Chapter 5

13.8K 508 75
                                    

KINAKABAHAN ako habang palabas ng university, ngayon kasi ang napag-usapan naming araw na susunduin ako ni Derick dito sa university para maglinis sa condo niya.

Hindi nakasama sa akin si Dani ngayon dahil ni-rekomenda kami ni Mrs. Robles doon sa anak ng kumare niya. Sayang din naman kung hindi puntahan ni Dani kaya napilitan kaming maghiwalay ngayon.

Babae ang anak ng kumare ni Mrs. Robles kaya hindi rin ako masyadong nangamba para kay Dani tsaka itong si Derick naman nakilala na namin ni Dani so okay lang na ako mag-isang maglilinis sa unit niya.

"Saph, wait..." humahangos si Seb habang humahabol sa akin.

Tiyak magagalit na naman 'to kapag nalaman niyang maglilinis ako ng bahay ng ibang tao na mag-isa. What should I do now? Ayaw ko rin naman mag-sinungaling sa kanya. Bahala na nga.

"O Seb, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.

Sa pagkakaalam ko kasi may klase pa siya kaya nagtataka ako at hinahabol ako nito ngayon.

"May klase pa ako, ibibigay ko lang ito sayo." Aniya sabay pakita sa akin ang paperbag na dala niya. "I bought these for you."

Tiningnan ko ang inabot niya sa akin. Cookies at macaroons ang laman nito, mga paborito kong pagkain.

"Thanks Sebastian, nag-abala ka pa, sana bukas mo na lang ito iniabot baka mahuli ka pa sa klase mo."

"Nah. I need to give it to you kasi mas masarap 'yan kapag bagong bake."

That's so sweet. Nag-effort pa talaga 'tong kaibigan ko.

"By the way where are you going? Bakit 'di mo kasama si Dani?"

"Ah may lilinisan lang kaming bahay Seb, nauna na si Dani." Hindi ko na lang binanggit na magka-ibang bahay ang lilinisan namin tiyak na hahaba pa ang usapan namin baka mas ma-late pa siya sa subject niya.

"Sige na Seb, bumalik ka na sa klase mo. Salamat ulit dito sa bigay mo ha. Kailangan ko na rin umalis."

Pagpaalam ko sa kanya dahil nakakahiya naman kay Derick, baka kanina pa ito naghihintay sa labas ng gate. Gusto pa nga sana akong sunduin nito sa loob ng campus pero tinanggihan ko, ayaw kong magka-issue dito sa university.

"Ingat ka Saph. Kainin mo yang binigay ko ha? Call me when you're done, okay?" Tumango lang ako sa kanya saka kumaway. Seb is such a nice guy. Kung sa ibang tao siguro to matagal nang pinagsamantalahana ang kabaitan niya. Pero kami ni Dani, genuine friendship yung habol namin sa kanya.

Hawak ang paper bag na bigay ni Seb sa akin nagmamadali akong maglakad papunta sa gate. Malayo palang kita ko na siya.

He is standing in the hood of his car. Posing effortlessly like a model. Hindi maiwasang mapapalingon ang mga estudyante sa gawi niya.

He's wearing plain white shirt paired with khaki shorts and white sneakers. Hindi naitago ng sumbrerong suot niya ang kanyang mukha bagkus higit pa itong dumagdag sa kagwapuhan niya.

My ghad what am I thinking? Erase that thought Sapphira! Maglilinis ka lang ng condo niya, period.

Napagawi ang tingin niya sa akin at agad itong umayos ng tayo at sinalubong ako.

"Hello Sapphira! How's your day?" bati niya sa akin sabay kuha ng bag ko. Nag-aalangan pa akong ibigay ito sa kanya pero parang balewala lang sa kanyang kinuha ito sa balikat ko.

"Hi! Okay lang po ako." But I stopped when I saw him frowning. Tama! Ayaw niya pala ng pino-po ko siya. " I mean okay lang ako,Derick." Nahihiya kong sabi. Parang hindi ata ako masasanay na hindi mag-'po' sa kanya at tawagin lang siya sa pangalan niya.

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now