Chapter 20

15.3K 511 79
                                    

I survived that day feeling so tired and devastated.

Hindi ako iniwan ni Seb at Dani simula pa kahapon,  hanggang sa nakatuluguan ko na lang ang sobrang pagod. Pilit kong pinapatatag ang aking sarili. Sa tuwing magsisimula ang utak kong alalahanin ang nangyari ay pilit ko itong winawaksi pero pilit itong nagsusumiksik sa aking isipan.

Pagod na pagod na ang isip at puso ko. Nanghihina na ang aking katawan, sinusubukan kong maging manhid pero sa huli para parin akong batang ayaw tumigil sa kakaiyak.

Ang sakit na aking naramdaman ay sobrang-sobra. It's too much that I literally feel my heart is breaking inside. Para na akong nasusuka at bumabaligtad na ang aking sikmura.Pakiramdam ko mabibiyak na ang aking ulo sa sobrang pag-iisip.

Ang saya talagang makipaglaro sa akin nang tadhana. Hinayaan lamang nitong talikuran ako nang taong nangakong hindi ako iiwan. He never just leave but he abandoned me. Maybe I'm destined to be alone. It's destiny's way to let me know that I don't deserve to be loved. My destiny is to be left, played and taken for granted.

Sabagay sino ba naman ako. Sarili ko ngang kamag-anak tinalikuran at kinalimutan ako, na para akong basurang itinapon na lang kung saan-saan. Mabuti pa nga ang hayop may kakayahan pa itong alagaan ang mga anak nila.Pero ako wala, walang gustong magmahal at mag-alaga sa akin. Ano bang kamalasan itong dumating sa buhay ko? 

Hindi na ako magtataka kung balang araw wala nang matitira sa akin. Kung lahat lalayo sa akin. Who values my worth anyway, wala naman diba?

Bukas board exam na namin. Ayaw kong disturbuhin si Daniella pero hindi maiwasan dahil oras-oras akong kinakamusta nito. Nahihiya na ako sa kanilang dalawa ni Sebastian. Kahit hindi sila magsasalita alam kung dinadamdam din nila ang nangyari sa akin.

Kaninang umaga maaga akong nagising dahil parang bumabaliktad ang aking sikmura. Hindi pa rin ako kumakain nang maayos hanggang ngayon. Minsan sumasakit pa ang puson ko pero hindi ko ito pinapansin.

Tahimik akong nakaupo dito sa gilid nang bintana sa kwarto ko habang nakatanaw ako sa labas. Ang daming batang naglalaro at naghahabulan sa daan. Naalala ko noong buhay pa ang mga magulang ko. Hinahayaan lamang nila akong maglaro sa labas hanggang sa mapagod ako. Naalala ko ang buhay ko noon na puno nang pag-asa at pagmamahal.

Kagabi napanaginipan ko si Mama at Papa. Kitang kita ko ang luha sa kanilang mga mata. Ang lungkot nang kanilang mga mukha habang nakatingin sila sa akin. Alam kong nakabantay sila sa akin ngayon. Aayusin ko po ang buhay ko mama,papa. Papatunayan ko sa lahat na kayang kong bumangon. Tutuparin ko pa ang lahat nang mga pangarap natin. Magtatagumpay pa po ako.

"Saph..." dinig kong tawag ni Dani sa akin. Hindi na ako sumagot dahil nakita ko ang pagpihit nang seradura.

"Kain ka muna Saph...Kailangan mong bumawi. Kailangan mong magpalakas." pilit pinipigilan ni Dani ang mga luha niya pero nakita kong nag-uunahan na ito. 

Niyakap ko siya nang mahigpit...sobrang higpit na parang humihingi ako nang lakas sa kanya. 

"K-kaya natin to S-saph..w-wag kang susuko, a-andito lang kami para s-sayo."putol-putol nitong sabi.

"S-salamat Dani..."

Namalayan kong may isang bisig pa na bumalot sa akin mula sa aking likuran. Pumasok din pala si Sebastian para damayan ako. Nag-iyakan kaming tatlo, hinayaan nila akong ibuhos ang lahat nang sakit na aking naramdaman.


*******

Pangalawa at huling araw na nang exam namin, pagkatapos nito maghihintay na lang kami nang resulta. Mahirap, sobrang hirap nang mga katanungan pero laking pasalamat ko at nasagot ko ang lahat. Nagkataon na halos kapareho ito nang mga inaral kong tanong.

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now