Chapter 9

10.7K 382 79
                                    

PAPALABAS na ako sa boarding house nang biglang tumunog ang aking cellphone. When I checked my phone, it was Derick who's calling me. Napahinto ako sa aking paghakbang at sinagot ko muna ang tawag niya.

"Hello?" abot kaba ang aking nadarama dahil baka ang babaeng nakasagot kanina ang tumatawag sa akin.

"Love, nasaan ka?" napapaos pa ang boses nito sa kabilang linya at mukhang kakagising lang niya. Hindi muna ako sumagot, nanatili akong tahimik at pinapakinggan baka sakaling may marining akong magsalita sa tabi niya.

"Love? Still there?" sabi nito nang wala itong marinig na sagot mula sa akin. Hindi pa rin mapalagay ang utak ko sa boses na narinig ko kanina.

"Yes." mahina kong sagot sa kanya.

"Pasensiya ka na Love kung hindi ko nasagot ang text at tawag mo kanina. Sobrang busy ko kasi sa opisina ngayong araw Love. Ang dami kong plans na ni-review, alam mo naman si Kuya hindi ako titigilan kung hindi ko matapos lahat." Dinig ko pang humikab ito.

He must be really tired, dama ko ang pagod sa boses niya. I know how strict his brother pagdating sa trabaho. Ilang beses niya na itong nabanggit sa akin. Kapag oras ng trabaho dapat seryosohin dahil nagagalit ang kapatid niya. Bigla akong nakadama ng hiya, pinag-isipan ko siya ng masama.

Pero sino yung babaeng sumagot kanina? Hindi naman siguro ako nagkamali ng dinig diba?

"Nasaan ka ngayon? Okay ka lang ba?"

"Nasa condo ako, Love. Yeah, I'm fine, napagod lang ako kanina. Ang dami ko kasi talagang tinapos na trabaho. May hinahabol kaming deadline at bukas ng umaga kailangan ni Kuya mapirmahan lahat."

Kawawa naman, alam ko kasing pressured ito sa nakatatandang kapatid niya. At saka gusto rin nitong patunayan sa mga magulang niya na kaya niya rin pamunuan ang ibang branch nila kaya nagpapakitang gilas ito.

Sometimes I feel bad for him that he has to prove himself to his parents bago ipagkatiwala ang ibang negosyo nila. Derick is hardworking. Alam ko na magaling at maayos itong mag-trabaho. I saw his designs, pang-world class. He is really doing great in his field.

"Kumain ka na ba? Do you want me to bring you food? Nagluto ako ng paborito mong adobo kanina dahil akala ko bibisita ka. Dadalhin ko na lang ito at iinitin ko na lang pagdati--"

"No Love!" he cut me off. Natigilan din ako. "I mean, I'm okay tapos na akong kumain kanina, 'wag ka nang mag-abala pang pumunta dito, Love. It's late and not safe for you to travel. I'm tired also, gusto ko na rin magpahinga." Ewan ko pero pakiramdam ko parang bigla itong nataranta.

Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Kanina parang ang tamlay-tamlay ng boses niya at mukhang inaantok pa pero 'nong sinabi kong dadalhan ko siya ng pagkain bigla itong nag-panic.

Tama ba ang pagkaintindi ko sa reaksyon niya o napa-praning lang talaga ako? Para kasing may itinatago siya sa akin. Nanahimik ako, parang nawala lahat ang gusto kong sabihin.

Is he hiding something from me?

"Love, are you okay?" humikab ito ulit.

Agh! I'm so paranoid. Ganito ba talaga ang magkaroon ng boyfriend? Hindi naman ako ganito dati.

"Still there, Baby?"tanong niya ulit.

"Sure ka ba na okay ka lang Derick? I can bring you food kahit gabi na, okay lang sa akin." paninigurado ko pa sa kanya. Baka kasi nag-aalala lang ito sa akin dahil gabi na. Wala naman problema sa aking maghatid ng pagkain niya. I want to see him din naman dahil na-miss ko rin siya.

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now