Nilabas niya 'yong sirang tela na mukhang mula sa mamahaling coat. Sunog na ang kabuohan nito at konti na lang ang natira. May litatro na nilabas ng mga imbitado noong gabing iyon, kita roon ang suot na formal attire ni Kuya Axel, kasingtulad sa piraso ng sunog na coat na bitbit bilang ebidensya.

"Ano po sa tingin niyo ang motibo niya para gawin 'yon?" I tried to compose myself, taking a deep breath. 

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya, tila ba nalulungkot. Mahina siyang napabuntong hininga bago muling tumingin sa'kin.

"Mabait na bata si Axel, responsable at matalino." pagkukwento niya. "Tumutulong siya sa mga kapwa niya interns sa tuwing may hindi sila naiintindihan sa operasyon sa barko."

I felt a pain inside my heart. Memories of Kuya Axel flashed inside my head. His gentle smile and the way he makes a joke just to make everything lighter. He's very friendly and approachable. He's a very soft-hearted person.

"Nakausap ko siya noon bilang isa ako sa mga naghandle ng mga interns sa Navis." aniya. "Nalaman kong hindi niya pala gusto maging isang kapitan ng barko pero ayaw niyang maging disappointment sa mga magulang niya. Pinilit niya pa rin tahakin kahit na hindi siya masaya."

Umawang ang labi ko sa narinig ko. But I remember him being passionate about it. Kinukwento niya pa nga ang mga nangyayari sa internship niya sa Navis sa amin. At tinuturuan niya pa ako noon sa tuwing gumagana ang kuryosidad ko sa mga barko.

"Sa totoo lang, ija, hindi ko alam kung bakit o paano umabot sa ganito." he honestly said. "Pero lahat ng mga nakuhang ebidensya ay sa kanya nakaturo." 

I bit my tongue, trying so hard not to get emotional. Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa mga gamit na nilatag niya sa may table.

"Balak ko sanang ibigay sa iyo ito noon," tukoy niya sa mga natirang kagamitan ni Kuya Axel. "Kaso noong nakita kita matapos ang trahedyang iyon, miserable at halos hindi magsalita, natakot ako na baka muling manumbalik sa iyo ang sakit ng nangyari." 

Hindi ko nakapagsalita at naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko. Bago pa ako maiyak ay agad na pinunasan ko ito. Huminga ako ng malalim at ngumiti. 

"May balita po ba tungkol kay Draisen?" pagbabago ko sa usapan.

That information was enough for me, I don't think I could keep calm if we talk about it further. Sapat na iyon at alam kong magagamit namin iyon bilang depensa sa Navis at kay Draisen.

"I made contact with their lawyers. I told him that we could provide further evidence that they could use. I also told them that you could be used as a witness for someone who worked for Navis for years." paliwanag niya. "Mas makakatulong dahil nagtrabaho ka sa maintenance at naka-assign sa mismong office ng CEO."

Tumango ako sa sinabi niya. "Sa tingin niyo po ba makakatulong ito?" 

"Hopefully," he smiled. 

"Maraming salamat po sa tulong niya, Captain Burgos." 

Lumipas ang dalawang araw na naghintay ako sa kahit anong balita. I know it would be a long process since we're doing it privately. At kung makaabot man ito kay Draisen, hindi ko alam kung papayag siyang gamitin ako o ang ebidensya na meron kami. 

It was tiring yet I want to do something about it. Nakikipagkita ako kay Captain Burgos sa tuwing may kailangang gawin dahil handa akong tumulong sa kahit na ano. The issue dissipates somehow but I heard the news from Captain Burgos that there would be an initial hearing to formally discuss the incident. 

"It would be held on Saturday," balita sa akin ni Captain Burgos. "I will pick you up, just send me the location. You will serve as a witness."

Iyon ang sabi sa akin ni Cap sa huling pagkikita namin. I was nervous since it will happen in three days. Hindi ko alam kung anong kalalabasan ng plano namin pero gusto kong maniwala na kahit papaano ay makakatulong iyon para malinis ang pangalan ng mga Velarde lalo na't tungkol sa insidenteng iyon.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora