Chapter 14

11.2K 431 59
                                    


MADALING-araw na ng magpaalam kami ni Dani kay Seb na uuwi na kami sa boarding house namin. Noong una, ayaw pa kaming payagan nitong umuwi pero napilit din namin ito.

Nakakahiya naman kung dito pa kami magpapalipas ng gabi sa kanila. Marami rin kasi silang bisita at ayoko nang dumagdag pa sa mga alalahanin niya. Tama nang nagkasama kaming tatlo ngayong araw.

Sinabi kong magta-taxi na lang kami dahil nga madaling-araw na. But he insisted to drop us dahil wala raw siyang tiwala sa kahit kanino lalo na't parehas pa kaming babae ni Daniella.

Wala na rin kaming nagawa ni Daniella kundi ang pumayag na lang sa gusto niya dahil kung hindi, baka magsusumbong pa ito sa Mommy niya. Mas nakakahiya naman kung pati ito aayawan pa namin.

Tahimik kaming tatlo habang nasa byahe pauwi. Wala ni isang nangahas na buksan kung ano ang nangyari kanina. Alam kong hinahayaan lamang nila ako ngayon pero sa mga sumunod na araw kukulitin ako ng mga ito.

Ipinagpasalamat ko na lang rin at hindi nila ako pinilit na magsalita simula kanina pagkatapos kong mag-breakdown. Pilit nila akong pinapasaya kahit alam kong dinadamdam din nila ang nangyari sa akin.

I'm grateful that I have these kinds of friends. Swerte ako at nakasama ko sila dahil kung hindi baka hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari sa akin kanina.

Bago kami makarating sa tapat ng boarding house namin napansin ko ang pamilyar na sasakyan na naka-park sa tapat nito. Alam kong nakita rin ito ni Seb.

Lumingon ako sa kanya at napansin ko ang mahinang pagmumura nito. Napahigpit din ang hawak niya sa manibela at biglang naging matapang ang anyo.

"Gusto mo bang ibalik ko na lang kayo sa bahay?" seryosong tanong nito sa amin nang huminto na kami sa tapat.

Umiling ako sa kanya, hindi dahil excited akong kausapin si Derick na ngayon ay matapang na rin nakatingin sa sasakyan ni Sebastian, kundi dahil sa gusto ko ng magpahinga. Pagod na pagod na ako, hindi lang pisikal pati na rin emosyonal. My supposed to be happiest day turns out to be my worst.

Ang lupit naman ng tadhana oh? Sinadya pa talaga nito sa araw ng graduation ko. Galing talaga nitong tumayming!

Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla akong pinigilan ni Seb. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. Na-guilty tuloy ako dahil kahit hindi nila sabihin sa akin ni Dani alam kong naapektuhan silang dalawa sa nangyari sa akin ngayong araw.

I smiled at him, 'yong ngiting hindi man lang umabot sa aking mga mata.

"I'll be okay Seb. Magpahinga na tayo. It's already late." I said trying to sound casual but deep inside naiiyak na naman ako. I'm so tired and drained. Enough for tonight, bukas naman ulit kung pwede lang?

He heaved a deep sigh bago ako niyakap ng mahigpit. We stayed like that for a while and somehow nabawasan nito ang bigat na dinadala ko. Ginulo muna nito ang buhok ko at mabilis itong lumabas sa sasakyan niya at pinagbuksan kami ng pinto ni Daniella.

He's really a gentleman, not only to me but also to Dani. He always treats us special. Sobrang ma-respesto at maalaga ito sa aming dalawa. Napaka-swerte ng sinumang babaeng maiibigan ni Seb. Ipagdarasal ko na kung sino man ang babaeng mamahalin niya ay mahalin din nito ng lubos ang kaibigan namin. He deserved to be loved.

"Take care Seb... and thank you for everything."

Niyakap muna ako nito bago nagpaalam sa amin ni Daniella na aalis na siya. Pinanood muna namin ni Dani na makaalis si Seb bago kami naglakad papasok.

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now