Chapter 3

15.2K 584 97
                                    

"Hoy Sebastian! Tigil-tigilan mo nga 'yang bestfriend ko. 'Pag kami hindi nakapag-submit ng plates bugbog ka sa akin!" pagtataray ni Dani sa kaibigan naming architecture student na kanina pa nangungulit sa akin.

Noong lumipat kami ni Dani dito sa University, siya ang unang naging close naming dalawa. Nababaitan kami dito kaya kinaibigan namin ni Daniella. Magti-third year kami ni Dani noong lumipat kami dito sa siyudad. Parehas kasi kaming dalawa mataas ang pangarap. Maganda naman 'yong paaralan namin sa isla kaso naisip naming mas maraming oportunidad dito sa city tsaka mas marami kaming mapagkakakitaan ni Dani dito. May pang-tustos kami sa aming pag-aaral.

Si Seb ang nagsilbing guide namin ni Dani noong bagong salta pa lang kami dito, kaya naging malapit kami sa kanya. Kahit mayaman ito, hindi ito kailaman nagyabang sa estado ng pamumuhay nila sa amin. Imagine, mag-ta-tatlong taon na rin pala ang pagkakaibigan namin. Good thing, parehas pa kaming tatlo na graduating this year.

"Daniella para kang lalaki kung makaasta ah. Maton ka ba? Hindi naman ikaw ang kinukulit ko ba't ka nakikialam d'yan?" Napipikong sagot nito kay Dani.

Palaging ganito ang eksena sa pagitan ni Seb at Dani. Minsan tinutukso ko nga na baka sila ang magkakatuluyan.

Kaming tatlo ang laging magkasama, kulang na lang mag-shift ng kurso 'tong si Seb kakabuntot sa amin ni Dani. Ako nga raw kasi ang girl best friend niya pero dahil package kami ni Dani kaya kaming tatlo ang laging magkakasama.

Hinayaan ko silang dalawang mag-away at magkulitan. Ang dami ko pang tatapusing plates. May kulang pa ako sa design ng bahay na project namin at kailangan tapusin ko pa ang plano mamaya sa autocad.

"Ano ba kasing ginagawa mo Saph? Kanina ka pa hindi namamansin ah?" Tanong ni Seb sa akin sabay silip sa plates na aking ginagawa.

"Para sa subject ni Sir Dumagan, CE515 Construction Methods, Plans and Estimates. Kailangan matapos ko na to para ma-i-submit ko na sa kanya. Bawal ang late do'n kaya minamadali ko nang tapusin 'to."

"Do you want me to help you? Bigay mo sa akin ang iba at ako na ang gagawa." offer nito sa akin. Lumingon ako sa kanya, tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiti bago umiling. He's always like that, laging willing tumulong sa aming dalawa ni Dani.

Matalino si Seb, nangunguna rin siya sa klase nila. Minsan kung may mga tanong na nahihirapan akong sagutin nagpapatulong din ako sa kanya.

"Thank you Sebby! Wag na kaya ko na 'to, si Dani na lang tulungan mo."

"Wag na Sebastian, libre mo na lang kami ng meryenda ni Saph." Mabilis nitong sabat ng hindi nakatingin. "Bumili ka muna do'n sa canteen kanina pa hindi kumakain 'yan si Sapphira. Gusto yatang magpakabaliw d'yan sa plates niya." litanya nito at patuloy lang sa ginagawa niyang plates.

Oo nga pala. Tama si Dani, kanani pa walang laman ang tiyan ko. Napatigil ako saglit dahil nakaramdam ako ng gutom. Kanina pang alas-onse ang huling kain ko. Alas kwatro na at hindi ko man lang napansin ang oras sa sobrang dami ng trabaho. Kaya pala kumakalam ang sikmura ko.

"And why is that Sapphira Audrey? Anong balak mo bakit hindi ka pa kumakain?" seryosong tanong nito sa akin. At kapag tinatawag ako nito sa buong pangalan ko, alam kong hindi na maganda ang mood nito. He always reminds me and Dani na kumain ng wasto at dapat sa tamang oras.

Kaming dalawa kasi nitong kaibigan ko makapag-noodles lang, okay na. Swak na sa amin 'yon, minsan kape nga lang at tinapay okay na, lalo na 'pag gipit kaming dalawa. Alam mo na, buhay estudyante na sariling sikap. Buti sana kung palaging marami ang raket naming dalawa ni Dani.

Lalo na ngayong marami na rin ang nagbebenta online. Yung mga suki na lang namin ang regular naming customers. Minsan hindi rin kami makakapag-sideline sa palengke kasi nga maraming plates na dapat tapusin ngayong graduating na kami.

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now