Chapter 17

11.9K 404 155
                                    

"Uhm Engineer, I forgot to tell you, hindi pala si Architect Villegas and dumating. Biglaan daw itong nagkasakit. Nasa hospital pa daw po---" I raised my hand to stop her. 

Biglang uminit ang ulo ko. How unprofessional...sila yung gustong makipag-set nang meeting sa akin tapos ngayon hindi ako sisiputin.

What the hell...

Walang gumagawa sa akin nang ganito. As I've said my time is precious, pasalamat na lang sila at pinaunlakan ko pa ang request nila. Kung nagkataong mainit ang ulo ko kagabi wala akong pakialam kung walang magrerepresent kay Daniella ngayon.

Masungit kong tiningnan si Ana. Nakita kong naiiyak na ito sa takot. I know she's the bread winner of their family, kaya alam kong takot itong magkamali sa akin at baka sisantihin ko siya.

"Engineer, instead of Architect Villegas and his team their CEO came in his behalf."

Napataas ang kilay ko. Wow! This Villegas must be someone, coz if not, hindi pupunta dito ang CEO nila.Dahil sa sinabi niyang pinalitan ito nang CEO medyo kumalma ako.

"I don't want this to happen again Ana. This will be your last, kapag naulit pa ito magbalot-balot kana." Mabuti na ring maliwanag sa kanya na ayaw ko na itong maulit.

Tumango ito sa akin bago yumuko. Alam kong hindi niya kasalanang hindi dumating ang Villegas na yon, pero hindi ako masaya na binibigla na lang ako nang ganito.

Hindi ko na siya tinanong kung sino ang CEO na sinasabi niya, dumiritso na ako sa meeting room, baka kasi kapag nagtagal pa ako mas iinit lang ang ulo ko.

Ayaw ko namang ibuntong kay Ana ang galit ko. Tama na yong alam niyang hindi ako masaya at ayaw ko itong maulit pa.

My heels make sounds as I walked towards the meeting room. Tanging tunog lang mula sa takong ko ang maririnig na ingay dito.

I straighten my dress and fixed my hair bago ko binuksan ang pinto. As soon as I get in, a familiar scent filled my nose. Sobrang bango nito na halos sakupin nang amoy nito ang buong conference room. I saw a man wearing black suit sitting so confidently. Even thought his back is facing me, this man's aura screams danger.

Biglang tumahip ang aking dibdib. His built is familiar.

I took a deep breath bago ako nagsalita. Hindi ako pwedeng magpa-intimidate sa kanya...not in my company.

"Excuse me..." I said in a serious voice.

Pumihit ito paharap sa akin. I almost gasped when I saw his face. His keen but pleasant gray eyes is looking at me relentlessly and cold. His thick and bushy eyebrows and prominent and well defined jaw reminds me of someone. I managed to show him my impassive look.

Agad itong lumapit sa akin nang makabawi at inilahad nito ang kanyang kamay para batiin ako.

"Van Hendrick Valderama, CEO- Valderama Construction and Land Development Corp. and Companies. My apologies for Architect Villegas and his team for not coming today." he said in baritone voice.

So this Villegas is connected with this brute in front of me now. What a small world.

Tinanggap ko ang kamay niya, but I pretended that his family name is not familiar to me. Matagal ko nang kinalimutan ang apilyedong yan. Naramdaman kong bahagyanghumigpit ang pagkakapisil niya sa kamay ko kaya napataas ang kilay ko sa kanya.

"Engineer Sapphira Audrey Ortega...Mendez" ayaw ko sanang idugtong ang apilyedo ko pero nakapagsdesisyon na ako kagabi. I have to start from now on..."Owner and CEO of  Ortega Contracting Company."

He doesn't look intimidated nakita ko pa ang pinipigilang ngisi nito. Para lang itong nakikipag-usap sa isang kakilala. Seriously? CEO ba talaga itong kaharap ko?

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now