi niya alam kung bakit...pero bigla na lang niyang naalala ang isang babae.

Bahagya siyang napangisi nang maalala ang mga katagang sinabi noon ni Maxene sa kaniya. At kakatwang kabisado niya pa ang mga iyon hanggang sa ngayon.

"At huwag mo akong matawag-tawag na boy dahil hindi ako lalaki! Babae ako! May boobs ako na hindi lang halata dahil sa suot ko! Pero hindi ako flat chested! Naiintindihan mo?!"

"Hindi ako flat-chested! Naiintindihan mo?!"

"Hindi ako flat-chested! Naiintindihan mo?!"

"Hindi ako flat-chested! Naiintindihan mo?!"

Nagpa-ulit-ulit sa isip niya ang mga sinabing iyon ni Maxene. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sariling mapangiti at wala sa loob na marahang mapatawa dahilan upang lingunin siya ng kaniyang kapatid ng may nagtatakang hitsura.

She automatically gave her a 'what's wrong with you' look nang lumingon siya rito.

Agad siyang sumeryoso kapagkuwan.

"Sorry." aniya sabay tikhim. "May na-alala lang kasi ako."

"Kung masama ang pakiramdam mo, kuya... You can go home."

Pasiring niyang tinignan ang kapatid dahil sa sinabi nitong iyon.

He was about to answer her back n'ang biglang lumapit sa kaniya ang kaibigan nitong si Jelai at walang sabi-sabing ikinawit ang mga kamay nito sa kaniyang braso at halos ikiskis sa kaniya ang dibdib nito.

The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)Where stories live. Discover now