Chapter 1

22.9K 590 68
                                    

"SAPPHIRA!" dinig kong tawag sa akin ng president ng College of Engineering pero hindi ako lumingon. Alam kong kukulitin na naman ako nitong maging representative sa darating na Miss Intramurals.

Binilisan ko ang aking paglakad at agad akong kumubli sa mga mayayabong na halaman sa likurang bahagi ng isa sa mga classroom dito sa block namin.

Ewan ko ba dito sa president namin, sa dinami-dami ba naman ng mga engineering students na magaganda ako pa talaga ang pinagkakainteresan niya. Ang dami ko pang plates na kailangang tapusin. Wala akong panahon para sa pa-contest na yan.

This is my last year in college. Ang daming requirements na dapat tapusin. Dagdagan pa ng pangungulit nila Kathiana sa akin.

Alam naman nilang hindi ako mahilig sa mga beauty pageant na yan. Ayaw kong ipahiya ang department namin lalo na ang sarili ko. May question and answer portion pa naman. Anong isasagot ko? Baka pagdating sa Q&A magiging kulelat ako, nakakahiya!

It's not that sobrang bobo ko na hindi talaga makasagot, wala lang talaga akong confidence na sumali sa mga ganyan. Baka matapilok pa ako o di kaya mapunit yung gown ko. Ay naku!

Kahit anong alibi na ang ginawa ko dito hindi pa rin ito tumitigil sa pagkumbinse sa akin. Last year ko na kasi at simula first year pa itong nangungumbinse sa akin pero hindi ako pumayag.

Isa pa, sakaling sasali ako sa ganyan kailangan ko na naman rumaket, dagdag gastos pa iyan kahit sabihin nilang sila ang bahala sa lahat-lahat.

Medyo nabawasan pa naman ngayon ang oras ng pagtitinda ko sa palengke ng isda dahil ang dami ng requirements para makapagtapos ako.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na narinig ang boses ni Kathiana. Siguro hindi niya na ako nasundan, mabuti naman. Inayos ko muna ang pagkasukbit ng aking back pack para makapunta na ako sa library. Doon na lang muna ako tatambay para sa next subject ko.

Kainis! Gusto ko pa naman sanang tumambay sa cafeteria ngayon. Nasaan na ba kasi si Daniella? Isa rin 'tong babaeng 'to bigla na lang nawala kanina pagkatapos ng klase namin.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, hinahanap kung may anino b ani Daniela pero wala. Kaya napagdesisunan kong pumunta nalang sa libraray ng mag-isa. Bahala si Dani maghanap sa akin. Kasalanan niya rin naman at bigla siyang umalis.

"Bulaga!"

Shit muntik akong mabuwal sa pagkabigla ng biglang sumulpot si Daniella. Tawang-tawa pa ito ng makita ang reaksyon ko.

"Bwiset ka talaga Dani! Alam mo yun?" napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang pagkagulat ko sa kanya. Feeling ko lumabas yung kaluluwa ko sa aking katawan sa sobrang kaba. Habang ito naman ay namumula na sa kakatawa. Nakahawak pa ito sa tiyan niya at maluha-luha pa.

"Kung nakita mo lang ang pagmumukha mo Saph mukha kang najejebs na hindi ko ma-describe!" turo pa nito sa akin.

"Wow tuwang-tuwa tayo ah? Kung ako makaganti sayo siguraduhin mo lang na hindi ka magagalit ha, pikon ka pa naman."

Tumigil ito sa katatawa at humawak sa braso ko.

"Ito namang bff ko, hindi na mabiro!"

"Biro? Huy Dani wag mo akong mabiro-biro ng ganun at baka may hawak akong panghampas at nahampas kita kasalanan ko pa!" pinamaywangan ko siya pero deadma lang ito.

"Bakit ka ba kasi nakatago doon? Sino bang pinagtataguan mo? Yung manliligaw mo ba?"

"Manliligaw?! Tumahimik ka nga Daniella! Sumbong kita sa Nanay mo eh puro manliligaw 'yang nasa utak mo" Napanguso ito na parang bata. "Lam mo ikaw, yan ang nakukuha mo kaka-selpon mo."

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon