Chapter 10

12.5K 453 98
                                    

"HI Sapphira!" malambing na tawag niya sa pangalan ko.

I froze when I heard her called my name. Hindi ako pwedeng magkamali, kaparehas ito ng boses na narinig ko kagabi. Bigla na naman lumakas ang tibok ng puso ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang boses niya.

I heard her footsteps coming near me. I remained seated and didn't bother to turn my face at her.

Pumunta ako rito sa likod ng building namin dahil gusto kong magpahinga kahit saglit. Buong gabi akong hindi nakatulog kaya medyo masama ang aking pakiramdam. Pero hindi ko inaasahang mahanap niya ako rito.

Mabuti na lang at inanunsiyo kanina na halfday lang kami ngayon, gusto kong matulog mamaya pag-uwi sa boarding house namin. Medyo nahihilo na ako at pagod na ang utak ko sa kakaisip.

Umupo ito sa aking tabi kaya napalingon ako sa kanya.

How can she look so beautiful even with the simple clothes that she's wearing? I noticed that most of the time her clothes are plain and simple but nevertheless she still looks pretty at that.

Ang amo pa talaga ng pagmu-mukha niya at napakalambing pa ng boses niya. She's really an ideal girl. Mayaman, matalino at mabait. Hindi na ako magtataka kung marami ang nagkaka-gusto sa kanya.

"Saph are you okay?" she asked. Siguro napansin nitong nakatitig ako sa kanya. Ang sama ko bang kaibigan kung pag-iisipan ko siya ng masama?

I gave her a nod. I felt bad for thinking negatively about her when all she does is be nice and kind to me.

Ang bait niya sa akin. Simula nang sumali ako sa pageant naging maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Naging mas malapit ito sa akin dahil hanggang ngayon pinipilit pa rin ako nitong subukan ang pagmo-model.

Hindi man kami madalas na magkausap pero ramdam ko na totoo ang pakikipag-kaibigan nito sa akin. Naalala ko pang pinagtanggol ako nito isang beses kay Glenda. Kaya hindi ko lubos maisip na 'siya' 'yong narinig ko kagabi. Sana nagkamali lang ako.

"Are you sure, Saph? You look pale, may sakit ka ba? I can bring you to the hospital." she said in a gentle voice. Kinapa pa nito ang leeg ko. Imbes na gumaan ang pakiramdam ko feeling ko tuloy mas lumala pa ito dahil nadagdagan ang konsensiya ko. Baka nga matuluyan ako at magkasakit na nga talaga.

"Okay lang ako Kath, salamat ha... Bakit ka nga pala nandito?" malumanay kong sagot sa kanya. She is so nice and I feel bad thinking against her. "May kailangan ka ba?"

"Ah kasi I was looking for you. Si Mama O kasi kinu-kumusta ka, if may time ka raw dalawin mo daw siya."

I'm touched, naging pamilya ang turing sa akin ni Mama O pati ng team niya. Minsan tini-text pa ako nito at nangangamusta. Pinapadalaw din niya ako sa agency nila pero wala talaga akong time nitong mga nakaraan. Ang dami kong hinahabol na bayarin kaya doble raket kaming dalawa ni Dani.

"Pakisabi kay Mama O na okay lang ako Kath, at saka pasensiya na kung hindi ako nakabisita sa kanya, alam mo naman rumaraket kami ni Daniella."

"Kumusta na pala kayo ni Daniella? Na-miss ko na rin ang babaeng 'yon, matagal na kaming hindi nakakapag-kwentuhan."

"Busy si Dani ngayon, nagtre-training siya sa kumpanyang gustong kumuha sa kanya, 'yong pinag OJT-han niya dati."

"Ah ganun ba? Sana bago ang graduation natin makapag-bonding naman tayo. I never get the chance to bond with you during school days dahil alam kong busy kayo palagi pero sana before graduation natin mag-girls night out naman tayo."

The Billionaire's Soulmate ( SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon