Chapter 13

11.4K 431 83
                                    

"SAPPHIRA Audrey Mendez..." dinig kong tawag sa pangalan ko. Agad akong tumayo at umakyat sa stage para tanggapin ang aking diploma. Sa wakas nakapagtapos na rin kami ni Daniella.

Kung sana buhay pa ang mga magulang ko, sila ang kasama kong tumanggap nitong aking diploma. Gayunpaman alam kong masaya sila na tinupad ko ang matagal na nilang pangarap para sa akin.

Today is our graduation day, pero hindi lubos ang aking kasiyahan dahil hindi umabot si Derick ngayong araw. Isa ito sa pinaka-espesyal na araw sa buhay ko pero wala na akong magagawa dahil hindi siya umabot.

Tatlong linggo na siyang nasa ibang bansa. Sabi nito sa akin 'nong mag-paalam siya na may business conference siyang kailangang daluhan.

Hindi naman siya maaaring tumanggi dahil naayos na lahat ng kapatid niya. Isang malaking kawalan sa negosyo nila kung hindi siya dumalo roon.

I told him the other day that today will be our commencement day. He said to me that he'll try his best to come today but, I guess hindi kinaya ng schedule niya.

Nakakalungkot man pero wala akong magawa. May mga obligasyon din siyang dapat gampanan sa kompanya at sa pamilya niya.

"Congratulations BFF!" mahigpit akong niyakap ni Daniella." I'm so proud of you Sapphira, kung hindi dahil sayo siguro hindi rin ako makakapagtapos. Salamat sa pagtitiyaga mo sa akin Saph, salamat at hindi mo ako sinukuan kahit alam kong hirap na hirap ka na rin." naluluhang sabi ni Dani sa akin.

"Hindi ako sumuko dahil alam kong kakayanin ko dahil nandyan ka Dani. Handa akong tulungan ka dahil ikaw lang ang tumulong sa akin 'nong walang-wala ako. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin na mahalaga ako, na kaya kong tuparin ang mga pangarap ko." Napaiyak na rin ako habang mahigpit din na nakayakap kay Dani.

I'm so happy that I have Daniella. With her, I found true friendship. Sa kanya ko rin naramdaman na may pamilya ako. I treated her like a sister 'coz that's what I feel for her. With her I find my comfort. Kaya ako nagsisikap dahil gusto kong sabay naming maaabot ang mga pangarap naming dalawa. She's the best bestfriend I ever had.

"Congrats at salamat din sayo Dani. Isa ka sa naging inspirasyon ko. Salamat at hindi mo ako iniwan 'nong lahat ay tinalikuran ako. Salamat sa pagturing mo sa aking kapamilya. Kaunti na lang matutupad na natin ang ating mga pangarap Dan, 'wag kang bibitaw malapit na tayo!" punong-puno na ng luha ang aming mga mukha. Pero ngayon luha ito ng kaligayahan. Konting tiis nalang at malapit na naming matupad lahat ng mga pangarap namin.

"Oo Saph, tutuparin pa natin ang ating mga pangarap, kaunti na lang maabot na natin 'to!"

"Congratulations Saph!" I heard Sebastian's baritone voice behind me. Agad akong lumingon sa kanya at nakita ko ang nakangiting mukha ng aking kaibigan. Ang dalawang kamay niya ay nakalahad para yakapin ako.

Agad naman akong lumapit sa kanya at sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap.

"I'm so proud of you Saph." Masuyo nitong sabi sa akin kaya hindi ko maiwasang maging emosyonal. "Masaya ako na malapit mo nang matupad ang matagal mo nang minimithi Saph, you're almost there..."

Hindi ko napigilang mapahikbi. Ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Seb. Alam kong totoong masaya ito para sa akin. Saksi siya kung gaano kaming dalawa ni Daniella nag-sumikap para maabot namin 'to.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa aking likod kaya lalo akong napaiyak. Naalala ko tuloy si Derick. Kung sana nandito siya, magiging buong-buo ang kasiyahan ko.

Matapos kong mahimasmasan, bumitaw ako sa pagkakayakap niya. Masuyo niya pang pinunasan ang mga luha sa aking mukha.

"Thanks Seb! Congrats din sa'yo!" nakangiti kong bati sa kanya. His black eyes glistened. Ngumiti ito sa akin.

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now