"10 in both of my hands and 20 in my feet," maikling sagot ko.

"Lagi mong suot 'yan?" gulat niya pa ring tanong. Tango lang ang isinagot ko sa kaniya saka ko siya nginisian. "But how come you're still fast? Kung ako ang may suot na gan'to sa training, paniguradong nasa hulihan ako."

"Sa una ka lang naman mahihirapan. Once your body adapts to its weight, you'll get you used to it." Umiling-iling pa sa 'kin si Danica bago isinuot sa kaniyang kamay ang dalawang sandbags.

"What the-ang bigat naman!" Sinamaan ako ng tingin ni Danica bago sinubukang abutin ang baril na nasa mesa. "Fvck! Ang bigat, Kitty." Tumawa lang ako bago tumira ulit sa 100 meters range.

Pagkatapos naming pumunta sa shooting range ay bumalik agad kami sa dorm. Tamad akong humiga sa kama at tiningnan lang ang ceiling. Ilang buwan na rin akong walang kasama sa kwarto mula nang umalis si Sachie. Nakakabagot minsan 'pag mag-isa lang.

Habang pinapanood ang mga butiking naghahabulan ay 'di ko namalayan na dinalaw na pala ako ng antok at agad nakatulog. Nagising na lang ako sa katok mula sa aking pinto. Sino na namang hinayupak ang may lakas na sirain ang beauty rest ko?

Agad akong bumangon at binuksan ang pinto. "
"Hey," bati nito bago pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Sinong nagbigay ng permiso sa kaniya para basta-basta na lang humiga sa kama ko?

"Kababalik mo lang?" I asked.

"Yeah, I'm so tired. Let me rest for a bit, baby," ani nito at pumikit. Lumapit naman ako sa kama at umupo sa tabi ng hinihigaan niya. "Can I hug you?"

"May kwarto ka naman, bakit dito pa? And hug? Bakit, jowa na ba kita?" masungit na sabi ko rito. Sh*t ka talaga, Kitty. Baka nilamon na ng lupa ang panty mo, may gana ka pang magsungit.

"I like it here," sabi niya bago ako hinila pahiga sa tabi niya at niyakap. Sandali naman, Gavin! Hindi pa ako ready, sh*t naman. Paliguan mo muna ak-landi. "I missed you," bulong nito sa 'kin na sobrang nagpatibok ng puso ko.

Kailangan ko na talagang magpatingin sa doktor, baka may malalang sakit na ako sa lakas ng kabog nitong dibdib ko. Ito pa ba yung confused? Ano ka ngayon, Kitty? Confused ka pa? I like some else ka pa?

"Where have you been?" tanong ko sa kaniya habang nasa loob pa rin ng malalaki niyang braso.

"Winter is awake. Dorian told me to check on her, I don't have a choice but to go." Agad akong napatingin sa mukha niya.

"What happened to Winter?"

"She was in coma for a year and she just woke up 4 days ago. I even thought she wouldn't wake up anymore," sabi niya habang nakatingin sa ceiling.

"Why?" Ang dami ko namang tanong pero hayaan na, tutal si Winter din naman ang nag-recommend sa 'kin dito. I should visit and thank her.

"She was severely injured a year ago. I almost gave up back then, but Dorian threatened me that he'll kill you if I can't save her." Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. At paanong nadamay ako sa dalawang makamandag na tao rito sa West Land?

"Paanong nasali ako r'yan? Anong kinalaman ko, ha?" galit na sabi ko at umalis sa pagkakayakap niya.

"I-i told him back then that I already have someone I like," he said while blushing. Totoo ba 'tong nakikita ko? Gavin Cornelius is blushing? "He asked who's the unlucky one and I told him 'It's Katniss Menken.'" Now, it's my turn to blush.

Walang hiya ka talaga, Cornelius. Dati, ikaw itong shy sa ating dalawa, pero bakit ngayon, ako na? Ginayuma siguro ako ng lalaking 'to.

"When I was having a surgery that time, I was really scared! Dorian is already scary enough, nadagdagan pa ng mga Fernsby. Ayos lang sa 'kin kung anong gagawin nila sa 'kin, pero kung may gagawin sila sa 'yo, 'di ko na alam gagawin ko..." Tinignan ko ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin na may pinaghalong lungkot at saya. How can you be so manly at the same time, innocent in my eyes, Gavin? "Lucky enough, I managed to save her but she's still in coma. After a month, Dorian asked me if they can bring her when they're traveling. At first, I was against it because she might die during their adventures. Pero sumagi sa isip ko na baka hindi na talaga magigising si Winter at ang tanging paraan para mabawasan ang lungkot ng kanilang team ay payagan silang libutin ang mundo." Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Humiga ako sa tabi niya at sumiksik sa leeg niya. He's so kind...

"But unfortunately, the demon is awake. Sasakit siguro ang ulo ko sakaling ikasal na sila, they are both pain in the ass. Baka pati mga anak nila, mamana ang pag-uugali nilang dalawa. Paano na lang 'pag naging mafia boss na si Dorian at ako ang Consigliere niya? Mamamatay ako dahil sa stress." Mahina siyang tumawa at hinigpitan ang yakap sa 'kin.

"That's why I'm hoping that someday, you'll be with me," huling sabi niya bago tuluyang pumikit at matulog. I'm not sure if I can be with you in the future, Gavin. But I'll try to.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now