Ako naman ay nagpalit ng damit muna bago nagluto ng hapunan. Nang matapos akong makaluto ay kinatok ko na siya para makapag hapunan.


Hindi ko alam kung anong gusto niyang ulam, sinigang na baboy na lamang ang aking niluto.


Hanggang sa pagkain ay ang tahimik pa rin niya. Nailang ako sa pagiging tahimik niya kaya hindi ko maiwasang panaka-naka siyang sulyapan habang kumakain.


"Stop it Eli."


Nagulat ako nang magsalita siya. Hindi galit ang kaniyang tono ngunit hindi rin iyon masaya.


Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Awkward naman akong ngumiti at napayuko nalang.


"Uh, may problema kaba? Ang tahimik mo." Hindi ko napigilang tanong sa kaniya. Hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin.


"Wala, medyo pagod lang."


Napatango nalang ako sa sagot niya at hindi na muli pang nagtanong. Nang matapos kaming kumain ay nagsabi siyang siya na ang maghuhugas ng pinggan.


Gusto ko sanang pigilan siya ngunit hindi ko nalamang ginawa.


Pumasok nalang ako sa kwarto ko para makapag pahinga na. Wala pa naman akong aaralin ngayong gabi kaya naman pinili ko nalang magpahinga ng maaga nang matapos kong tawagan sina Lolo.


Kinabukasan ay ganon ulit ang routine ko. Gumising ako ng maaga para magluto ng umagahan. Nang lumabas si Keano sa kaniyang kwarto ay naka bihis na ito ng puri niyang uniform.


Saglit akong natulala nang makita siya. Hindi kasi siya naka uniform kahapon, kaya ito ang unang pagkakataong makita ko siyang suot iyon.


Bagay na bagay sa kaniya ang puting uniporme. Gwapo na siya, pero mas lalo siyang gumuwapo dahil roon. Naka ayos ang kaniyang buhok sa magandang istilo. Napaka aliwalas ng kaniyang itsura.


Ang sarap niyang pagmasadan!


Eli! Ano bang pinagsasabi mo?!


Nagising ako sa pagkakatulala ko dahil sa sigaw na iyon sa aking isip. Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko kaya napailing lang ako.


"Ayos ka lang Eli? Namumula ka." Puna sa akin ni Keano nang makaupo ito sa mesa.


Kaagad na naglaro sa aking ilong ang kaniyang mabangong amoy.


Para naman akong natinik dahil sa tanong niya. Hindi ako kaagad naka hanap ng mga salitang pwedeng sabihin.


"Uh,-ano oo ayos lang ako! Ano- medyo mainit lang." Naaligaga kong sagot sa kaniya.


Iniwasan kong tingnan siya at sa pagkain nalang itinuon ang aking atensyon.


"You sure?" Paninigurado nito.


Muli akong tumango sa tanong niya. Kung anu-ano naman kasi ang pinag-iisip mo Eli! Hindi ko nalang siya ulit binalingan ng tingin hanggang sa umalis kami sa condo.


Nag text sa akin si Stella na nasa university na sila at iniintay nila ako sa lobby ng building naming upang sabay-sabay kami magtungo sa auditorium para sa general assembly and orientation ng mga first year students.


Nang makarating kami roon ay gulat silang lahat nang makitang kasama ko si Keano. Ay, oo nga pala hindi ko nasabi sa kanila na kilala ko ang isang to!


"Maico,"

Bati ni Keano kay Maico na naalala kong kapatid ng kaibigan niyang si Dylan. Nakipag bro fist ito sa kaniya nang makalapit kami sa kanila.


"Kuys, kumusta. Magkakilala pala kayo ni Eli?" Tanong ni Maico na bumalik ang tingin sa akin.


"Ah- oo hindi ko nasabi sa inyo kahapon." Sagot ko. May hiyang nararamdaman.


Sina Stella at Yuri ay hindi nagsasalita at titig na titig lamang kay Keano.


"Yeah. Eli is my uh, friend. Anyways, baka malate na kayo sa assembly malapit na magstart." Sabi ni Keano.


Humarap ito sa akin at sinabing mauuna na. Nang makaalis si Keano ay duon palamang tila natauhan ang dalawang babae.


"Oh my gosh ang gwapo niya!"


"Ang hot grabe! Ang bango pa!"


Iyon ang mga unang salitang namutawi sa bibig ng dalawang babae. Narinig ako ang pagbuntong hininga ni Maico habang umiiling pa ito.


"Let's go Eli, hayaan mo na 'yang dalawang baliw na 'yan." Pag aya sa akin ni Flynn na nauna nang maglakad kasama si Maico.


Napangisi akong sumunod sa kanila. Iyong dalawang babae naman ay tumakbo rin kasunod namin at pareho silang umangkla sa aking dalawang braso.


Medyo nailang ako dahil hindi ako sanay na may umaangkla sa aking braso, lalo pa at mga babae. Hindi tuloy maiwasang makakuha kami ng atensyon habang naglalakad papunta sa malaking auditorium ng university.


"Hindi mo naman sinabi samin, na kaibigan mo pala si Kean Eli." Sabi ni Stella.


"Kaya nga. Magkasama tayo maghapon e, hindi mo man lang nabanggit sa amin." Dagdag pa ni Yuri.


Alanganin akong ngumuti. "Ah ano kase, uh nawala sa isip ko." Palusot ko.


Nang makarating kami sa auditorium ay malapit na nga magumpisa ang program. Sa likod na kami naupo para rin madaling makalabas mamaya.


Sa buong duration ng orientation ay wala namang lubay sa pagkausap sa akin ang dalawang babae patungkol kay Keano. Nasa pagitan nila akong dalawa, habang sina Flynn at Maico naman ay nasa magkabila nilang gilid.


"Shh. Can you both stop for a while? Ang ingay niyo." Sabi ni Maico sa dalawa na nakapag patigil ng kanilang pagtatanong sa akin.


Napanguso si Stella at hinampas sa braso si Maico.


"Ang epal mo. Tsk." Naiirita nitong sabi sa kaibigan.


"Tama si Maico. Makinig na muna tayo sa speaker." Sabi ko.


Wala namang nagawa iyong dalawa kundi ang sumangayon.


Lunch break nang matapos ang orientation dahil kasabay nito ang pagpipresent ng ibat ibang clubs at orgs na pwedeng salihan ng mga estudyante.


Sa cafeteria ng university na kami dumiretso dahil mas malapit iyon kaysa sa cafeteria ng aming college building.


Akala ko ay nakalimutan nan g dalawa ang paguusisa sa akin tungkol kay Keano ngunit hindi pala. Duon nila iyon ipinagpatuloy, at wala naman akong nagawa kundi ang sagutin sila sa bawat tanong nila. 

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora