Chapter 11

11.3K 414 80
                                    


TAHIMIK kaming dalawa habang nasa loob ng kanyang sasakayan. Tunog lang ng aming mga paghinga ang tanging maririnig. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin dalawa pero wala ni isang nangahas magsalita.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at halos mamuti na ang kamao niya sa sobrang higpit na pagkahawak niya rito. Ang tapang ng kanyang anyo habang diretso lang ang tingin nito sa kalsadang dinaraanan namin.

Pero wala akong pakialam, kung galit siya pwes mas galit ako sa kanya!

I'm so furious and I couldn't contain my anger now. Gusto ko siyang sigawan at murahin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko at baka ma-disgrasya pa kaming dalawa. How dare him na paglaruan ako? May pa-promise-promise pa siyang nalalaman!

I'm living a peaceful life tapos bigla lang siyang dumating para ano, guluhin ako? Kabago-bago pa lang ng relasyon namin tapos ngayon pinaglalaruan niya na ako?

I don't give a damn kahit gaano ko pa siya ka mahal. I can't allow him to play with my emotions.

"Tang ina!" narinig kong mura niya. Tang ina mo rin, gusto kong isigaw sa mukha niya pero di ko ginawa. Hindi ko siya hahayaang makitang apektado ako sa kanya.

Pagdating namin sa condo niya agad akong dumiretso sa kanyang silid at ini-lock ko ito.

Gago siya, walang ginawang masama ang kaibigan ko pero bigla niya na lang itong sinuntok!

Kung makaasta siya akala niya wala siyang kasalanan sa akin. Ni hindi niya nga nagawang tawagan ako simula kagabi.

Bwesit na bwesit ako simula pa kagabi, dinagdagan pa ito kaninang umaga ni Kathiana. Akala ko hanggang doon na lang pero hindi pa pala ito natapos dahil dumagdag pa siya. Kailan ba matatapos ang problema ko?

Tang ina ninyong lahat. Wala kayong karapatan na saktan ako. Naikuyom ko ang aking kamao dahil nagpupuyos na ako sa galit.

But before I could utter another curse narinig kong malakas niyang pagtawag sa pangalan ko. I remained silent and pretended that I didn't hear him.

Kung hindi niya ako pauuwiin sa boarding house ko hindi ko rin siya kikubuin!

Palakas nang palakas ang boses niya habang tumatawag sa akin. Kinakalampag na rin niya ang pintuan ng kanyang silid. Ramdam kong konti na lang at mauubusan na siya ng pasensiya.

"It's not what you think Love... Please, let me explain."

Explain!? Ngayon lang siya mag-e-explain sana kagabi pa o kahit kaninang umaga. Hindi 'yong bigla na lang siyang magpapakita at manakit sa kaibigan ko.

Hindi ako sumagot sa kanya, galit pa rin ako sa nangyari kagabi at sa ginawa niya sa kaibigan ko kanina.

"Love, please... I swear kapag hindi mo binuksan 'tong pinto, sisirain ko ito."

Sirain mo gago ka, wala akong pakialam! Gusto ko isigaw pero nanatili akong tahimik dito sa loob.

"Sapphira Audrey Mendez, please pakinggan mo muna ako, Love." tawag nito sa buong pangalan ko. Wala bang spare key itong kwarto niya at sobra siya kung makangawa riyan sa labas?

Muli niyang kinalampag ang pinto, this time sobrang lakas na nito.

Lintek ka talaga Derick talagang sinasagad mo ang pasensiya ko.

"Love please... Open this damn door! Pag-usapan natin 'to. Hear me first Love!" mas lalo pa nitong nilakasan ang paggalaw sa door knob.

Ayaw ko naman makasira ng gamit dito sa loob ng condo niya kaya napilitan akong buksan ito.

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now