Minsan na rin akong nakapagnakaw ng halik sa pisngi niya habang tinuturuan niya akong mag-solve ng problem. Nainis pa nga siya sa 'kin no'n at hindi ako pinansin ng ilang araw, parang bata lang.

"Today is the end of your classes inside the classroom. The officials allowed all the students to go home and have a 3 days vacation. Next week, we'll start our 8 months of physical training. I hope all of you will comeback and finish all your training," sabi ni Commandant Vessero sa harapan namin.

"Attention! You're all dismissed. See you next week," dagdag nito at umalis na. Kanya-kanya na rin kaming pumunta sa mga dorm rooms namin at nagligpit ng ibang gamit.

"Bye, Kitkit," naka-pout na sabi ni Danica. Sa ilang buwan naming magkakasama ay naging close na kaming dalawa. Naging close din namin ang apat pang babae rito sa loob ng academy.

"Tatlong araw lang naman tayong maghihiwalay, ah?" tanong ko rito.

"Hindi mo ba alam? Pagbalik natin, iba-iba na ang kasama natin sa rooms. Is-shuffle na nila tayong anim." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam 'yon, ah?

"Ba't 'di ko alam 'yan? Pati sa boys din?" tanong ko at tumango naman siya.

"Hindi mo alam kasi busy ka sa paglandi kay Cornelius. Akala mo 'di ko alam na china-chansingan mo si Gavin, ha?" Napatawa na lang ako sa sinabi niya.

"Alam mo namang likas na ang pagiging malandi ko kay Cornelius." Dahil sa sinabi ko ay sabay kaming tumawa.

Pagkatapos naming magligpit ay sabay na kaming bumaba. Kasabay rin namin ang apat pa na si Florence, Sachie, Yanna, at Jackie. Mababait naman silang lahat at nage-excel din sila sa klase. Ang tatalino nga nilang apat, hindi na kataka-takang pumasa sila sa entrance exam ng academy.

"Sabay-sabay na kaya tayong umuwi?" tanong ko sa kanilang lima.

"'Wag na, may mga naghihintay na sa 'yo," sabi ni Florence at tinuro sina Gavin gamit ang kaniyang nguso.

"Oo nga pala, napag-usapan namin na sabay kaming uuwi." Agad akong nagpaalam sa kanilang lima at dumiretso sa kinaroroonan ng tatlo.

"Ang bagal mo talaga, Menken," masungit na sabi ni Warner.

"Manahimik ka, Godfrey. Pare-pareho lang tayong makikisakay rito," sabi ko at naunang maglakad. Kailangan kong mauna kasi kailangang ako ang nasa front-seat.

Paglabas namin ay nasa harap na ang sasakyan ni Gavin, agad naman akong pumasok matapos patunugin ni Gavin ang sasakyan.

"Ba't ka ba nagmamadali, Kitty?" tanong ni Drey. Wala siyang paki kung nagmamadali ako.

"Na-miss ko sina Mom and Dad," palusot ko.

Pinaandar na ni Gavin ang kaniyang sasakyan at unang hinatid ang dalawa. Sa sobrang bored ko sa byahe ay nakatulog ako. Nang magising ako ay nasa harapan na kami ng bahay namin.

"Kanina pa tayo dumating? Why didn't you wake me up," tanong ko kay Cornelius.

"I tried, pero tulog mantika ka," sabi nito at pinunasan ang pisngi ko. Sandali... tumulo ang laway ko? Tang*na, nakakahiya.

Agad kong tinabunan ang mukha ko gamit ang mahaba kong buhok sa sobrang pagkahiya. Mahina namang tumawa si Cornelius at nilagay ang panyo sa bulsa niya.

"Akin na panyo mo, may laway na 'yon. Palitan ko na lang," sabi ko ngunit hindi ako pinansin nito at kinalas lang ang seatbelt ko.

"Pumasok ka na," ani nito.

"Akin na muna 'yon." Umiling siya at lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Pumasok ka na sa loob," maikling sabi nito kaya wala akong nagawa kun'di lumabas ng sasakyan.

"Pasok na ako," sabi ko at ngumiti. Maliit na ngumiti siya pabalik at tumango. May improvement na talaga paglalandi ko kay Cornelius. At paano ko ginawa 'yon? Simple lang, ginayuma ko lang naman siya gamit ang laway ko. Kadiri.

"Mom, Dad! I'm home," sigaw ko pagpasok ko sa loob ng bahay.

"Darling, you're home. I missed you so much," salubong ni Mom sa 'kin, sa likod niya ay si Dad na nakangiti rin sa pag-uwi ko. "How many days are you going to stay?" tanong nito.

"3 days, Mom," sabi ko at hinalikan sila ni Dad sa pisngi.

"Bawal kang lumabas ng dalawang araw! Kailangan ay dito ka muna kasama namin. Sa last day ka na makipagkita kina Helen," ani ni Mom na ikinatawa ko.

"Okay, Mom."

[INSTAGRAM UPDATE]

6,650 likesGorgeous

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

6,650 likes
Gorgeous.Kitten 🦋✨ It has been months since I last posted.
View all 980 comments
callme_obri You're on vacation? Let's have a night out, we miss you.
caren.tan The b*tch has new tats... @helen.Adarna

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now